"Hindi maaari. Marami tayong mga kawal at kaanib pa natin ang Winter Blue kaya't siguradong hindi tayo kakayanin ni Pilantro kung sakali" napakunot ang noo ko ng may marinig na tinig ng isang babae. "Nakasisiguro ka ba na tutulungan tayo ng mga taga Winter Blue? Kilala sila bilang tahimik na kaharian at malimit lamang silang makisali sa mga away" ngayon ay boses naman ng isang lalaki. Masakit pa rin ang ulo ko pero hindi gaya kanina, mas bearable naman na ang ngayon. Nagmulat ako at liwanag na galing sa sikat ng araw ang sumalubong sa aking mga mata. Kinailangan ko pang ipikit ulit ang mga mata ko saglit at nagmulat lang ulit nang masanay na sa liwanag. "She's awake" ani Mavy na agad lumapit sa akin. Umupo ako at agad naman niya akong inalalayan. "You o

