KABANATA 16 "Ay, pucha!" Dinig kong utas ng kasama ko. Nakarinig ako ng mga nagsinghapan matapos ay sumunod ang tunog ng mga kaluskus. Narinig ko pang binanggit noong lalaki ang titulo nitong nasa harapan ko. Sisilip na sana ako para malaman kung ano iyon pero mabilis niya namang tinakpan ang aking mga mata. Umangal ako pero mahigpit ang pagkakatakip niya. I can't even move his hand off me! "Wala na ba kayong ibang lugar na maisip para gawin iyan?! Mukha bang kama itong daanan?!" galit na bulyaw nito. "What? What's happening? Could you just take your hands off?! I want to know what's happening," asik ko rito as I kept on trying to take his hand off my face pero hindi ko pa rin magawa. "Tumigil ka! Masyado ka pang bata para makakita ng horror movie!" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

