"Love gusto mo masahiin kita?" bulong ni Ace sa 'kin. Nandito kami sa bahay sa panaginip namin at heto siya sinusuyo ako. Ayokong maging childish sa tingin niya kasi nagseselos ako sakanila ni Mara na para bang scripted naman lahat sakanila. Gusto ko nalang maghiwalay silang dalawa. "Sorry din kong pinaalis kita. Ayoko ko kasi ng ganon love alam mo naman ako gusto ko ako lang!" niyakap niya ko ng mahigpit. Hinawakan niya ang mukha at labi ko, hinalikan niya ko. Ilang beses na kaming naghalikan pero iba yung nararamdaman ko ngayon. Ang init init ng katawan ko. Pumiglas ako sa pagkakahalik niya baka kasi ako lang yung nakakaramdam ng ganon. "Teka lang love labas muna tayo tsaka maglakad lakad" tumayo ako at nauna ng lumabas. "Pabitin ka talaga love akala ko yun na eh" habol niya sakin. Ibig sabihin ba na pareho kami ng nararamdaman kanina? Nung nagtagpo ang mga labi namin? Parang hindi naman.
Nagising ako ng pinagpapawisan. Nakarinig ako ng mga nag uusap sa baba. "Ewan ko ba sakanya mahal na mahal niya ang pag tulog niya" sabay tawa ni Ara. Andito si Ara? Sinong kausap niya? Nagbihis ako at dali daling bumaba. Nakita ko si Ara nagluluto at pag tingin ko sa sala nandon si Mara katabi si Ace. Kumakalam na ang tiyan ko kaya dumiretso ako kay Ara "Bes mahal mo talaga ko no pinagluluto mo ko lagi" ngisi ko kay Ara. "Hoy may bayad to no. Kumain kana at aalis daw tayo kasami yang dalawang yan. Nga pala boyfriend ba talaga ni Mara yan?" Sabay naming tinignan ang dalawa. Naghaharutan sa sofa na para bang mag-asawa. "Siguro? Ewan ko." Matabang kong sagot sakanya.
Hindi ko alam san kami pupunta ngayon sabi kasi ni Ara nagyaya daw mag outing kuno ang boyfriend ni Mara. Halos buong araw ko silang hindi pinansin iniiwasan kong tumingin sakanilang dalawa na palaging naghaharutan. "Bes mag boyfriend kana oh. Para naman hindi kana mag-isa sa susunod na outing natin" sabi ni Ara. Aba may susunod pa ba? Umay na umay na 'ko ako lang mag-isa ditong walang kasamang jowa. "Guys pwde bang videohan niyo kami mamaya? Magppropose kasi ako kay Mara." sabi ni Ace na nakatingin lang sakin na parang sasabog na sobrang pula. "Oh my! Wala pa nga kayong isang linggo magppropose kana? Baliw kana! Etong boyfriend ko nga apat na taon na kami hindi pa nga makapag propose sakin ikaw pa kaya na wala pang one week magkakilala" sagot ni Ara. Hindi ko alam ang gagawin ko para bang hindi na naman ako makapag salita at makagalaw. "Limang buwan na kami at mahal na mahal ko si Ara" Pagkasabi niya non para akong sinasaksak ng libo libong kutsilyo sa likod. Putangina naman ako dapat yan ako dapat yung papakasalan mo. Gusto kong umiyak at magsisisigaw pero hindi ko magawa.
Nagpaalam akong magbabanyo muna. Habang naglalakad ako na parang lutang na lutang may nakita akong lalaki sa harapan ko. Alam na alam ko ang likod na yan. Pero pwde ba? Posible ba? Hindi nga kamukha ni Ace ang lalaking nandito sa mundo ko. Pero baka andito talaga yung kamukha ni Ace sa mundo ko. "Excuse me?" sabi ko. Kasunod nun ay lumingon siya sa akin at sinabing "Yes? May I help you?" Sheet si Ace nga. Kamukhang kamukha nga niya pero teka anong sasabihin ko dito? "Uhmm ano.. ah. hmm." anong bang nangyayari sakin? Para akong batang hindi makapagsalita. "Kung wala kang sasabihin mauna na 'ko" sagot niya. Ang sungit sungit naman nito ibang ibang sa Ace na kakilala ko. Bumalik nalang ako sa mga kaibigan kung saan mag poprose kuno si Ace kay Mara. Halos nag bibingi bingihan nalang akong nakatingin sa dalawa. "Guys eto yung phone ko ivideo niyo na kami" Kinakabahan niyang sabi. Eto na ready naba akong marinig 'to? "Mara babe. Uhmm I just want to cherish this moment with you. Kasama yung mga close friends mo" Ace. Bakit ba kasi ako pa yung ka close ni Mara tignan mo tuloy ako pa naimbita dito sa proposal nila. "Alam mo bang ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito? Hindi ko na kayang mawala ka sa buhay ko" Wait parang eto yung sinabi niya sakin noon. Ace ano ba tumigil kana ang sakit sakit sakit na. "Gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka Mara at gusto kong tumanda kasama ka" sabay luhod niya kay Mara. Napapikit ako hindi ko kayang makita 'to. "Hoy mare magsalita ka!" Sigaw ni Ara. "Ace mag popropose kaba sakin?" Mara na para bang walang ka alam alam sa mga nangyayari. "Yes babe will you marry me?" Ace tapos sumagot agad si Mara ng "Yes" at nung pag tayo ni Ace at akmang hahalikan sa lips si Mara may humila sa mga kamay ko "Come with me. I can't let you see that"