“Why are you still awake?" tanong ni Quinn sa akin na naging dahilan ng pagkagulat ko kaya halos mapalundag ako. Nandito kasi ako sa isang tabi habang nakatingala sa kalangitan. Nakatitig sa buwan dahil hindi pa ako inaantok. “Ayaw mo bang pumunta sa covered court? Nandoon si Venice pati na ang mga magulang mo." “Ano naman ang gagawin ko roon?" “Dancing?" “Ba’t naman ako sasayaw?" taas ang kilay na tanong ko kay Quinn. “Ano ako baliw para magsasayaw doon?” "Tsk. Parte iyan ng pagdiriwang dahil nga fiesta na bukas, Venezia.” "Ah, ganoon pala," tumatango-tango kong sagot. “Ikaw, ayaw mo bang pumunta para manood?" “Pupunta ako mamaya para sumilip." Tumango ulit ako. “Teka, ba’t mamaya pa? Masyado nang malalim ang gabi kung mamaya ka pa pupunta.” "Marami pa kasi akong gagawin. M

