Kabanata 44

1777 Words

Pagbalik namin sa bahay, bumungad agad ang pamilyar na tanawin na ilang linggo ko ring hindi nasilayan. Ang mga kurtinang ako mismo ang pumili, ang mesa sa sala na may bakas pa ng mga pinagsaluhan naming pagkain, at ang simpleng halimuyak ng bahay na para bang yumakap sa akin at nagsabing ligtas na ako. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang dahan-dahang iniikot ang aking paningin. Napahawak ako sa tiyan ko, kasabay ng pagbulong, “I miss my house.” Napatingin sa akin si Atticus, at sa unang pagkakataon matapos ang buong araw na puno ng tensyon, may bahagyang lumambot ang kanyang mga mata. “It missed you too,” sagot niya, kasabay ng paglapit upang yakapin ako mula sa likuran. Ramdam ko ang init ng kanyang dibdib na sumandal sa akin at ang bigat ng kanyang braso na pumulupot sa aking b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD