Kabanata 7
Best day
A P P L E
Nang mga sumunod na araw ay naging maayos naman. Iyon nga lang hindi pa din kami binibigyan ng professor ng homework kaya wala akong naging dahilan para magpaturo kay Nicholas. Ayoko namang isipin niyang ginagawa ko siyang personal tutor kung magpapaturo sa kanya kahit na wala naman kaming assignments. Saka nahihiya akong mag sabi sa kanya kaya ayun lumipas ang isang linggo na hindi niya ako naturuan. Hanggang sa sumapit na ang ika-labing pintong kaarawan ko kaya naman heto ako sa salamin at pinag mamasdan kong maigi ang aking sarili suot ang bagong bestidang bigay ni tatay. Binili pa daw niya ito sa bayan para may maayos akong maisuot ngayong araw na ito. Isa iyong kulay puting bestida na pa off shoulder. Unang beses kong mag susuot ng ganito kaya excited na akong mag punta kaagad sa mansiyon at magpakita kay Nicholas.
Seventeen na ako at isang taon na lang nasa tamang edad na ako. Siguro naman hahayaan niya na akong magka crush sa kanya kapag nasa legal age na ako. Hmm! Parang hindi na ako makapag hintay mangyari iyon ah. Kaya lang naisip ko bigla, bakit nga ba ako nag mamadaling tumanda? Para namang magugustuhan ako ni Nicholas kapag tumanda na ako. For sure kahit magkasing edad pa kami hinding hindi siya papatol sa isang gaya ko lang. Kailangan niya ng isang mayaman at matalinong babae na makakasama niya sa pag papatakbo ng hacienda. At ako? Hindi ako nababagay sa pwesto na iyon. Kahit anong gawin kong asa sa kanya sa huli tanggap ko naman na hindi talaga kami magkaka tuluyan. Gusto ko lang munang hayaan ang sarili kong gustuhin siya ngayon hanggat pwede pa. Hanggat wala pa namang nag mamay-ari sa kanya. Aangkinin ko muna siya ng palihim.
"Ang ganda naman ng dalaga ko! Happy birthday anak!" Nakangiting sabi ni tatay pagkakita sa aking suot ang binili niyang damit. Agad akong nag lalambing na yumakap sa kanya.
"Salamat tay. Sobrang nagustuhan ko po itong regalo niyong bestida sa akin!" Sabi ko habang naka yakap pa din sa aking ama.
Sobrang nag papasalamat talaga ako na binigyan ako ng isang amang katulad ni tatay. Hindi ko na alam ang gagawin ko siguro kung pati siya mawawala sa akin. Simula nuong mamatay si nanay siya na ang nag sumikap na buhayin at palakihin ako. Siya din ang dahilan kung bakit ako napunta sa mansiyon ng mga Montemayor at nakita ang litrato ruon ni Nicholas. Nuon kasi palagi niya akong iniiwan sa mansiyon dahil ayaw niyang iwan ako dito sa bahay. Delikado raw na mag isa ako dito kaya laging duon niya ako iniiwan. Pumapayag naman si manang dahil mababait naman daw ang pamilyang Montemayor at tumutulong din naman daw ako ruon kaya ayos lang. Isa pa matagal nang trabahador ng pamilyang iyon ang ama ko kung kaya't may tiwala na sila sa amin.
Sabay na kaming nag tungo ni tatay sa mansiyon dahil nabanggit ko sa kanya na mag luluto si Manang para sa araw na ito. Habang patungo ruon ay di ko maitago ang ngiti ko. Na eexcite na akong makita ako ni Nicholas na ganito ang ayos. Pinag handaan ko talaga ang araw na ito at nag ayos talaga ako ng sarili.
Pagkarating sa mansiyon ay agad akong binati ng ibang mga trabahador duon. Nag pasalamat lang ako sa kanila at pumasok na kami ni tatay ng tuluyan sa mansiyon. Sinalubong kami ni Manang na ngayon ay tuwang tuwang makita ako sa aking ayos. Mas nag mukha na daw akong dalaga dahil sa ayos ko ngayon. Binati ako ni manang at ng ilang mga katulong bago kami mag tungo sa kusina. Nagulat kaming dalawa ni tatay nang makitang maraming pagkaing nakahain duon. Ibat ibang putahi at may mga dessert pa. Nagulat din ako nang makita ko si Nicholas na may suot na apron at mukhang abalang nag luluto ng kung ano. Agad itong napalingon sa direksiyon namin pagkapasok.
Hindi nag bago ang ekspresiyon ng mukha nito pero matagal na natigil ang tingin niya sa akin bago bumaling kay tatay.
"Mang Rene, nandyan na pala ho kayo. Maupo ho muna kayo at matatapos na din itong niluluto ko." Ani Nicholas.
May niluluto pa siya? Pero ang dami na nitong nakahanda sa lamesa!
"Naku hijo, nakakahiya naman sa'yo at nag abala ka pa. Akala ko ay simpleng salo salo lamang ang magaganap." Ani tatay.
"Oo nga Rene! Yan din ang akala ko pero nagulat na lang ako nang tumulong itong si senyorito sa pag luluto. Halos lahat ng nariyan sa hapag ay siya pa mismo ang nag luto. Mukhang naturuan talaga ito ng kanyang ina." Ani manang Luisa.
"Aba'y oo! Mukhang namana niya iyan kay Katharina! Naalala ko nuon, napaka buti din ng iyong ina." Ani tatay ng nakangiti.
"Paano kasi Rene, minsan na ding naka danas ng hirap ng buhay itong panganay ni Katharina, nuong bata pa lang siya kaya ito lumaking marunong tumulong sa mga mahihirap tulad natin." Ani manang.
Lumaki sa hirap si Nicholas? Paano? Sa pagkakaalam ko, nuon pa man mayaman na talaga ang pamilyang Montemayor kaya di ko alam kung paanong nakadanas siya ng hirap nuong bata pa siya.
"Apple, tulungan mo ang senyorito mo ruon." Utos ni tatay habang nag kukuwento pa si manang kaya naman kumilos na din ako at lumapit na kay Nicholas habang sila manang at tatay ay nag kukuwentuhan ruon ng kung ano anong bagay na hindi ko naman alam.
"T-Tulungan na kita riyan." Sabi ko nang tuluyang makalapit kay Nicholas. Bumaling naman siya sa akin.
"Maupo ka na lang duon, patapos na din ako." Aniya.
"Uhm.. Hindi din kasi ako maka relate sa pinag uusapan nila kaya tutulong na lang ako." Giit ko.
"Then stay here. Panuorin mo na lang ako." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Kaagad naman akong bumaling sa niluluto niya upang makaiwas sa paninitig niya.
"Ano iyan?" Tanong ko nang hindi makilala ang pagkaing niluluto niya.
"Paella. Ito ang paborito ni Mama kaya madalas ko itong niluluto sa kanya sa maynila."
Tumango tango ako.
"Hindi ka pa nakakatikim nito?"
Umiling ako ng paulit ulit habang nakatingin pa din sa kanyang niluluto.
"Maraming sahog iyang niluluto mo kaya imposibleng mag luto si tatay niyan. Pero mukhang masarap." Sandali siyang natahimik bago muling nag salita.
"Every sunday wala ka namang klase kaya pumunta ka na lang dito at dito ka na mananghalian. I'll cook."
Hinalo niya ang nilulutong paella habang ako naman ay napapangiti sa aking pwesto. Ang ibig niya bang sabihin ay ipagluluto niya ako tuwing linggo ng mga putahing katulad nito? Parang sinisilaban sa init ang aking mukha sa sinabi niyang iyon. Tama nga si manang mabait nga talaga siya sa mga gaya naming mahihirap. Siguro naaawa siya sakin kaya ganito siya mag abala ngayon.
Nang matapos siya sa pag luluto ay isinalin niya na iyon sa isang lagayan at inihain niya na din sa malaking lamesa. Naupo na din kami sa mga silya at nag simula nang kumain. Nag kwentuhan lang sila habang kumakain kami. Minsan tungkol sa mga magulang ni Nicholas ang pinag uusapaan nila pero minsan naman ay napupunta ang topic sa akin. Napatingin ako kay Nicholas na ngayon ay nakangiti habang nakikinig sa kwento ni manang. Ang gwapo niya talaga. Ito na siguro ang pinaka masayang kaarawan ko mag mula nang mawala si nanay. Parang mas lalo tuloy akong nahuhulog kay Nicholas nito. Ang bait bait pala niya akala ko nuon, suplado siya at insensitive pero mali pala ako. Mabait naman pala talaga siya.
Pagkatapos nang salo salong iyon ay nauna nang umalis si tatay habang ako naman ay nag paiwan na muna para tumulong sa pag liligpit.
"Sige na hija libangin mo na muna ang sarili mo duon sa hardin at kami ng bahala dito." Sabi ni manang kaya naman hindi na ako nag pumilit pa. Lumabas ako ng mansiyon para mag tungo sa may hardin kung saan mayroong swing duon. Naupo ako sa swing at nilibang ko ang sarili ko sa pag papaduyan duyan duon. Nang biglang may tumikhim. Agad akong napabaling kay Nicholas na kararating lang. Naupo siya sa kabilang swing. May hawak siyang isang kahon at inabot niya iyon sa akin. Nag tataka ko naman iyong tinanggap.
"Ano ito?" Tanong ko.
"Buksan mo." Aniya lang habang nakatitig sa akin at hinihintay na buksan ko ang kahong bigay niya.
Sinunod ko naman ang gusto niya at binuksan ang kahon. Namangha ako sa ganda ng isang bracelet na naruon. Kinuha ko iyon mula sa kahon at tinignang maigi. Ang ganda ganda nito mukhang mamahalin at hindi basta basta mabibili kahit saan. May pendant pang hugis mansanas ang kwintas. Ang ganda ganda talaga niya. Binalik ko ang bracelet sa loob ng kahon at bumaling kay Nicholas.
"Para sa akin ito?" Tanong ko habang may mga ngiti sa mga labi. Marahan siyang tumango habang seryosong nakatitig lang sa akin.
Sa sobrang tuwa ay nayakap ko ang kahon na may lamang bracelet. Ito na talaga ang pinaka masaya kong kaarawan dahil naka tanggap ako ng isang magandang regalo mula sa taong gustong gusto ko.
"Ito na yata ang pinaka magandang regalong natanggap ko. Maraming salamat dito, senyorito! Promise iingatan ko ito ng husto!" Tuwang tuwang sabi ko ngunit agad ding nawala ang ngiti ko nang lumingon ako kay Nicholas at nakita ko itong nakatitig lamang sa akin ng may seryosong mukha.
Bigla tuloy akong nahiya. Masyado yata akong natuwa. Halatang halata ka talaga kahit kailan Apple.
"P-Pasensiya na.. Ngayon lang kasi ako naka tanggap ng ganito kagandang regalo. Siguro mahal ang bili mo dito. Ang dami mo na ngang iniluto tapos may regalo ka pa. Salamat ah. Tama nga si manang mabait ka talaga. Siguro ganito ka din sa mga anak ng katiwala niyo sa maynila." Sabi ko pero hindi siya sumagot. Seryoso lamang siyang nakatitig sa akin kaya tuloy hindi na din kumalma ang puso ko sa pag t***k ng mabilis.
"Totoo ba ang sinabi ni manang na dumanas ka din ng hirap nuong bata ka pa? Kaya ka mabait sa mga kagaya namin.. Sa mga kagaya ko." Humina ang boses ko sa huling mga salita.
"Paano nangyari iyon? Hindi ba mayaman na talaga ang pamilya niyo nuon pa man?" Tanong ko nang hindi ulit siya sumagot.
"It's true. Hindi ako pinanganak na mayaman na agad." Umpisa niya.
"Nuong panahon na hindi ko pa kilala ang ama ko, kaming dalawa lang ni mama at mahirap ang buhay namin."
"Ibig sabihin nagkahiwalay pala ang mga magulang mo nuong pinapanganak ka pa lang ng mama mo?" Interesado kong tanong.
"Yep. Nagkahiwalay sila bago pa man malaman ni mama na buntis siya sakin."
"At isang araw pagkatapos ng ilang taon nagkita ulit ang mga magulang mo at nagkabalikan sila? Ganun ba iyon?"
Tumango lamang si Nicholas bilang pag sang-ayon.
"Ibig sabihin pagkatapos ng maraming taon, hindi nag bago ang pag mamahal nila sa isat isa! Ang galing naman! Tama nga si manang na ang true love daw lumipas man ang ilang taon ay mananatili at mananatili pa din." Nakangiting sabi ko.
"Ikaw ba? Do you believe in true love?" Nahihiyang tanong ko.
"My own parents already proved it, kaya ano pang rason para hindi ako maniwala?"
Lalong lumawak ang ngiti ko. Minsan lang ako makakatagpo ng lalaking naniniwala sa totoong pag ibig kaya namangha ako ng sobra. Iyong iba mahihiyang sabihin na naniniwala sila sa true love dahil iniisip nila masyadong baduy iyon. Pero siya hindi siya nahihiyang sabihin na naniniwala siya rito. Iba ka talaga Nicholas. Kaya mas lalo akong naiinlove sayo eh.
"Nakita ko iyong mga litrato ng parents mo. Ang ganda ng mama mo saka ang gwapo ng papa mo. Kaya siguro ang gaganda ng mga kapatid mo tapos ikaw naman..." Nahinto ako. Nakita kong bahagyang tumaas ang gilid ng kanyang labi.
"What about me?" Tanong niya nang nakangisi.
"G-Gwapo ka." Sabi ko.
Tumawa siya kaya naman napa simangot ako. Walang dudang tinutukso nanaman niya ako. Ganyan naman siya palagi pero parang nasanay na din naman ako sa panunukso niya.
"Kaya ba crush mo ang litrato ko? The first time I met you, you were kissing my photograph." Aniya na nakataas ang kilay. Dahan dahan akong tumango habang parang sinisilaban ang aking pisnge sa sobrang init nito.
"So that's the only reason why you like me, huh?" Aniya nang nakangisi pa din.
Totoo iyon. Nagustuhan ko siya nuon dahil gwapo siya pero ngayon mas gusto ko na siya dahil mabuting tao siya hindi na dahil lang sa gwapo siya. Sa totoo lang mas gusto ko na nga siya ngayon dahil sa pagiging mabait niya sa akin.
"Nuon iyon nung hindi pa kita nakikilala. Ngayon iba na." Sabi ko nang nahihiya. Bigla siyang nag seryoso pagkasabi ko nuon kaya agad ko din iyong dinugtungan.
"Wag kang mag alala! Hindi ko naman pinapabayaan ang pag aaral ko. Pangako mas pag bubutihan ko pa ang pag aaral ko saka hindi naman ako nang hihingi ng kapalit. Normal lang naman sa edad ko ang magkaruon ng crush di ba? Kaya sana hayaan mo na akong magka crush sayo. Promise hindi ito makaka apekto sa pag aaral ko!" Matapang na sabi ko sabay taas ng kanang kamay na tanda ng isang pangako. Seryoso pa din siyang nakatingin lang sa akin.
"Pasensiya na. Siguro hindi ka talaga komportable na may nagkakacrush sayo. Sa totoo lang sinubukan ko naman talagang kalimutan ang pagkacrush ko sayo kaya lang hindi ko talaga magawa eh! Lalo na ngayon na sobrang bait mo sa akin.."
Hindi ko alam kung saan nang gagaling ang lakas ng loob ko at nasasabi ko ito sa kanya ng dirediretsyo at hindi nauutal. Siguro sobrang saya ko lang talaga na kahit ano pang maging reaksiyon niya ay hindi mababago ang nararamdaman kong saya ngayon. Na kahit na sabihin niyang ayaw niya sa akin at wag ko na siyang gustuhin ay ayos lang dahil napasaya naman niya ako ngayong araw. Ganun ako kasaya ngayon.
Pagkatapos nang sinabi kong iyon ay hindi na ako nag salita pa ulit. Ilang minutong nag hari ang katahimikan sa aming dalawa. Walang may gustong mag salita at parehong nakontento na lamang sa katahimikan.
"You're still very young, I'm sure makakalimutan mo din ang nararamdaman mo ngayon para sa akin." Aniya pagkatapos ng ilang minutong pananahimik.
At paano kung lumipas ang ilang taon at hindi mag bago ang nararamdaman ko saiyo? Tulad ng sa mga magulang mo? True love na ba iyong matatawag? Kahit na ako lang naman iyong nag mamahal? Siguro true love iyon para sa akin pero para sa kanya hindi. Dahil hindi naman niya talaga ako gusto. Pero ayos lang. Tanggap ko naman iyon! Matagal ko ng tinanggap na malabong mapa sa akin siya. Nuong sa litrato ko pa lang siya nakikita, tanggap ko na na hindi ko talaga siya maaabot. Lalo pa nuong sinabi ni manang kung gaano kayaman ang ama ni Nicholas at ang buong angkan nito. Duon pa lang alam ko na eh. Imposibleng magkatuluyan ang isang pobreng tulad ko at isang prinsipeng tulad niya. Sa mga libro lang iyon nangyayari.
Tumango tango na lang ako sa kanya bilang sagot bago muling ngumiti. Kahit na ganito ang kinahinatnan ng pag uusap namin, masaya pa din ako at ito pa din ang pinaka the best na birthday ko.