KABANATA 17 "Anong pangalan mo?! Tinanong na kita, sumagot ka!" Nakita ko mula sa gilid ng aking mata na napatalon sa gulat iyong apat niyang tauhan. Nakipagsukatan pa ako ng titig dito bago ako nagbaba ng tingin. Nasa teritoryo niya ako. He's the king here. Naturally, I should obey. "A-aya—" I answered in a small voice. "Ano?!" Bulyaw nito na nagpapitlag sa akin. "Aya—" Pag-uulit ko in a louder voice. "Ian?" Napatingin ako sa kanya when I thought I misheard him, "So you're Ian. I'm Reign," turo niya sa kanyang sarili, "Jepoy, Kaloy, Nonoy at Mikoy," pakilala niya naman sa mga lalaking naroon, pointing his finger at them in the process. Tinguhan naman nila ako isa-isa habang pinapakilala ng kanilang hari. "O, magkakakilala na tayo. Kung hindi pa sapat sa iyo ang paumanhin nila, pwe

