Tahimik ang bulwagan nang tumayo si Mayor Lacson sa harap. Ang ilaw mula sa malalaking chandelier ng munisipyo ay bumabagsak sa kanyang balikat, nagbibigay ng malamlam na kinang na tila mas nagpapatingkad sa kanyang kabataan at tikas. Isa siya sa pinakabatang mayor sa buong bansa, ngunit sa tindig at pananalita, ramdam ang bigat ng kanyang awtoridad. Tumikhim siya, saka tumingin sa amin ni Atticus. “Narito tayo ngayong gabi,” panimula niya, “upang pagsamahin sa mata ng batas at sa harap ng mga saksi ang dalawang pusong nagmahalan, sa kabila ng lahat ng pagsubok at panganib na pumapagitna sa kanila. Poseidon Atticus Koznetsov and Ceilavie Mireille Sarsadillas.” Naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. Para akong humihinga ng malamig na hangin na biglang tumusok sa aking dibdib. Ang

