"Isipin mo lang ang gusto mong gawin at susundin ito ng iyong kapangyarihan." Ani Pamela. "Give it a try, Eade--i mean prinsesa Eade" ngumiti si Callie sa akin habang ipinapakita ang paglipad niya "I tod you, Eade ang itawag mo sa akin not prinsesa. Ikaw na nga lang ang hindi tumatawag ng prinsesa sa akin tapos ititigil mo pa" tumawa lang siya sa sinabi ko. Si Pamela ay nakamasid lang sa amin at hinihintay ang gagawin ko. Siya ang nagtuturo sa akin ngayon dahil sinabi ko. Si Mavy talaga dapat kaso hindi pa ako maka move on sa sagutan namin kanina kaya si Pamela ang tinawag ko. Katatapos lang naming mag dinner at ngayon ay nandito kaming tatlo sa training room dahil inaya ko sila. Kailangan bukas ay mamaster ko na ang kapangyarihan ko para m

