Kabanata 21 Don't pout A P P L E "Let's get you to your room?" Aya ni Nicholas bago ako inalalayan paakyat. Ayoko pa sana matulog dahil gusto ko pa siyang makasama kaya lang mukhang pagod na siya at inaantok kaya hinayaan ko na lang siyang ihatid ako. Nag paalam na siya nang matapat kami sa kwartong pansamantala kong tutuluyan. Ngumiti siya bago ako hinapit sa aking bewang upang bigyan ng isang damping halik sa aking labi. Napa awang ang mga labi ko sa ginawa niyang iyon. Pansamantala siyang natigilan habang nakatitig sa naka awang kong labi pero agad din naman niyang binawi ang tingin niya ruon nang mapansing nag hihintay lamang ako sa susunod niyang gagawin. Kumalas siya sa pagkaka hapit sa baywang ko at bahagyang umatras. "Come on, baby. Go inside." Utos niya na agad ko namang si

