Kabanata 42

1807 Words

Sa hindi kalayuan, naririnig ko pa ang malalim at mabigat na tinig ni Atticus habang kinakausap si Zeus sa telepono. Hindi ko marinig ang lahat ng salita ngunit dama ko ang bigat at lalim ng bawat tugon niya. Ilang minuto lang ay natapos ang tawag, at mabilis siyang lumapit sa akin. Mariin niyang hinawakan ang aking kamay, malamig ang kanyang palad ngunit ramdam ko ang lakas at katiyakan sa hawak na iyon. “We need to go,” mahinang utos niya na puno ng awtoridad. Nagkatinginan ang mga tauhan at sabay-sabay na tumango, agad na nagsilakad pabalik sa kani-kanilang sasakyan. Ang bigat ng tensyon ay parang nakadikit pa rin sa balat naming lahat. Ako naman ay nanatiling tahimik, ramdam ang kaba at pag-aalala. Agad-agad? Paano kung may kalaban ulit na nakabantay sa daan? Paano kung hindi iyon an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD