Kabanata 6

2000 Words
KABANATA 6 Natuloy ang balak ni Gene na pamamasyal namin sa buong estate. Nang sabihin niyang buong estate hindi ko akalaing buong lungsod ng Asteria pala ang tinutukoy niya! Umabot na ng hapon, wala pa kami sa kalahati ng buong 'estate'! Papasok na kami ngayon sa isa sa mga mango farms ng angkan. Ayon sa nakasulat sa pamphlet na hawak ko, ito daw ang pinakamalaki at pinakakilala sa buong Pilipinas. Pansin ko agad ang mga taong kung hindi man papunta ay galing na sa loob ng farm. Ang karamihan sa kanila ay parang mga dayo pa. Sinilip ko ang nasa unahan namin at nakita ko agad ang malaking signage sa itaas ng matayog na gate. Asteria X Mangoes. "Milo, bakit may maraming taong pumupunta rito? Open pala ito sa publiko?" Tanong ko sa driver namin nang di inaalis ang paningin sa mga taong naglalakad at mga tricycles na bumabyahe patungo sa gate ng farm. "Mayroon din po kasing pasalubong shop sa loob ng farm na ito, Lady Aya. May snack bar din na nagbebenta ng mga mango products ninyo tulad ng ice cream, ice candy, iced tea, juice at shake..." Sagot nito na naputol nang may biglang tumikhim sa tabi ko. Hindi ko iyon nilingon. Tumango lang ako sa narinig mula sa driver tsaka muling ibinaling ang paningin sa mga kaganapan sa labas ng sasakyan. Nang makapasok na kami sa loob, namataan ko kaagad ang tinutukoy nitong shop. Punung-puno ito ngayon ng mga kustomer na gustong bumili ng mga pasalubong. Mayroon din akong nakitang mga 'Asteria' souvenir shirts na nakabitin sa labas ng tindahan. Hindi kalayuan doon, nakita ko naman ang open snack bar. Nasa kalagitnaan ito ng farm at pinagawa talaga ang anyo nito katulad ng isang kalahating mangga. May mga maliliit na mesa ang nakakalat sa paligid ng bar. Kapansin-pansin rin ang haba ng pila ng mga kustomer na bibili. Lahat nakangiti at tila excited sa mga o-orderin. May mga napansin akong nakapila na nangingisay habang tinuturo ang nasa counter. Mayroon pang mga tumitili. Napaangat ang kilay ko sa nakita. Ganun na lang ba kasarap ang mga inumin dito at ganyan sila kasabik? Pilit kong sinilip kung anong meron sa counter na tila pinagkakaguluhan nila pero nalagpasan na namin iyong bar bago ko pa makita. Inilibot ko na lang sa ibang sulok ng farm ang aking mga mata. Kahit saan ako tumingin, mga puno ng mangga ang nasisilayan ko. Napunta kami sa parte ng farm na may maraming mga burol na puno pa rin mga puno ng mangga. May nakita akong mga manggagawa na busy sa pagbubuhat ng mga basket na punung-puno ng mga bunga. Kumaway pa ito nang dumaan ang sasakyan namin. Bumusina lang sa kanila ang driver namin at nagpatuloy sa pagmamaneho. "Kakilala niyo?" Tanong ko rito. Sumulyap siya saglit sa rear view mirror bago ako sinagot. "Opo, Lady Aya. Pero kahit hindi naman, kumakaway talaga sila bilang pagbati sa tuwing pumapasyal dito ang pamilya ni Master Gene," nakita ko pang panandalian din nitong sinulyapan ang katabi ko bago nagpatuloy, "Kilala kasi ang pamilya niyo rito bilang mababait at mauunawaing mga tao hindi tulad ng ib..." Muli na namang tumikhim ang katabi ko na nagpatigil sa driver naming magsalita. Hindi na niya kailangan pang dugtungan. Alam na alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Ang farm ay isa sa mga pagmamay-ari ng pamilya ni Dice under Hans' management. Si Hans ang nakababatang kapatid ni Gene. Sa magkapatid, ang bunso ang mas matured mag-isip pero tinitingala pa rin niya ang kanyang kuya. Well, Gene may be happy-go-lucky and a bit crazy when he's around me pero pagdating sa trabaho, seryoso ito at pulido kumilos. Sa dalawa, si Gene ang nagmana kay Dice pagdating sa passion sa business. Thankfully though, hindi niya nakuha ang pagiging matapobre nito. Si Hans naman ay stoic at tahimik lamang. He's the kind who observes at first bago niya susubukang gawin. Gaya ni Gene, hindi rin siya matapobre kaya lang hindi rin siya marunong makihalubilo. He's awkward and shy around people. Maybe that's the reason kung bakit napapagkamalan siyang strikto at kinakatakutan ng mga tauhan niya. Napasandal ako sa sandigan ng aking upuan as I watched some workers pass by with their baskets. Hindi katulad sa mga nauna kanina, mga bata pa ito at tila hindi nalalayo sa edad ko. Nagkukwentuhan ang mga ito at nagtatawanan pa na para bang hindi mabigat ang pasan-pasang karga na mga mangga. Maybe the farm is offering jobs to teenagers during summer. Iginala ko na lang uli ang mga mata ko sa paligid. Ilang sandali pa, namataan ko ang isang pamilyar na babaeng kumakaway sa isang cottage. I looked at her closely and my eyes widen at the recognition. "Is that Mimi?" Excited na tanong ko sa katabi kong kanina pa hindi umiimik, nakahalukipkip at nagpapang-abot ang nguso at nakakunot na noo. "Hmmm..." Walang ganang sagot nito. Nagtatampo kasi hindi ko isinuot ang pares ng father/daughter shirt na suot-suot niya kahit anong pilit niya. Hindi ko na lang siya pinansin at ibinaling sa harapan ang aking paningin. Nakita ko pang bahagyang natawa si Milo sa inasta ng kanyang amo pero kaagad naman itong napawi nang mapansing nakatingin ako. Muli ko pang sinilip ang aking katabi. Nakatingin ito sa kabilang banda pero bakas pa rin ang simangot sa repleksyon nito sa salamin ng sasakyan. Umiling na lang ako bago itinuon ang sarili sa aming destinasyon. Kita ko mula rito ang kumakaway pa ring bulto ng asawa ni Gene. Sa likod nito mayroong dalawang nakascrub suit at tila may karga-karga. Iyon na marahil ang kambal! I coudn't contain my excitement kaya when our van finally came to a halt, kaagad ko ng kinalas ang seat belts ko at walang sabi-sabing binuksan ang pintuan sa side ko. Hindi ko na hinintay pa iyong nagtatampong baliw at lumabas na ako sa sasakyan. "Aya!" Rinig kong tili ni Mimi. Kaagad naman akong napangiti nang makita siyang magiliw na kumakaway. I can see the twins clearly now. Ang lalaki na nila! "Mimi!" Tili ko rin dito bago ko tinakbo ang distansya namin at dumiretso sa yakap niya. "Oh my God, Aya, you're finally here!" Tili pa rin nito habang niyayakap ako nang mahigpit. Tumawa ako sa sayang nadarama. Finally, I'm home. "Oh, let me have a better look at you!" Sabi pa nito bago ako bahagyang inilayo at hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi nakatakas sa akin ang pagngiwi nito sa aking suot. I was wearing a simple white shirt, ripped jeans and some white chucks. Natawa na lang ako sa naging reaksyon nito. "Why are you still wearing boys' clothes, Aya? Boy's cut pa ang cut ng buhok mo. Hindi ka naman siguro tomboy, ano?" Natawa uli ako sa kanyang konklusyon. "Ano ba ang basehan para masabi kong tomboy ba ako o babae? Alam mo ba?" Muli itong ngumiwi sa mga tanong ko. "Even the way you talk is boyish!" Mas lalo akong natawa sa kanyang sinabi. Masisisi niyo ba ako kung lahat ng nakakasalamuha ko ay puro mga lalaki? At isa pa, gusto ko rin ng ganito. Kung pwede nga lang sana maging lalaki. Kung sana naging lalaki na lang ako... Umiling ako to stop my mind from lingering in that direction. I shouldn't think about unhappy things right now. Kasama ko na ang pamilya ko ngayon. There's no time to be unhappy. Wala rin iyong lugar sa puso ko ngayon kasi, right now, I'm happy. So happy. "I think kailangan nating laging magsamang dalawa. This is what you get when you're constantly surrounded with boys!" Sabi pa nito sabay akbay sa akin at iginigiya ako papasok ng cottage. Pagkapasok, agad nahuli ng paningin ko ang dalawang maliliit na bata. They're both wearing matching shirts, jumper shorts, boots and golf caps! Hindi maiikailang Cross ang mga ito. Kuhang-kuha nila ang hitsura ng papa nila. They're like mini-Genes! Ang ku-cute!! Kasalukuyan naman nilang kinukulit ang kanilang papa na walang buhay na nakapalumbaba sa pabilog na mesa sa gitna ng cottage. Hindi ko napansing nauna na pala siya sa loob. Sinilip ko ang labasan at nakita kong magiliw na kausap naman ni Milo ang dalawang yaya malapit sa pinagparkingan ng van namin. "O, anong problema ng isang iyan?" Pagtataka ni Mimi sa inaasta ng asawa. Panandalian akong tiningnan ni Gene, nakanguso pa rin, bago umiwas ng tingin. It also seemed like he was muttering incoherent words. Lumapit pa nang konti sa akin si Mimi para bumulong. "Hindi mo pinagbigyan na isuot iyong personalized shirt niya, ano?" Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at lumapit na lamang sa mga kambal na patuloy pa rin sa pagsundot-sundot ng mukha ng kanilang papa. Nakasunod naman si Mimi na tawang-tawa pa rin. "Para kang bata, Gene. Umayos ka na nga nang makakain na tayo. Sinabi ko naman sa iyong hindi niya iyon magugustuhan, di ba?" Masuyong hinaplos nito ang balikat ng asawa. "What's there not to like? Pina-embosed ko na nga ang mga silver letters para mas maganda tignan against the blue shirt. Tignan mo oh?" Sabay pakita nito kay Mimi sa suot-suot na damit na may naka-embosed na 'I ❤️ My Beautiful Daughter'. Marahang tinampal ni Mimi ang dibdib ni Gene habang tumatawa. Hindi ko na lang sila pinansin. Nilalaro ko na lang ang dalawang kambal na parehong tanong ng tanong ng kung anu-ano. "Maging ako'y aayawan 'yan, Gene. Masyadong obssess tignan. Isang taon na lang and she'll officially be a teenager. Papaano makakalapit ang mga lalaki sa kanya kung bantay-sarado ka?" Dinig ko ang malakas na singhap ni Gene sa sinabi ng asawa. "As if I'd let them! They'd have to get past through us cousins before they'd have anything to do with my sweet, smart, brave, precious, beautiful daughter!" Gene snarled. Tinaasan lang namin siya ng kilay ni Mimi. "You can't cage her all her life, Gene. She's a beautiful lady. One of these days, may darating na lalaki who would steal her away from you the way you stole me away from my father," mahinahong usal ni Mimi. Pero maging siya ay pinagtaasan ko ng kilay. Sinong may sabing magpapanakaw ako sa isang lalaki? Dadaan muna siya sa bangkay ko bago niya ako gawing kanya! I will not let myself be controlled by another man! I just want to be free! "Magkaiba naman iyon, Mimi. I love you with all my heart kaya kita inagaw sa papa mo," nakita ko namang pumula ang mga pisngi ni Mimi sa narinig mula sa asawa habang ako nama'y gusto ng masuka. "Uyy...." Nakapasok na pala ang dalawang yaya at ngayon ay tinutukso na ang mga amo nila. "Itigil niyo na iyan. Masyado ng kinikilig ang amo niyo," nanunuksong biro ni Gene sa asawang tila kasimpula na ng mga mansanas ang mukha. "Tama na nga iyan. Halina kayo at magsikain na tayo!" Namumula pa ring sabi ni Mimi, "Ibigay mo na sa dalawang yaya ang mga iyan para makakain ka na, Aya. At ikaw naman, Gene, act like a grown up already. Nakikita ng mga anak mo, o, baka kopyahin pa nila. Sasakit ang ulo namin ni Aya 'pag nagkataon," ngumuso uli si Gene sa sinabi ng asawa na ngayon ay tumatawa na. "Gow up, Chichi, gow up!" Halos magkasabay na sabi ng kambal sabay turo sa kanilang ama. Nagsitawanan naman ang lahat sa ginawa ng mga ito. "Even your sons think so, too, my dear," tawa pa ni Mimi sabay pisil sa nakasimangot na mukha ng asawa. I couldn't help but laugh with them. I unconsciously held on to that pendant on my chest. Ganito pala ang pakiramdam na kompleto ang pamilya. Ganito rin kaya kami kung... Muli akong umiling sa naiisip. Shove those thoughts away, Aya. Hindi ngayon ang panahon para isipin iyan. Nandito ka na ngayon kasama ang pamilya mo. Kompleto na rin kayo sa wakas. "O, Aya, kumain ka na!" Napalingon ako kay Mimi na inaabutan na pala ako ng isang paper plate. Nginitian ko siya habang tinatanggap ang plato. Yes, Aya, you're already home. You should be happy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD