Pikit

699 Words
Nandito ako ngayon sa puntod nila mama at papa. Pag gusto kong mapag-isa pumupunta ako dito. "Ma grabe manager na ho ako. Alam niyo po ba next year makakapag pagawa na ko ng bahay tsaka makakabili na ko ng kotse ko ngayon" ngiti ko. Heto kasi pangarap sakin ni mama ang makapag patayo ng bahay. Malaki naman bahay namin dati para saming tatlo pero kasi noong namatay sila ay binenta ang bahay at pinag hati-hatian ng mga kapatid ni papa ang pera. "Ma nandito na po siya sa mundo natin. Hindi ko talaga akalain na makakapunta siya dito, pero ayaw ni tadhana samin sa iba siya naka tadhana dito sa kaibigan ko pa." sabay pag patak ng mga luha ko. Simula bata kasi na sakin ang lahat ng atensyon at pagmamahal. Naka focus lang si mama at papa sakin kasi akong kapatid. Wala akong kaagaw sa lahat, hindi ako makaramdam ng may kahati. Kaya naninibago ako sa nararamdaman ko ngayon na may kaagaw. Ang sakit pala ang sakit sakit makita si Ace kasama si Mara. Wala naman silang kasalanan eh ginusto kasi ni tadhana na pagtagpuin sila. Bago ako umuwi ng bahay dumaan muna ako ng mall at mag grocery. Habang papasok nakita ko si Mara sa isang fastfood. Dali dali akong pumunta sakanya para sana mag tanong tanong about sakanilang dalawa ni Ace. "Isabel andito ka pala. Kain tayo." sabay hila sakin at tapik sa upuan kung saan ako uupo. Magkaharap kami ngayon ni Mara busy siya mag salamin at mag retouch ng make up niya. Tumingin ako ng oorderin ko sana ng biglang "Babe kain kana" Ace kasabay non ay ang pag tabi niya kay Mara. Hindi ako makahinga, hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Gusto kong tumakbo nalang dito at magpakalayo layo para hindi ko sila makitang magkasama. "Grabe ang sweet sweet mo talaga babe, nga pala si Isabel pala babe manager ko sa resto" sabay abot ni Ace sakin ng kamay niya para mag shake hands "Hello po ma'am kain po tayo." wala pakong nakakain pero parang nabilakuan ako sa sinabi niya. Hindi naman to kamukha ni Ace eh mabuti pang wag ko nalang pansinin. Inabot ko yung kamay niya para mag shakehands at pagkatagpo ng mga kamay namin ay napakalamig ng kamay niya na para bang kinakabahan siya. Tinignan ko ang mga mata niya para siyang naluluha na para bang napipilitan sa mga pinag sasabi at pinag gagagawa niya. "Hello din. Maiwan ko na kayong dalawa at mag ggrocery pa kasi ako" paalam ko sakanila. Lumabas ako ng fastfood at dahan dahan ko silang nilingon at nakitang nagsusuboan silang dalawa. Pumikit ako, kasabay nang pag pikit ko ay ang pag tulo ng mga luha sa mata ko. Pagkauwi ko, natulog kaagad ako para makita ko si Ace. Pero wala siya sa panaginip ko. Umiiyak na ko at sumisikip na ang dibdib ko hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ilang saglit lang ay nagising ako sa lakas ng katok ng pintuan sa baba. "Buksan mo 'to!! Isabela Vargas buksan mo ang pinto mo! Kung hindi sisirain ko 'to!" Sigaw nung nagwawalang tao sa labas. Dali dali akong bumaba at nataranta kasi hindi pa nangyayaring may kumakatok ng padabog dito sa bahay ko. Pagkabukas ko ng pinto si Ace, si Ace na hinihingal na basang basa ng pawis. "Love! Ano kaba pinag-alala mo 'ko" yakap niya. Ha? Ano na naman ba to? Tapos na sguro yung time niya kasama si Mara at andito na naman siya sakin, palibhasa at mag gagabi na. "Puwede ba? Wag kang magdabog ng pinto! Tsaka anong ginagawa mo dito? Umalis ka dito at baka makita kapa ni Mara dito at ano pa ang isipin non!" Irap ko sakanya. "Love sinubukan ko siyang kausapin at hiwalayan. Pinipilit kong sabihin sakanya na mag break na kami pero walang lumalabas sa bibig ko para bang nakasarado. Sorry kanina love" Inexpect kong sasabihin niya sakin yon. Oo wala silang kasalanan dalawa pero ang sakit kasi makita si Ace na may kasamang iba. Nasanay kasi akong kaming dalawa lang at wala ng iba. "Umalis ka dito at sa panaginip na tayo magkita ayoko ng ganito. Ayokong ibang mukha ang nakikita ko at nakakausap ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD