Ulan

645 Words
Halos hindi ko maigalaw ang buong katawan ko, nanlalambot ang tuhod ko at para bang sumakit nalang bigla ang tiyan ko. "Aba! Iuwi mo yang kapatid mong lasing kung ayaw niya mawalan ng trabaho!" Sabi ni boss. Nag bubulong bulungan ang dalawa sabay sabi ni Mara "Sir boyfriend ko po sya. Sige po pasensya na at uuwi na muna 'ko" Halos nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ang lalaki nakatingin lang sakin sabay alalay kay Mara palabas ng resto. "Boyfriend? Eh kakabreak niya nga lang kay Nathan eh, ni hindi pa sya maka move on tapos ngayon meron na syang bagong boyfriend" bulong ng isang katrabaho ko. Oo nga kaya nga kami uminom kagabi kasi heartbroken daw sya. Dali dali ko syang tinext "Sino yang boyfriend mo at ilang buwan na kayo?" Text ko habang may inaasikaso dito sa office ko. "Si Ace, limang buwan na kami neto hindi mo naalala?" reply niya. Anong limang buwan ang sinasabi niya? Pinag sabay nya ba si Nathan tsaka 'tong Ace na 'to? Heto na naman at umuulan. Pagkatapos makauwi ang lahat ay nagpasya muna akong pahintuin ang ulan. Habang nakatayo sa labas ng resto at nag sscroll sa f*******: biglang may kumalabit sakin. Laking gulat ko si Ace. "Love! Sorry hindi ko alam anong nangyari kanina" sabay yakap niya ng mahigpit sakin. "Ha? Teka bat andito ka? Anong nangyayari? Ano yung kanina? Boyfriend? Girlfriend mo pala si Mara!" Tapos tulak ko sakanya. "Love hindi. Pagkapasok ko ng resto parang may kumontrol ng katawan ko para gawin at sabihin yon." sabi niya. Napaisip nalang ako baka ito yung role niya dito sa mundo ko. "Tinanong ko si Mara ilang buwan na kayo sabi niya limang buwan na daw kayo." sabay kagat ko sa labi ko. "Love naman hindi ko nga alam yung nangyari kanina tsaka diba kakabreak lang ni Mara sa boyfriend niya." Oo nga ano bang nangyayari? Hindi pa din ako sanay na ganito ang mukha niya ibang-iba sa nakagawian kong nakikita. Siguro heto na yung oras na umuulan pero hindi ako malungkot kasi magkasama kami ngayon ni Ace sa taxi at pauwi ng bahay. Pagbaba namin ay lumakas ang ulan. Hinila niya ko palabas at nagpabasa kami ng ulan. Naghabulan, nag basaan kami ng ulan hanggang makauwi kami ng bahay ko. "Love ang saya ko ngayon. Hindi naman ako ganito pag umuulan eh. Thank you" kasabay non pagkahalik ko sa pisnge niya. "Love wag ka muna pumasok bukas. Hindi tayo matutulog ngayon baka kasi pag natulog tayo bumalik ako sa mundo ko" Naging malungkot ang mukha niya ng pagkasabi nya sakin non. Baka nga. Baka nga bumalik siya sa mundo niya at maiiwan na naman akong mag-isa dito. "Sige love manuod nalang tayo ng movie. Diba gusto mo yon?" Hindi kasi kami nakakanood ng movie sa panaginip. Lagi lang kaming naglalakad sa walang katapusang daan. May park naman doon at mayroong bahay kung saan kami laging nagkikita. Nagising nalang akong mag-isa sa sofa. Nakatulog ako habang nanunuod ng movie. Tumingin ako sa palagid ko. Wala na si Ace. Siguro bumalik na sya sa mundo niya. Pagkatingin ko ng oras alas nuwebe pwde naman sguro akong pumasok ng lunch sa trabaho. Nag kape ako, naligo at nagbihis na para makapasok na 'ko. Pagdating ko wala pa namang tao. Nagcchismisan ang mga katrabaho ko sa kusina. "Grabe ha! Ang harot harot mo talaga! Akala ba namin ay kakabreak niyo lang ni Nathan?" Si Mara, si Mara yung tinutukoy nila. "Oonga break na kami at may boyfriend na 'ko si Ace" hagikhik ni Mara. "Pahatid hatid kapa kanina! Ang harot talaga! Susunduin kaba niya mamaya?" Umalis ako at dumeritso sa office ko. Kaya pala nawala siya sa bahay kanina. Ayoko ng ganitong feeling. Yung parang ako naman yung mahal pero bakit ganon? Para akong nakikihati ng atensyon ni Ace. Si Mara sa umaga at ako naman sa gabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD