Kabanata 7

1022 Words
KABANATA 7 Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng mga mangga bilang dessert nang inopen-up ni Mimi ang tungkol sa aking pag-aaral. Ang mga bata ay naglalaro kasama ng mga yaya sa isang children's park di kalayuan dito. "Patapos na ang klase ngayon. Anong balak mo? Papasok ka na ba sa paaralan ngayong Hunyo?" Napakurap ako sa tanong nito. Bumaling ako kay Gene na ngayon ay nabilaukan sa kinakaing mangga. "Dahan-dahan ka kasi," sabay hagod ni Mimi sa likod nito. "I'm fine," sagot naman ni Gene sabay inom ng tubig. Nang masigurong okay na ang asawa ay binalingan niya akong muli. "So? Papasok ka na sa LJU? Grade six ka na sa pasukan, di ba?" Umiling ako sa kanya. "She won't be going to school this year either, Mimi. Iyan ang napagkasunduan ng mga matatanda," pansin ko ang agad na pagkunot ng noo ni Mimi. Ibinaling ko na lang ang aking atensyon sa kinakaing mangga habang pinapakinggan ang pag-uusap nilang dalawa. "Why?" Tanging tanong ni Mimi sa asawa. "This is for the best, Mi. Tsaka, hindi naman siya mahuhuli sa mga natutunan ng ibang bata sa school. In fact, she'd have better lessons and teachers than they'll ever have. She'll have the best education a person could get, I promise," sagot naman ni Gene bago sinimulang balatan ang panibagong mangga. Mimi eyed me with concern bago muling hinarap ang asawa. "Your family might be right thinking that this is for the best pero kailangan din naman ni Ayang makapaghalubilo sa mga kaedad niya! She's still young! She needs to experience life outside the family!" "She's young kaya nga hindi niya pa kailangang ma-experience ang buhay outside the family. Paano kung may masamang mangyari sa kanya roon? Hindi ko siya mapoprotektahan nang maayos. She needs to be where I can protect her!" Halos tumataas na ang tono ng pananalita ni Gene. "Newsflash, Gene, you can't protect her forever! Darating ang araw that she'll be in trouble and you won't be there for her. She'll have to defend herself. She'll have to take a stand on her own! Papaano niya matutunan iyon kung ikukulong mo lang siya sa 'proteksyon' mo?" Hindi ko na malunok nang maayos ang kinakain ko as I witness their simple conversation turn into a heated argument. "Ugh... maglalakad-lakad na muna ako," I said in a small voice. Tumango si Gene but his eyes were on his wife. "Don't go to places where I can't see you," malamig na sabi nito bago ako tumango at dahan-dahang umalis na roon. I heard Mimi said something sa huling sinabi ni Gene sa akin pero binalewala ko na lang iyon. I need some air. I need some place where I could forget about these sad things. Naglakad-lakad ako and I took in the view in front of me. Berdeng-berde ang mga d**o at umaalon-alon ang mga dahon ng mga puno ng mangga against a very clear sky. May konti pa ring mga ulap na tumatabon sa init ng sinag ng araw. I closed my eyes as I took a very deep breath. The view feels so refreshing. It's no wonder kung bakit dinadagsa ang lugar na ito. They might have loved the relaxing feel the whole farm offers. Lumapit ako sa mga puno ng mangga at isa-isa itong tinignan. Mayroon din akong mga nakakasalubong na mga manggagawa na panay ang titig sa akin. Akala marahil nila ay isa akong dayo dahil na rin sa kulay ng aking mga mata at buhok. Bahagya akong yumuko nang malagpasan ko sila. May nakita akong isang puno ng mangga sa itaas ng burol. Unlike the other trees, medyo maliit pa ito at wala pang bunga. Tinungo ko iyon para matignan nang malapitan. Nang makalapit na ako'y naingganyo naman akong akyatin ang puno dahil sa baba nito. Nilingon ko muna ang aming cottage. Medyo malayo iyon mula rito at natatabunan na ng mga puno ng mangga. Nang masigurong hindi ako makikita ni Gene, walang pagdadalawang-isip na inakyat ko ito. Nang narating ko ang unang sanga, mas naingganyo pa akong akyatin ang mas mataas pang sanga. Ganoon uli sa sumunod na sanga hanggang sa nakapunta na ako sa pinakamataas na bahagi ng puno. Medyo manipis na ang sangang inuupuan ko kaya kailangan ko pang isandig sa katawan ng puno ang aking likuran para makasigurong hindi iyon mababali. Hindi nga ako nagkamali sa pag-akyat dahil ngayon natatanaw ko na ang kabuuan ng farm. Ang lawak-lawak nito at berdeng-berde dahil sa mga malulusog na puno ng mangga. Natatanaw ko rin iyong dagat mula rito. Ang ganda talaga! Sayang at hindi ko dala ang sketch pad ko. Nagkibit-balikat na lang ako at muling sumandal sa puno. I'll just memorize this sight and then paint it in my room later. Tuwang-tuwa ako sa mga nakikita nang may bigla akong narinig na umuungol. Kumunot ang noo ko sa kakaibang tunog. Para ba itong sinasakal at hirap na hirap. Hinanap ko agad ang pinanggagalingan ng ungol. Baka kasi nangangailan ng tulong. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makitang may naghahalikan sa paanan ng punong kinaroroonan ko. Kita ko ang paglamutak ng lalaking nakaputing polo na tinupi ang sleeves hanggang siko ng bunganga noong babaeng tinatanggalan naman siya ng butones. Ang mga kamay naman noong lalaki ay panay ng hagod sa katawan noong babae na umuungol sa ginagawa sa kanya. Para silang sarap na sarap sa ginagawa ng isa't isa. Wala sana akong balak mag-ingay, pero sa kakasilip ko, bigla na lang bumigay ang sangang inuupuan ko. Nabali iyon. To my utter disbelief and their disappointment, doon pa talaga ako nahulog sa harapan noong dalawang naglalampungan. Malakas na napatili iyong babae sabay ayos naman sa nakabukas na pala niyang blusa at nalihis na saya. "What the f*ck?!" Mabilis namang inayos noong lalaki ang kanyang pantalon. Agad din naman akong tumayo at hihingi na sana ng despensa nang bigla akong hinila noong lalaki gamit ang harapan ng aking shirt at marahas na isinampa sa katawan ng puno. Nanlaki pareho ang aming mga mata nang mamukhaan ang isa't isa. Panandalian lang ang gulat sa kanyang mga berdeng mata at napalitan iyon ng pagka-irita. "You again?!" Nanggigilaiti nitong tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD