CHAPTER 11 SUMBONG Sheena's POV Minsan talaga mas gusto kong nakikita si Yassie na inaasar ni Christian, kaysa naman kasama s'ya ng Jordan na 'yun. Ang ganda kasing panoorin nung dalawa habang nagbabangayan. Hayst! Mukhang kailangan na n'ya ng help ko. Tumayo na ako at nagtungo kay Yassie na nakaupo pa rin sa sahig at ang sama ng tingin kay Christian. "Ano, reresbakan na ba natin? Hahaha. Di ka kasi sinalo aay," saad ko sabay upo sa tabi niya. "Tumahimik ka. May araw din 'yang Christian na 'yan sakin." "Isumbong na kaya—" "Sshh, wag ka maingay. Baka narinig nila." "Oops. Hehehe sorry. Tara na nga." Inalalayan ko na s'yang tumayo. "Ano, 'di mo na ba kailangan ng clinic?" tanong ko. "Di na. Tara na kay John." Nagtungo na ulit kami kay John na kanina pa walang imik. Di nga namam

