I was smiling the whole time. Ganito siguro ang naramdaman ni Nurse Pam noon. Noong sumasayaw-sayaw siya habang kumakanta. Napakagaan sa pakiramdam na malaman na may magulang ako. Wala akong pakealam sa fact na diwata ako, at ang matindi ay prinsesa pa. Mas masaya ako na malaman na may magulang ako. Naalala ko noong bata pa ako, wala akong kaibigan noon sa ampunan kundi si Sister lang. Napakalungkot noon pero nagawang maibsan iyon ni Sister kahit paaano. "Swimming tayo" nilapitan ako ni Callie. May dala na siyang towel at nakabihis na rin. Nandito ako ngayon sa sala at nakaupo lang. Binabaha ng tanong ang utak ko pero binalewala ko na muna pansamantala dahil okupado pa ako sa pag-iisip sa mga magulang ko. Ano kaya ang itsura nila ngayon? Nakita ko lang sila noon sa panaginip ko. Sigura

