Maaga pa lang ay gising na si Eloisa. Kaagad siyang naligo, at paglabas niya ng banyo, sakto namang nagbukas ang pinto ng silid.
Napahinto siya sa pagtingin kay Damone, na pumasok na may dalang tray ng pagkain at gatas.
"Morning, pretty," bati nito, nakangiti, saka diretso sa lamesa para ilagay ang dala niya.
"Hindi ka ba marunong kumatok? You’re invading my privacy," mahinahong sabi niya. "Alam ko, bahay niyo ito, pero hindi yata tama na basta pumasok ka nang hindi nagpapalam."
Mabuti na lang at nakabihis na siya—t-shirt, maong jeans, flat sandals, at hinayaan niyang nakalugay ang mahaba niyang buhok, medyo basa pa kaya mamaya na lang niya ito if-ii-blower.
"I'm sorry. I just want to apologize for what happened last night. It wasn’t my intention. I was just really drunk," sabi ni Damone, lumapit sa kanya.
Nananatiling nakatayo si Eloisa malapit sa pinto ng banyo, habang siya ay nanatiling nakatingala. Siya ay 5'4", at kahit nakatingala, hindi pa rin niya maramdaman ang tangkad ni Damone—sobrang taas ng lalaki.
May lungkot siyang nababasa sa mata nito, ngunit hindi niya pinansin. Kumakalabog ang puso niya dahil muling malapit ang lalaki sa kanya. Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?
Bumuntong hininga siya at pilit sinalubong ang titig ni Damone. Matiim ang tingin nito, para bang inaarok siya.
"Kalimutan mo na 'yon, basta wag mo na uulitin," sabi niya bago lumapit sa mesa.
Nalanghap niya ang bango ng pagkain, at bigla tuloy nagutom.
Sumunod si Damone sa likod niya, pero hindi kumibo. Nililingon niya ito.
"Hindi ka na sana nag-abala pa. Pwede naman akong bumaba," sabi niya, kahit na pinapahalagahan niya ang effort nito.
He smirked. "It’s nothing."
Tumango si Eloisa at nagpasalamat. Nanatili si Damone sa silid ng kaunti, at sa una ay naiilang pa siya, pero kalaunan ay nasanay.
Inalok niya si Damone na saluhan siya. Sumunod din ito. Tahimik silang kumain sa loob ng silid, at paminsan-minsan ay nagkukuwento siya tungkol sa sarili. Tumango at ngumiti lang si Eloisa.
Ngunit nang tanungin siya tungkol sa buhay may asawa, bigla siyang na-stuck. For a moment, blank ang utak niya. Nawalan siya ng masabi.
He said sorry again. Ngumiti siya, at hindi na siya muling nagtanong. Siguro nagtatanong lang siya tungkol sa buhay niya—wala nga pala silang balita sa kasal niya at ng pinsan nito.
Expected naman iyon—sinadya ni Gideon na maging sekreto ang kasal nila noon para makaiwas sa mga mata nina Mark Florante at anak nitong si Markie, business partners ng yumaong asawa.
They even tried to kill Gideon and abduct me to force me to sign the contract with Markie. Pero luckily, ten times ahead si Gideon at nailigtas siya.
They had been married almost a year, pero biglang iniwan siya ni Gideon. Dahil business partners ang mga Florante, nakuha nila ang kumpanya at investors niya habang nagluluksa siya.
Sa ngayon, hahayaan niya na muna silang maghari sa negosyo ni Gideon. Balang araw, may paraan din siyang gagawin para mabawi iyon.
"Aalis ka?" napalingon siya nang maramdaman si Damone sa likod niya.
Nakasuot ito ng black polo shirt na tinupi ang manggas sa siko.
Mabilis niyang pinasadahan ang tingin sa buong lalaki bago muling tumingin sa mukha nito. Naabutan pa ang pagkagat niya sa labi at tila may pinipigilang ngiti.
"Oo. Balak ko sana umuwi sa probinsya namin. Babalik din naman ako sa linggo," sagot niya. May kailangan siyang asikasuhin sa Cagayan
"Ihatid na kita. I’m free today," he winked.
"Hindi na. Kaya ko pa naman sumakay mag-isa. Mag-taxi na lang ako," mabilis niyang sinabi habang naglakad palabas ng bahay.
Naramdaman niyang sumusunod si Damone, kaya inis niyang nilingon ito.
"Ano ba? Hindi ka ba talaga makaintindi at sunod-sunod?" bulyaw niya. Napahinto si Damone sa paglakad, nagulat.
"Ang feeling mo, pretty," nakangisi ang lalaki.
Pinaningkitan niya ito.
"Eh ano pala ang ginagawa mo? Bakit sumusunod ka?"
"Palabas din ako ng bahay. Ayaw mo ihatid kita, 'di ba? So, aalis na lang ako at maghahanap ng ka-date," sagot ni Damone, tumawa pa habang nilalagpasan siya.
Pinagmasdan niya itong sumakay sa kotse, pero bago iyon, muling tumingin si Damone at sinabi:
"Are you sure you’re not going to need my help? I can cancel my date for you… just say the word."
He teased her. Pero sinamaan lang niya siya ng tingin. Pakialam niya kung may date siya?
Nang dumating ang taxi na inarkila ni Eloisa, kaagad niya itong tinalikuran at hindi na pinansin.
DAMONE POV
Napatiim bagang si Damone habang tinatanaw ang papalayong taxi kung saan sakay si Eloisa. Hindi siya makikipag-date, pero alam niyang hindi iyon ang sinabi niya sa sarili. Kita niya ang inis sa mukha ng babae.
Naisip niya, baka apektado ito sa sinabi niyang may kikitain siyang babae.
Kahit pagtanggihan siya ni Eloisa na ihatid ito sa Cagayan susundan pa rin niya ang dalaga.
Mabilis siyang sumakay sa kotse at tahimik na sinundan ang taxi hanggang sa probinsya nito. Wala siyang pakialam kung masabihan siyang stalker pero si Eloisa lang iyon.
"Dude, ano itong nabalitaan namin na nasa Cagayan de Oro ka raw?" bungad ni Elias sa tawag.
"I have important things to do here. Ikaw na muna bahala sa kompanya ko," kaswal niyang sagot.
Narinig niya ang boses ng mga kaibigan sa background mukhang nasa bar na naman sila.
Kailan kaya magtitino ang mga ito? Sobra sa babaero, pero matalik pa rin niyang mga kaibigan.
There were five of them, all gorgeous in their own way.
Elias, the playboy.
Silas, the womanizer.
Cade, the silent one.
Delan, the charmer.
And Damone Sinclair—the good boy.
He was the only one without a girlfriend. And only now was he finding himself interested in a woman… a widow, of all people.
After the call with Elias, he walked toward the house where Eloisa was staying. He shook his head at himself.
He’s a stalker now, huh?