"Pilantro, prinsesa. Pilantro ang ngalan ko" Tila nag pintig ang tenga ko sa narinig. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot. Laglag ang pangang nakatingin ako sa kaniya. Siya nga iyong laging binabanggit nina Mavy sa tuwing may nangangamoy na mabaho! Itinaas niya ang kamay niya at itinapat sa akin. Napasinghap ako nang tila bigla akong nawalan ng hangin sa katawan. Ramdam ko ang isang kamay na sumasakal sa akin kaya't nagpumiglas ako. "Eade!" Sigaw ni Mavy at ambang susugod kay Pilantro ng bigla itong nawala at naiwan ang napakalamig at nakakikilabot niyang pagtawa. Bumagsak ako sa kinatatayuan ko habang hinahabol ang aking hininga. "Ayos ka lang?" Tarantang tanong ni Callie na agad akong nilapitan at yinakap. "Kailangan na nating lumabas dito" agad na kumilos ang mga kasama k

