"Seryoso kayo? Nasa legal age na kayo pero never pa kayong nakapunta sa isang club?" Nanlalaking mga mata ni Mavy ang bumungad sa akin ng lingunin ko siya. Nandito kami sa harap ng campfire. Kanina ay ginamit muli ni Mavy ang kapangyarihan niya habang hindi nakatingin si Nurse Pam. Aniya ay huwag na muna raw naming sabihin kay Nurse Pam ang nangyari dahil baka magalit din daw ito gaya ng naging reaction ko. Madilim na at eto ang huling gabi namin dito sa isla. "Hindi pa. Busy kami sa pag-aaral wala kaming oras sa ganiyan" ani Callie "Ah talaga? Madalas ko kayong makita sa school na palakad lakad lang, ah?" Nakiusap si Nurse Pam kanina na huwag na raw kaming gumamit ng 'po' at 'opo' sa tuwing kausap namin siya dahil ayaw raw niyang may makarinig ay isiping matanda na siya. Noong una a

