Habang kumakain kami, pinag-usapan namin ang mga susunod na buwan. Ang check-ups, ang nursery, at ang mga gusto niyang ipangalan. “Paano kung Lily?” biro ko habang sinisipsip ang fresh mango juice na inihain ng chef mismo. Ngumisi siya. “Then, that's fine. Still sounds Ceila." Napangiti ako habang pinagmamasdan ang paraan ng pagtingin niya sa akin. Parang wala kaming ibang kasama sa restaurant. Parang kami lang ang nasa ibabaw ng siyudad, sa ilalim ng mga bituin at ilaw ng Singapore skyline. "Gusto mo talaga ng girl, no?” tanong ko habang hinihila ang hair clip ko para makapag-relax na ng konti. “Not just gusto.” Tumingin siya diretso sa mata ko. “I imagine her walking like you, talking like you. The world could use more of that kind of softness.” Natawa ako, pero napaluha rin. Hindi

