
Umuwi si Ana ng Pilipinas dahil sa trahedyang nangyari sa kanyang mga magulang na siyang magpapabago ng buhay na nakasanayan niya.Lumaki at nag aral si Ana marie Fuentes sa America.Pinalipat siya ng kanyang mga magulang sa ibang bansa ng mag umpisa itong mag aral ng secondarya.
Lumaki siya sa mayamang pamilya at kahit kailan ay hindi niya naranasang magkaproblema sa ano mang bagay.
Pero sa kabila ng pagiging mayaman nila ay hindi siya ang tipo ng anak mayaman na maluho at sunod sa lahat ng uso.Simple lamang siya at kahit kailan hindi niya inisip na isa siyang taga pagmana.
Dumating ang araw na hindi niya inaasahan,nawala ang pinakamamahal niyang mga magulang at naiwan siyang mag isa na lamang at hindi lang doon,nawala din lahat ang kanilang kayamanan..
Kahit pa simpleng dalaga lamang si Ana ay hindi niya naranasang maghirap o magtrabaho para magkapera kaya napalaking pagsubok ito sa para sa kanya..
Hanggang sa nakilala niya ang lalaking kailanman ay hindi niya inakalang magiging asawa pala niya..
Si Luke o Lucas Fuentebella ll..Isang playboy,arogante at moody.Ganyan ang pagkilala ni Ana kay Luke.
Kahit hindi sigurado ay nagpakasal si Ana dito.
Para kay Ana ito nalang ang huling baraha niya,hindi niya kayang mamuhay na mag isa at walang wala kaya wala siyang choice kundi tanggapin ang inalok ng Kaibigan ng kanyang Ama.Ang pakasalan ang unico hijo nito na si Luke..
Nagsama sila bilang mag asawa pero para kay Ana ay sa papel lamang ito at yun din ang akala niya na nararamdaman ni Luke.
Pero lingid sa kaalaman ni Ana na may pagtingin pala sa kanya si Luke mula nung makita siya nito kaya umuo ito nang sabihin ng kanyang ama na pakasalan siya.
Kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Ana dito dahil sa una palang na makita niya ito ay nagpakita na ito ng pagka arogante at pagkamoody.Inakala ni Ana na kailanman ay hindi niya mamahalin ang lalaking ito kahit gaano pa ito kagwapo.
Pero iba ang nangyari dahil unti unting nahulog ang loob nito sa kanya..
Minahal niya ang lalaking ipinakasal sa kanya..

