CHAPTER 3 — VERSION 2.0

2976 Words
Christian's POV Eto na naman itong babaeng 'to, bigla-bigla na lang nanghihila ng kuwelyo ng may kuwelyo. This time, galit na galit ang itsura n'ya. Hahaha! Nakakatawa sa halip na nakakatakot. "Woah, Yassie, ano ba problema? Pwede naman nating pag-usapan to ng maayos," sabi ko. "Ikaw? Makikipag-usap ng maayos!? Ikaw ha, namumuro ka na sa'kin. Nilagyan mo na nga ng ink ang palda ko tapos ngayon eto naman! Talagang wala kang kadala-dala noh!" May ipinakita s'yang gusot na bond paper. Hanggang ngayon hawak n'ya pa rin kuwelyo ko, at yung isang kamay n'ya ang may hawak sa bond paper. Nakabuka naman yung bond paper kahit na gusot na, at nakita ko na, may nakasulat dun. HAHAHA..HINALIKAN AKO NI CHRISTIAN KANINA! INGGIT KAYO? PALIBHASA MGA DESPERADA LANG KAYO! KAHIT KAILAN HINDI NYA KAYO PAGKAKAINTERESAN DAHIL AKIN LANG SYA!! "Tsss. Anong gagawin ko d'yan? Bakit mo ipinapakita sa'kin ngayon yan?" "Letse ka talaga. Ngayon mag mamaang-maangan ka na inosente ka? Matapos mong idikit ito sa likod ko para sigawan ako ng iba d'yan at ngayon sasabihin mo anong gagawin ko d'yan?" mahina n'yang sabi, pero ang diin ng pagkakasabi nya. Halata ang panggigigil n'ya sa'kin. Oo, ako ang may gawa nung sa palda n'ya pero ito? "Hindi ako ang may gawa n'yan, Ms. Mandigan. Kaya pwede ba, bitiwan mo na ang kwelyo ko at nagugusot ang damit ko." "Talaga bang hindi ikaw?" mahinahon nyang tanong. May binabalak 'tong babaeng ito. "Oo. Hindi ako." "Naku, pasensya ka na ahh. Akala ko kasi ikaw. Sige, bibitawan na kita. Sorry ulit ahh. Hehehehe." Binitiwan n'ya na ang kuwelyo ko at tumalikod na s'ya, pero ang sumunod na pangyayari ang hindi ko talaga inaasahan. *PAAKKK!* "Anong akala mo sa akin?! Uto-uto? Pwes nagkakamali ka!" Damn! Lakas ng pagkakasampal n'ya sa napakagwapo kong pagmumukha! Nadala katawan ko, at, muntik pa akong matumba. May nalasahan akong, parang dugo. Hinawi ko ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki ko at, ayst! "Ano?! Kulang pa ba? Marami akong pabaon dito na sampal para sa'yo! Pabonus pa ang suntok!" Ayst! Isang babae!? Nagpadugo sa bibig ko!? Napatingin ako sa kan'ya, at nakacross arms s'ya habang nakatingin sa'kin. "Ooowww," sigaw ng mga classmates namin. Tsss. Mga pang-asar. "OMG! How dare you to slap him! " Dumating si Sugar, kasama ang lima n'yang alagad. Ipagtatanggol ako nito, ano pa nga ba? Humarap si Yassie kay Sugar kay ngayon, nakatalikod na s'ya sa'min. "Ano? May angal ka ba? Gusto mo rin bang maranasan kung paano ako sumampal?" "You—" Nakita ko na sasampalin sana ni Sugar si Yassie, pero nahawakan ni Yassie ang kamay ni Sugar. Di ko gaanong makita kasi nakatalikod si Yassie. "Ako dapat ang mananampal, hindi ikaw." *PAK!* Sabay sampal ni Yassie kay Sugar. "H-how dare you to slap me!? Lagot ka sa'kin!" Hinanda ni Sugar ang dalawang kamay n'ya para sabunutan si Yassie, pero agad ding nasalo ni Yassie ang mga kamay nito. Wow. "Kung mananabunot ka naman, pwede bang next time na lang? Wala ako sa mood kaya di kita malalabanan. Sasabihan na lang kita kung kailan ako available na makipagsabunutan sayo. Okay?" Nganga. Binitawan n'ya na kamay ni Sugar nang pabagsak sabay labas. Natulala naman si Sugar, at nilapitan s'ya ng mga alagad n'ya at pinaupo sa upuan nila. Habang ako, tsss. Nakatanga pa rin. Di ako makapaniwala sa mga nakita ko. "Si Yassie ba talaga yun?" biglang tanong ni Joshua. Kahit na hindi ko sila nakikita alam kong kurunot din ang mga noo nito tulad ko. "Baka nasasapian ng masamang espiritu," ani naman ni Jerome. "Ano yun, Yassie Mandigan Version 2.0?" wika naman ni Roy. "Christian, ano, masakit ba?" pang-aasar ni Aldrin na sinundan pa ng tawa. "Shut up." Nganga ako doon. Hanggang ngayon. Yassie. Ikaw pa ba talaga yan? Yassie's POV *Settings: Canteen* "Yassie, nakita ko yun ahh." "Sheena, galit ka ba sa ginawa ko kanina?" "Hmmm." Hay! Mukha atang di nagustuhan ni Sheena ang pagresbak ko sa mga yun. Eh nakakainis na kasi sila eh! Hindi naman dapat na habambuhay eehh magpapaapi na lang kami! Sa ngayon wala na dapat lugar ang kahinaan ko. Naming tatlo. Dahil kapag hindi mo tinuruan ang sarili mo na maging malakas, patuloy ka lang na maaabuso. "Yassie, siyempre support kita! Pang-best actress ang actingan mo kanina! Galing mo ehh!" tuwang-tuwang sabi ni Sheena. Waaahh akala ko talaga galit s'ya eeehh huhuhu! "Ano ba nangyari?" Luh! Na-Out of Place tuloy si John. *Pouts* "Rumesbak lang naman 'tong si Yassie sa mga mulog, I mean, sa isang mulog. Tapos nadamay pa si Queen. Wahaha! Pakialamera kasi." "Kaya di tayo pinapatahimik nun, este, kayo lang pala." "John, sa panahon ngayon, talagang hindi ka patatahimikin ng mga taong gustong sumira sa'yo hangga't hindi ka tuluyang nawawasak. Kaya minsan kailangan din nating matuto kung paano lumaban. Palibhasa di mo nararanasan ang mga dinadanas namin ngayon," madamdaming turan ko habang nakatingin sa kawalan. Tama naman ang katwiran ko di'ba? Nakakapagtampo ka John, hindi mo man lang kami sinusuportahan ni Sheena. "Bahala kayo. Basta labas ako dyan. Teka nga, bakit ba hindi ka na lang magsumbong, sa family mo, o kaya sa guidance?" "John, alam mo naman kung anong nangyari nung nagsumbong ako last school year di'ba? Kaya nga pinabukod muna ako nina mommy ngayon. Parusa ko daw dahil sa katangahan ko. Ayst! Change topic na nga lang! Ayaw ko nang alalahanin yun. Basta ang alam ko, wala nang ibang tutulong sa'kin dito kundi ang sarili ko at kayong mga kaibigan ko, yun ay kung gusto n'yo akong tulungan." "Syempre naman Yassie! Tutulungan ka namin hanggang sa huli! What are friends are for, diba?" "Hehehehe. Oo nga." "Tama na nga ang drama! Malamig na pagkain. Kain na tayo." Masayang tumango si Sheena samantalang si John napailing lang. Kinuha na namin ang aming mga kutsara at sinimulan ang pagkain. Kalungkot talaga. Sa ngayon, sina Sheena at John na lang talaga ang meron ako. Ganunpaman, salamat talaga sa kanilang dalawa. Dahil SA kanila, ramdam na ramdam kong hindi ako nag-iisa. Christian's POV "Ayst! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na, nagawa ni Yassie yun. Ang hirap talagang paniwalaan." "Joshua, di'ba nga sabi nila, 'To see is to believe.' Ikaw na nga mismo ang nakakita ayaw mo pa bang maniwala?" Richard. "Tsss." Wala akong masabi. Dahil na rin siguro sa mga nakita ko kanina. I mean, si Yassie, na halos iyakin nung mga nakaraang taon dahil sa pambubully namin, naging halimaw sa taray? Tsk! Natuto nang manampal! "Ano bro, masakit pa ba?" "Isang tanong mo pa n'yan Joshua tatamaan ka na." Mga pang-asar pa ang mga loko. "Wag kang mag-alala, Christian. Igaganti namin kayo sa Yassie na yun! Igaganti ko na rin ang sarili ko dahil sa p********l nya sa'kin!" "Wag na kayong mag-alala, Sugar. Kami na ang bahala." "May plano ka na ba Christian?" tanong ni Dina na nakaupo sa tabi ni Joshua. Plano? Hmm. Sa ngayon, wala pa. Sisiguraduhin ko na hindi basta-basta lang ang planong gagawin namin. Pagsisisihan mo ang pagsampal mo sa napakagwapo kong mukha, Yassie. Sheena's POV *Skiptime: After lunch naming tatlo* Habang naglalakad kami sa corridor nang walang kabuhay-buhay, biglang nagtanong si John. "Guys, saan na tayo papunta?" "Sa room, John," sagot ko. "Ayoko pang bumalik ng room," pagtutol ni Yassie. "Eh saan pala?" tanong ko na rin sabay tingin sa kanilang dalawa. "Anong oras na ba?" "Uhmmm," saglit akong tumingin sa aking relo, "12:09." "Maaga pa naman pala. Hmmm. Aha! Tara muna sa tambayan natin!" Yassie "Ayy, oo nga noh! Tara!" Saka kami naglakad papunta sa tambayan namin. Yung tambayan namin, sa ilalim ng isang malaking puno dito sa loob ng campus. May upuan dito na semento. Hindi naman dun mainit kasi may lilim naman ng puno. Presko pa nga eehh, saka tanaw ang buong field. Kitang-kita ang mga estudyante na naghahabulan, mga naglalakad, pati na rin mga nagliligawan. Nang makarating na kami, sabay kami ni Yassie na napaupo sa bench, samantalang si John nanatiling nakatayo habang nakapamulsa. "Hay! Grabe na miss ko rin toh!" sambit ni Yassie saka iniunat ang dalawang kamay niya paitaas. "Hehehe. Ako rin." sabi ni John. "Guys, topic naman dyan, nang di tayo masyadong mainip." suhestiyon ko. "Aahhmm—" Sabay-sabay kaming napalingon sa may gate nang marinig namin ang kililing na iyon, saka nakangiting tiningnan ang isa't isa. "Ice cream! Hahaha!" sabay-sabay naming turan. Jordan's POV "Bro, di'ba si Yassie yun, yung next target mo?" "Tsss, oo. Nakikita ko Danny." "Ano pang hinihintay mo? Lapitan mo na!" "Darating din tayo d'yan. Maghintay ka." Jordan Sanchez. 20 years old. Senior high student. Magka-same grade lang kami ni Yassie, magkaiba lang ng section. Mahilig manligaw, magpasagot ng mga babae, nagiging boyfriend nila, sabay iwan. Ano? Tsss. Bahala na kayo kung ano ang gusto nyong itawag sa'kin. Hilig kong gawin yun eh. Ika nga, walang basagan ng trip. Oo, si Yassie ang target ko. And yes, I'm the someone's POV na nabasa nyo sa previous chapters. Bakit si Yassie? Wala lang. Trip ko lang. Ano, may aangal ba? "Bro, kailan mo ba sisimulan?" "Just shut your mouth there for a while." "Mukha nga talagang mahihirapan ka na pasagutin yan. Nabalitaan mo na ba? Sinampal daw nyan si Christian at Sugar kanina. Hala ka. Baka mangyari din sayo yun." "Huh! Akala mo lang na mahihirapan ako." Hindi ako mahihirapan, dahil gusto nya ako in the first place. Mga babae talaga. Gustong gusto na pinaiikot sila. Alam naman nya na ganito ang ugali ko, tapos ako pa talaga ang nagustuhan. "Well, good luck again." "No need for that, Danny." The play will soon to start. Prepare yourself, Yassie Mandigan. Yassie's POV Tsk! Ang tagal namang bumili ng ice cream ng mga yun!Nakakainip na ahh! Nakatingin lang ako sa may gate. Tanaw kask dito ehh. "Uh, hello there." OMG! This voice sounds familiar! Dahan-dahan akong humarap sa nagsalita sa may likod ko, and, Waaahhh! "Uh, h-hi Jordan!! Hehehe." *dub-dub*dub-dub*dub-dub* Ang bilis ng t***k ng puso ko! Para akong kinakabahan na ewan! Nandito kasi si crruusshhh! "Uh, pwede ba umupo?" "Uh, su-sure! Hehehe, dito ka, tabi tayo." Yyiieehh!! Ang cute nya talaga! Umupo sya sa may tabi ko, pero di naman masyadong close. Kung pwede lang, hihilahin ko 'tong si Jordan palapit sa'kin sabay yakap. Yyyiieehh! Sheena's POV "Kuya, matagal pa po ba yan?" bulong ko "Huy, Sheena, marinig ka ni manong." John "Eh kanina pa sya may kausap sa telepono ehh. Di ba nya tayo nakikita?" "Ayst, hintayin na lang natin." "Maiinip naman si Yassie." "Hayaan mo yun. Sanay naman na yung maghintay." Hay naku! Kanina pa kasi kami dito, nakatanga kay kuyang vendor ng ice cream. May kausap sya sa telepono. Sabi nya naman emergency kaya pumayag na kami. Syempre mababait kami ehh. Kaso, ang tagal na naming naghihintay dito. Grabe ehh. Parang nakalimutan na kami ni manong. Huhuhu! "John, balik na lang tayo." "Teka, matatapos na din yan si manong." "Hay! Bahala ka. Mabalik na ako." "Uh, ilang ice cream nga ulit sa inyo?" manong Hay salamat naman! Hihintayin pa talaga akong umalis bago matapos ehh. Hehehe, jokie lang yung, manong. " Uhm, tatlo pong ah-10." John Saka nagsimula na si manong na magsandok ng ice cream. Hmm!Cookies'n cream! Tapos, binayaran na namin sya, saka kinuha ang ice cream, at nagtungo na ulit sa tambayan namin. "Hay, sigurado akong inip na inip na yun dun si Yassie." John "Ayst! Oo nga—" OMG. Hala! Kasama ni Yassie si, Jordan Sanchez! The ultimate manloloko, heartbreaker, babaero, gwapo pero saksakan ng loko! Agad kong nilapitan si Yassie, sabay hablot ng kamay nya. Hmm, yung dalawang ice cream kasi, hawak ni John, at isa lang ang sakin, kaya nagawa kong hilahin ang kamay nya. "Yassie. Ano bang ginagawa mo? Bakit kasama mo yan?" bulong ko kay Yassie. "Uh, bakit? Masama ba?" Yassie "Ano? Tinatanong mo kung masama ba? Nahihibang ka na ba? Manloloko yang kasama mo! Gumising ka nga!" "Gising ako, okay? Saka, masama bang, yiieehh, makipagkaibigan sa kanya?" "Tigil-tigilan mo ako dyan, halika na. Lumayo ka na dyan sa babaerong yan. Tara na!" "Uhh, may problema ba?" tanong ng mokong na Jordan. "Uh, oo ehh..kasi, may activity pa nga pala kami na hindi pa natatapos. Kaya, kailangan na naming umalis." Yassie's POV Huh!? Wala namang activity ahh! Ano bang pinagsasasabi nito? "Uhh, ganun ba, sige." Jordan "Uhh, una na kami ahh. Sige." Sheena, sabay hila sa akin. Nilingon ko si Jordan, tapos nagba-bye sya sakin. Eihh! Gwapo talaga! Nang makarating na kami sa pathway paakyat ng second floor papuntang room, "Yassie, ano bang pumasok sa kokorte mo at nakipag-usap ka dun?" Sheena "Ice cream ko muna." Di pa kasi sakin binibigay ehh. "Hayy! John, ice cream ni Yassie." Sheena Ibinigay na sakin ni John yung ice cream. Hmmm, cookies and cream! Saarraap! Hanggang sa, di ko namalayan, ilang hakbang na lang pala nasa room na kami. Napahinto ako sa paglalakad. Naalala ko kasi. Nandyan sina Christian, sigurado. "Ayst! Kung tungkol yan kay Christian, wag ka mag-alala. Kami na bahala." Sheena "Okay." Hawak-hawak pa rin namin tong ice cream. Medyo natutunaw na nga eehh. Nang papasok na sana si Sheena ng room, nagulat ako dahil sa biglang pagsulpot ni Joshua, dahilan para mabunggo nya si Sheena at ang resulta, yung ice cream na kinakain nya, natapon sa damit nya. Pareho talaga tayo ng kapalaran sa mga'to, Sheena. Puro kamalasan ang dulot eehh. Tsk! Clash of Clans na naman 'to. Sheena's POV "Waahh! Ano ba!?" Kainis naman! Bakit ba hindi maganda ang first day of school namin!? Kaiiniiss! Urgh! Ang lagkit nung ice cream! "Tsk! Paharang-harang kasi sa daan!" "Paharang-harang?! Sino ba ang nagbigay sayo ng permiso na lumabas ng room nang patakbo nang hindi man lang tumitngin kung may tao na papasok, huh!? Tingnan mo ginawa mo! Uniform ko pa talaga!?" "Sinong may kasalanan ngayon?" "Aahh, at magtatanong ka pa kung sino ang may kasalanan! Urgh! Bwiset!" Tsk! Parang ako NAMAN ang napunta sa sitwasyon ni Yassie kanina. Urgh! Kainis! Napatakbo ako sa cr. Ngayon ako naman ang mamomroblema sa isusuot ko! Mapunasan nga muna ng—teka, nasan ba panyo ko? Joshua's POV Malay ko ba na paparating pala yung mga yun, tapos ako pa ang sisisihin. kasalanan nya rin naman! Pagkatapos nyang manermon, mabilis syang tumakbo. Malamang papunta yun ng cr. Kaso, nahulog yung panyo nya. Pinulot ni Yassie yung panyo, sabay akmang iaabot sakin. "Hoy, ikaw. Sundan mo si Sheena. Iabot mo to sa kanya. Nang mabawas-bawasan naman yang kasalanan mo." "Ano!? Ako? Papupuntahin mo sa cr ng mga babae?" "Oo. Bakit? Sino pa ba?" Yassie habang inuubos yung ice cream nya. "Eh bakit hindi na lang ikaw ang pumunta?" "Yassie, pasok na ako." John, sabay pasok ng room. Nainis na ata. "Eh saka't ikaw ang gusto ko. May angal?" "Ano? Gusto mo'ko? Hahahaha!" "Alam ko yang iniisip mo kaya habang maaga pa ibalik mo na sa katinuan yang pag-iisip mo kung ayaw mong matulad ka sa nangyari kay Christian." "Joshua, maniwala dyan tanga!" sigaw ni Christian. "Ikaw, tumahimik ka dyan. Di ka kinakausap! Papansin!" "Christian, tumahimik ka daw. Ako nga daw ang gusto, hahaha!" Tsk! Sarap talagang asarin ng mga'to!! Hahaha "Isa pang sabi mo dyan sasampalin kita." Eeiihh. Katakot. hahaha! Nung nakita nyang nagpipigil ako ng tawa, inangat nya ang kamay nya, parang mananampal. "Oh, teka lang! Ayokong matulad kay Christian." "Dalhin mo na yan kay Sheena, ngayon na." sabay abot sakin ng panyo ni Sheena. "Tsk! Ganito na lang. Samahan mo'ko." "Diba nagdadala kayo ng ekstrang T-shirt?" "Tsss..bakit?" "Ipahiram mo na tuloy kay Sheena." "Luh naman! Bakit, pati ba naman T-shirt ko?? Eh bakit hindi ka na lang maghanap ng iba dyan?" "Ikaw ang meron kaya kunin mo na yung T-shirt mo at pumunta ka na dun. End of discussion." Mahal ko ang napakakinis at napakagwapo kong pagmumukha, kaya magpakatanga ka na lang muna ngayon. Hayst! Bwisit! Sheena's POV Hayst! Bwisit, bwisit! Sa lahat ba naman ng pwede mong maiwan yung panyo mo pa! Ayst! Ano, babalik ka ba, o hindi? Babalik o hindi? Babalik o hindi? Babalik o—ayst! Oo na! Bumalik ka na para kunin yung panyo! Urgh! Di ko na kaya! Amoy na amoy ko na yung ice cream!! Huhuhu! Pagbukas ko ng pinto para bumalik sa room, agad ko rin agad sinara. Anong ginagawa ng Joshua na yun sa harap ng cr ng mga babae? Ayos pa ang pagkasandal sa pader! Aba! May secret personality pala ito na hindi namin alam!? OMG! Bakla sya!? "Tsss. Sheena. Lumabas ka na dyan. Maawa ka naman sakin!" Joshua Agad kong binuksan ang pinto. Nakatingin sya sakin. Agad ko ring hinawakan ang sapatos ko. Pero di ko pa man lang yung nahuhubad para ibato sa kanya, "Oh, oh, wag mo ituloy kundi madudumihan tong panyo mo!" Bakit nasa kanya panyo ko!? Sa lahat ba naman ng tao, kahit si Yassie na lang sana—bakit sya!? "Urgh! Akin na nga yan!" sabay takbo ko palapit sa kanya para kunin yung panyo ko. Pero agad nyang itinaas yung kamay nya. Wwaarrgghhh! "Ano ba!? Akin na nga yan!" "Kiss muna. Dito oh." sabay turo sa labi nya. Tsk! Kasuka! "Kiss mo bungo mo! Ingudngud ko yang labi mo sa pwet ng aso!" Eeiihh!! Ano bang pinagsasasabi ko? Kadiri! "Ang baho mo na." "Mas mabaho ka! Hiyang hiya naman ako sa amoy mo, amoy kabayo! Akin na nga yan!" Binitiwan na nya yung panyo. Buti na lang nasalo ko kaya di nahulog sa lupa. Walang hiya talaga! Pagkakuha ko, agad akong nagtungo sa cr. Hindi pa ako nakakapasok nang, "Sheena!" Urgh! Ano na naman ba!? Humarap ako sa kanya, pagkaharap ko, sabay hagis naman nya sakin ng isang T-shirt na puti. At, sakto pa sa mukha ko! Kainis! Para saan naman ito!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD