OMUB18

1723 Words

Hindi ako tinigilan ni Venice hangga’t hindi ko sinusunod ang kagustuhan niya na puntahan namin si Quinnell sa labas. Ang dami raw kasing nakatingin kay Quinn at hindi iyon nagugustuhan ng kapatid ko. Pagdating namin sa labas ay abala si Quinn sa paghahalo sa niluluto nito kaya hindi niya kami napansin. “Kuya Quinn!” malakas na tawag ni Venice sa lalaki. “Ano ‘yang niluluto mo, Kuya?” “Dinuguan,” matipid na sagot ni Quinn sa kapatid ko. “Malapit na ‘tong maluto. Gusto mo ba?” “Ayaw ko,” sagot ng kapatid ko kay Quinn. “Si Ate na lang ang bigyan mo dahil paborito niya ‘yan.” Napatingala ako kay Venice dahil sa sinabi nito kay Quinn. Kumakain ako ng dinuguan pero wala akong natatandaan na iyon ang paborito kong pagkain. “Really?” “Yes, Kuya!” “Now I know. Thank you, Venice.” S

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD