Madaling araw nang magising ako dahil sa bigla akong nakaramdam ng pagka uhaw.
Ngunit akmang babangon ako nang mapansin ko ang makapal na kumot na nasa katawan ko.
Teka, hindi naman ako nagkumot kanina 'di ba?
Naalala niya bigla siyang nakatulog kanina dala ng pagod.
Hindi naman siguro si Damone ang naglagay nito sa akin. hindi naman siguro siya papasok sa loob ng silid ko?
Dahil walang makuhang sagot ay tumayo na siya kesa isipin pa kung sino ang nagkumot sa kanya. tsk.
Naisip niya bumaba para uminom ng tubig. na uuhaw siya. Ayaw naman niya pindutin ang button sa loob ng kwarto niya para lang tawagin ang mga maids. nakakahiya iyon.
Nagpatuloy siya sa pagbaba hanggang marating ang kusina. Bukas ang ilaw doon.
Masyado nang tahimik ang buong mansyon halatang nasa kasarapan ng tulog ang lahat. Pero heto siya, gising pa rin, nauuhaw, at hindi mapakali.
Pagpasok niya, muntik na siyang mapatalon nang mabungaran niya ang isang lalaking nakaupo sa bar stool malapit sa island counter. Sa harap nito ay ilang bote ng alak—ang iba’y wala nang laman.
Napatingin si Damone sa kanya. Bahagya itong nagulat, ngunit hindi nagsalita.
Namumungay ang mga mata ng binata habang nakatitig sa kanya.
Gising pa siya? At umiinom mag-isa?
Broken-hearted ba ’to?
“N–Nauuhaw lang ako… naisip kong bumaba. Pasensya na,” nautal niyang sabi. s**t.
Hindi ito sumagot.
Tumayo si Damone at naglakad palapit sa kanya. Habang papalapit ito, halos kapusin siya ng hininga. Nalalanghap niya ang halong amoy ng alak at natural nitong bango—isang kombinasyong nakakagulo ng isip.
“Here.”
Hindi niya namalayang may hawak na pala itong baso na may malamig na tubig. Inabot iyon sa kanya. Nagulat siya sa bigla nitong kilos.
“Thanks,” agad niyang tinanggap ang baso at inisang lagok ang laman habang ramdam pa rin niya ang titig nito sa kanya.
Nang dadalhin na niya ang baso sa lababo, inagaw iyon ni Damone sa kanyang kamay at siya na mismo ang naglagay.
Napatitig na lamang siya sa kanya.
Hindi niya alam kung bakit naroon pa rin siya sa kusina. Dapat ay bumalik na siya sa kwarto at iwan ito. Pero hindi niya ginawa. Nakatayo lang siya malapit sa pinto, pinagmamasdan si Damone habang umiinom.
“You want to join me?” tanong nito, lumingon sa kanya.
Bago pa siya makapag-isip, nakaupo na siya sa harap nito. Inabot ni Damone ang isang basong may laman na alak.
“Can I ask you a question?” sabi nito.
Tumango siya. “Go ahead.”
“Do you plan to remarry?”
“Ano?” napatingin siya rito.
“Well… I mean, now that my cousin is gone… maybe you’re planning to remarry? Or try dating someone?”
May ngiti ito habang nagtatanong, pero seryoso ang mga mata.
“It’s too early for that. And I don’t think about it,” sagot niya.
Totoo iyon. Wala naman talaga sa isip niya ang mag-asawa muli. Kasal pa rin siya kahit alam niyang wala na ang asawa. Ayaw pa rin niyang isipin ang muling pag-aasawa.
At least not now.
Yumuko si Damone at bahagyang umiling. Napatingin siya rito. Ang gwapo nito namumula ang mukha, marahil dahil sa alak. Mukhang lasing na. Nang magtagpo muli ang kanilang paningin, parang may biglang humigpit sa dibdib niya.
“Bakit mo tinatanong?” tanong niya.
“Naisip ko lang… parang ang lungkot ng gano’n,” sabi nito, seryosong tumitig sa kanya. “Nawala ang taong mahal mo. Mag-isa ka na naman.”
Parang inaarok siya ng mga mata nito.
“Do you love my cousin? No’ng kinasal kayo, hindi niyo kami sinabihan. Bakit?”
“Secret lang kasi iyon,” sagot niya. “Sa civil lang kami nagpakasal. Walang dumalo mga driver at kasambahay lang.”
“That’s sad,” sabi nito sabay smirk. “A secret wedding.”
Uminom ito muli bago nagsalita.
“If I’ll get married, I’ll make sure to give my bride a grand wedding. I want the world to know how much I love her how she’s about to be mine… forever.”
May kakaibang pintig ang puso niya. Hindi niya maiwasang maimagine ang sinasabi nito.
Napakaswerte ng babaeng ’yon.
“Good for you,” sabi niya marahan. “Pero sa akin, sapat na ang kasal ko. Kahit wala na siya, mananatili pa rin akong nakatali. Iyon ang sinumpaan namin.”
Diretso siyang tinitigan ni Damone tila sinusubukang basahin ang laman ng kanyang isip.
“Why?” tanong nito. “Hindi naman bawal ’yon, ’di ba?”
“I’m still married,” sagot niya. “At wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay. Masyado pang maaga.”
Kahit kontrata lang ang kasal nila ni Gideon, asawa niya pa rin ito. Legal pa rin iyon.
“Poor you,” sabi ni Damone.
Sunod-sunod nitong nilagok ang alak direkta mula sa bote.
Ano ba ang problema niya?
Namumula na ang buong mukha nito pati tainga at leeg. Halatang lasing na.
“Sige, babalik na ako sa kwarto,” sabi niya sabay tayo. “Matulog ka na rin. Tama na ’yan.”
Pero nagulat siya nang hawakan ni Damone ang kanyang kamay at bigla siyang hinila palapit.
Bago pa siya makareact, lumanding siya sa kandungan nito.
Napaupo siya sa lap nito.
“Can you stay… just for a while?” sabi nito sa paos at mababang boses.
Tila nahipnotismo siya ng asul nitong mga mata—malalim, mapanganib, at nakakahalina.
_____________
Hindi ako nakapagsalita. nang bumaba ang mga mata niya sa labi ko, dama ko ang kilabot, kaba at may halong excitement habang nakatitig rin ako sa mukha niya na unti-unting bumababa patungo sa mukha ko. at nang magpantay ito. halos kapusin ako ng paghinga nang lumapat ang natural at mapupula niyang labi sa labi ko!
My first kiss!
dapat pigilan ko siya, dapat itulak at sampalin ko siya sa kapahangasan niya pero hindi ko magawa.
He stole my first kiss!
Sa noo lang ako nahalikan ni Gideon nong kasal namin.
Oo kasal at legal kaming mag asawa ni Gideon. pero ni minsan ay hindi niya ako pinakialaman. Tanging halik sa noo at pisnge lang ang ginagawa namin.
Kaya bago itong pakiramdam ang mahalikan sa labi. nang gumalaw ang labi ni Damone sa loob ng bibig ko. tuluyan na akong nakalimot bakit ako narito sa pamamahay nila.
He kissed me like there's no tomorrow. Hindi ako marunong dahil ito ang una ko kaya nakakagat ko siya ng subukan ko tumugon.
" Sorry, " I said. dumugo iyong ibabang labi niya. pero ngumiti lang siya saka muli akong dinaluhong ng halik!
Nang angkuin niya ako at dalhin sa silid ko. hindi ako tumutol.
Maingat niya akong ipinasok sa loob saka binaba sa kama. Nakayuko ako dahil bigala kong tinamaan ng hiya.
. s**t!
pano na?
baka isipin niya easy to get ako!
Kamamatay palang ng pinsan niya pero ito ako at nagpapahalik na sa kanya. gusto ko batukan ang sarili!
" I'm not sorry for kissing you, Pretty, and If given a chance... " hinawakan niya ang baba ko at saka inangat para matignan ako sa mata.
" I will do it again, and again, " he said. . Naplunok ako habang nakatitig sa mga labi niya. para akong inaakit niyon.
Pero. mahigpit kong pinigilan ang sarili saka nag iwas ng tingin.
" Hindi mo dapat ginawa 'yon, " ani ko. pinatatag ko ang boses ko kahit nanghihina ako.
" Mali ang ginaw mo. sa susunod na halikan mo ako ay kakasuhan kita ng harrasment!" piantigas ko ang boses ko at nag kunwaring galit. napansin ko naman ang biglang pagkawala ng lambing sa mga mata niya. napalitan iyon ng sakit at pagkalito.
Pero hindi na rin siya nagsalita pa. Hanggang sa lumabas siya ng silid jko doon palang ako nakahinga ng maayos.
**.*
Malakas na binalibag ni Damone ang pinto ng kanyang kwarto matapos niyang manggaling sa silid ni Eloisa.
Nang sabihin nito na bawal ang ginawa niya at mali iyon. doon niya napagtanto na tama ito.
Oo nga naman. sino ang matino ang hahalikan ang asawa ng pinsan mong namatay na? wala. siya lang ang siraulong 'yon!
Fuck! muntik na siya makalimot kanina.
He really liked her. He want her. but she is forbidden.
And that's f*****g hurt him! damn.