Nandito ako ngayon sa may parking lot kasama ang lalaking humila sakin. "Ano ba san mo ba 'ko dadalhin alam mo bang kidnapping to?" Sigaw ko sakanya. Tumingin siya sakin at sabay bitaw niya sa mga kamay ko. May kinuha siya sa bulsa ng jacket niya isang kaha ng sigarilyo, kumuha siya ng isa at sinindihan ito. "Alam kong hindi mo sila kayang tignan kaya hinila kita doon" malumay niyang sabi sabay bigay ng kaha ng sigarilyo sakin. "Hindi ako nagyoyosi." sabay iling ko dito. Paano niya nalaman? Akala ko busy siya kanina? Siguro kilala niya 'ko. "Mangiyak ngiyak kana kanina akala ko nung nakita kita tears of joy yun pala hindi. Ex mo ba yung nag propose kanina?" bigla niyang sabi. "Hindi ko siya ex. Boyfriend ko sya" ang sakit lang pakinggan na galing sa bibig ko pa. Boyfriend? Eh ikakasal na nga sya sa iba. "Ha? Bat wala kang ginawa? Gago yun ah!" sabi niya. Pagkarinig ko napatingin nalang ako sa kanya, magkamukha lang sila pero magkaiba ng ugali. "Hayaan mo na long story kasi. Oo nga pala ano bang pangalan mo?" tanong ko. Inubos niya lang yung yosi tsaka siya sumagot "Vince yung pangalan ko." sabay abot ng kamay niya.
Ano bang nangyayari sa mundo? Gulong gulo na yung isip ko para na 'kong mababaliw. May kamukha pero ibang pangalan, pareho ng pangalan pero iba yung mukha. Tadhana ano ba kulang nalang magpamental sa kadahilanang litong lito na ang isip ko. "Tara na wag mo na silang isipin masasaktan kalang." Aya ni Vince sakin na nasa loob ng sasakyan niya. Tinignan ko muna uli sila Mara, ang saya saya nila tapos ako stress na stress kaya sumakay ako sa passenger seat ng kotse ni Vince. "San ba tayo pupunta? Kidnapping na talaga 'to" sabay tawa ko sakanya. Tinignan niya ko nga pagkatagal-tagal. "Sa bahay ko. Doon tayo pupunta" Nataranta akong akmang bababa sa kotse niya baka kasi kapareho lang ng mukha baka ma rape at mapatay ako nito. "Ano kaba. Tahimik kasi don at walang storbo. Picturan mo pako at tong kotse ko send mo pa sa pulis kung gusto mo" na animoy nauurat na. Pinicturan ko talaga siya baka kasi anong mangyare sakin. Habang nasa byahe tinext ko si Ara na uuwi na ko dahil ang sama ng pakiramdam ko pinasabihan ko nalang din na congrats yung dalawang engage na. "Bakit parang ang pamilyar ng mukha mo? Parang kilala kita." sabi ni Vince. "Kaya ba parang wala kang paki kung papatayin kita kaya sinakay mo nalang ako sa kotse mo? Ganon kaba ka komportable kasama ako na parang kilala mo na 'ko" namutla siya sa sinabi ko sabay biglang hinto ng kotse niya sa gitna ng daan. "Hoy joke lang. Mukha ba 'kong mamamatay tao?" sabay hagalpak ko ng tawa at pinaandar niya ulit kotse niya.
Pagkarating namin akala ko talaga nag jojoke lang siya kasi puro kami asaran sa kotse. "Mukha ba akong hampaslupa? Para sabihin mong care taker lang ako ng bahay na 'to?" inis niyang sabi. Ang laki kasi ng bahay tapos nasa may bukid kami na ang ganda ganda ng view. "Pikunin ka no? Ikaw lang ba mag-isa dito? Nako may balak ka talaga sakin." ngisi ko. Pagkapasok namin may isang katulong ang bumati "Sir andito kana pala. Ipaghahanda ko ba kayo ng pagkain ng bisita mo?" sabi nito. Sir? So siya nga may-ari ng bahay na 'to. "Sige po manang padala nalang ako sa may taas." sagot ni Vince. Umupo ako sa may sofa at tumingin tingin sa palagid. "Sinong hinahanap mo? Ako lang at si manang nakatira dito. Akyat tayo sa taas magbibihis muna 'ko." sabi niya. "Baliw kaba? May balak ka talaga sakin!" inis kong sabi sa kanya. "Napaka ano mo naman may pool kasi don baka gusto mong tumambay, hindi ko naman sinabing na sasama ka sakin magbihis tsk." at umakyat na ito sa taas. Anong pinagsasabi niyang pool? Sa second floor may pool? Baka nagpapalusot lang 'to. Umakyat ako at tinignan ko kung may pool talaga. Nakita ko sa may dulo sa may glass door parang may mga dahon dahon kaya pumunta ako don at nakita ko nga ang pinagsasabi niyang swimming pool. Hindi nga siya nag jojoke may pool talaga sa second floor. Grabe ang yaman siguro ng mga magulang at sya lang at yaya niya ang nakatira sa napakalaking bahay na 'to. "May utang ka sakin ha? Ayaw mo kasi maniwala na may pool dito sa taas." sabay tabi niya sakin. Pag tingin ko sakanya para akong hihimatayin, naka white tshirt lang naman siya at naka shorts. Sa simpleng soot ang gwapo niya tignan alam mo yung ang bango bango niya tignan? Ace kung ikaw 'to please wag kanang magpanggap.
Dumating na yung pagkaing pinahanda niya. "Seryoso kaba? Wala na yung parents mo?" sabi ko. "Ayan kana naman hindi naniniwala. Wala na nga at binilin sakin lahat 'to ako lang naman kasi iisang anak tsaka ayokong tumira sa mga kamag anak ko may bahay naman ako bat ako titira sakanila?" sagot niya. Pareho kami nawalan ng magulang, nag iisang anak at ayaw sa kamag anak. Nakatingin ako sa tubig heto kasi kami ngayon sa pool naka lublob mga paa namin, gusto niyang mag swimming kami pero wala naman akong dalang damit kaya paa nalang binasa ko. "Mag kwento kana sa ex mong gago" sabay lagok ng beer niya. Natawa ako sa sinabi niya hindi niya alam na siya yun na kamukha niya, yung tinutukoy niya. "Wag na napakachismoso mo pa naman" sabay tawa ko sakanya. Kukunin ko din sana yung beer ko at iba yung nadampot ng kamay ko. "Ano kaba lasing kana?" tumawa siya ng pagkalakas lakas. "Grabe ka naman! Yung beer kasi kukunin ko ang feeling mo naman! Kamay mo lang naman nahawakan tsaka beer? Hindi ako nalalasing sa beer" sigaw ko sakanya. Hindi na sya nakasagot at ngumingisi ngisi lang siya. Malapit na mag gabi magpapaalam na sana ako na umuwi na kasi may trabaho pa 'ko kinabukasan. "Hatid na kita baka mapano kapa tsaka ako naman nagdala sayo dito" Vince. Habang nasa byahe kami nagnanakaw ako ng tingin sa kanya. Ang gwapo niya kasi tignan namumulang mga pisnge kasi nakainom tapos ang pupungay pa ng mga mata niya. "Dito na 'ko thankyou ha? Nawala yung lungkot ko dahil sayo. Salamat" sabay ngiti ko sakanya. Tapos bigla nalang niyang pinaharurut yung kotse niya ng wala manlang 'You're welcome' na parang hindi kami magkakilala.
Pagkarating ko sa bahay nakatulog agad ako dahil sa pagod. "Love alam ko na gagawin ko para magbreak kami ni Mara." sabi ni Ace na para bang hinihintay akong makatulog para magkita kaming dalawa. "Wala na ba akong ibang panaginip? Eto nalang ba lagi?" sabay tayo ko at naglakad palayo sakanya. "Anong ibig sabihin mo love? Galit kaba sakin? Alam mo namang hindi galing sa akin yung mga sinabi ko kay Mara kanina" malumanay niyang sagot. "Alam ko gusto ko lang naman matulog at magpahinga. Gusto kong mapag-isa. Tsaka buong araw kitang kasama kanina umay nako sa mukha mo" biglang sabi ko. Kumunot ang noo niya "Buong araw? Eh umalis ka nga hindi ka mahagilap love. Tapos nag text ka lang kay Ara na uuwi ka pero noong pumunta kami sa bahay mo wala ka naman" sabay hawak sa kamay ko para pahintuin akong maglakad. "Ahh kasi ano nakita ko yung kamukha mo kanina hinila niya 'ko para hindi ko kayo makita ni Mara na magkiss." sagot ko. Gulat niya akong tinignan na para bang maiiyak na siya. "Love sorry kanina. Sorry kung nagalit ka sorry love hindi talaga ako yun. Sorry kung kailangan mo pang makita at marinig lahat ng yon sorry talaga love." tapos niyakap niya ko. Niyakap ko siya pabalik ng mahigpit na mahigpit sabay sabi ko ng "Ace wag na muna tayo magkita o mag-usap" sabay bitaw ko sa yakap niya.