Kabanata 19 Hold on to us A P P L E Ilang minuto siguro akong naiwang naka tulala lang sa kwarto ko habang pinoproseso ang mga sinabi ni Nicholas. Aalis siya? Babalik na siya ng maynila dahil nakipag hiwalay na ako sa kanya at ayaw ko na siyang makita? Sumikip ng husto ang dibdib ko para bang may mabigat na bagay ang naka dagan duon kaya nahihirapan akong huminga ng maayos. Hindi ko makayanang isipin na hindi na ulit kami magkikita ni Nicholas pagkatapos ng gabing ito. Ang sakit sakit sa dibdib ko. Ito naman ang gusto ko di ba? Ginusto ko ito kaya bakit parang nag sisisi ako ngayon? Bakit ako masasaktan kung ako naman ang humiling nito sa kanya. Hindi! Ayokong umalis siya! Hindi siya pwedeng umalis. May pangako siya sa akin na pakakasalan niya ako sa tamang panahon kaya bakit siya aal

