Kabanata 20 I want more Tumawa siya sandali bago muling nag seryoso. "Totoo yun. Lalo akong nag susumikap dahil sayo. Gusto kong ibigay sayo ang buhay na ipinagkait sayo ng mundo. Gusto kong maging masaya ka araw araw. Ayokong nakikita kang nalulungkot, umiiyak at nasasaktan. Sobrang mahal kita Apple at hindi ko kakayanin kung isang araw may biglang babawi sayo mula sa akin. Hindi ako papayag baby. Hinding hindi kita isusuko kahit ano pang maging hadlang, ipag lalaban kita. Basta wag ka lang din bibitiw ha? Tatandaan mo palagi na itong gwapong 'to—" tumigil siya para tumawa pero agad naman din siyang nag seryoso nang samaan ko siya ng tingin. "Tatandaan mo palagi na itong lalaking 'to ay kahit kailan hinding hindi na mawawala sayo. Please trust me okay? Hinding hindi kita lolokohin a

