WHEN THE BULLY FELL IN LOVE CHAPTER 10 DELETED? Christian's POV "Tsss. Ano?" Nakunan n'ya pala kami ng picture. But, tanga n'ya pa rin. Kung hindi na sana n'ya pinakita yung pictures at kung dumeretso na lang s'ya kung magsusumbong man s'ya , edi sana hindi s'ya nagpapakapagod ngayon. Kami rin pala sana hindi nagpapakapagod. Bakit nga ba gustong gusto kong sinusundan ang babaeng ito? Ah, kasi ayaw namin na magsumbong siya. "Uhm, wala, hehehe," tugon ni Yassie. Pinagmasdan ko lang s'ya habang dahan-dahan naman niyang tinatanggal ang sapatos n'ya. May binabalak 'tong babaeng 'to. "Ayst! Akin na cellphone mo!" sigaw ko sa kan'ya. Kulit! Tsk! "Sorry pero, no thanks!" sabi niya. Lumusot siya sa pagitan namin ni Richard. Tsk! Letse! Naisahan kami nun ahh! "Ayst! Bakit n'yo pinaluso

