Swollen eyes, runny nose and a aching head. Iyan ang meron ako nang nagpasyang bumalik sa tent. Nadaanan ko sina Mavy at Callie na magkasamang nakaupo roon sa campfire pero hindi nila ako pinansin. Si Mavy ay tumingin sa akin at pilit na ngumiti habang si Callie ay akala mo isa akong hangin na dumaan lang. O kaya multo. Nandito at nararamdaman niya pero hindi niya makita. Masakit, oo pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang tanggapin na hindi normal na tao si Mavy. Hindi ko matanggap na ganun ganun nalang kung i accept ni Callie ang totoong Mavy. Dumiretso ako sa mga gamit ko at kinuha ang damit na pang swimming. Mag siswimming ako sandali sa dagat, baka sakaling mabawasan ang dinaramdam ko. Baka sakaling mahimasmasan ako at makapag isip ng maayos. Pakiramdam ko nabablanko ang isip ko at

