CHAPTER 4 — CRUSH

3128 Words
Sheena's POV Kinuha ko yung T-shirt sa mukha ko. "Hoy! Anong gagawin ko dito!?" "Ano bang ginagawa sa T-shirt?" "Bobo ka ba? Malamang sinusuot!" "Mas ano ka, alam mo naman na pala nagtatanong ka pa!" "Ano? Mas ano ako?" "Basta yun na yun!" "Ano nga!? Isa!" "Mas bobo ka! Masaya ka na!?" "Aba talagang! Anong sinabi mo? Bobo ako!? Wow ha! Kapal talaga ng mukha! Ang lakas ng loob mong mansabi dyan ng bobo!" "Baliw ka na. Magbihis ka na. Umaalingasaw na yang amoy mo hanggang dito. Tsk! Baho!" "Aahhh, isusuot ko, sabay sunog dito sa T-shirt, ganun? Mukhang masaya nga yun." "Edi sunog ka rin nyan." "Aba talagang! Lumayas ka na nga! At ito, *sabay tapon sa T-shirt* sayo na yang mabaho mong T-shirt! Bwisit!" Sabay bukas ng pinto ng cr at pasok doon, sabay sara ulit. "Para sa kaalaman mo, Sheena, bago 'tong T-shirt na to. At sa kasamaang palad, ikaw ang unang makakasuot sa halip na ako. Bahala ka nga dyan! At para rin sa kaalaman mo, ang lahat ng 'to, ideya ng magaling mong kaibigan na si Yassie. Bahala ka mang mamaho dyan." Ano? Yassie? Tsk! Pinaglololoko na naman ata ako Neto! Urgh! Ansama! Halata sa uniform ko yung ice cream! Saka Amoy pa talaga sya! Yung T-shirt. Tsk! Weird! Parang tinatawag ako nung T-shirt mula sa labas. Hmph! Imposibleng di pa yun kinuha ni Joshua. Hayst! Pero di ko na talaga matiis itong kalagayan ko ehh! Matingnan nga! Binuksan ko yung pinto, wala na si Joshua, pero yung T-shirt, nandun pa. Ano, kukunin o hindi? Ano? Joshua's POV "Tanga mo talaga, Joshua. Uto-uto ka man." Christian "Ayaw ko lang namang matulad sayo. Tingnan mo, nabawasan tuloy yang kapogian mo dahil sa sapak sayo ni Yassie." "Tanga ka talaga. Pinahiya ka ni Yassie, di mo man lang ba naisip yun?"Christian "Ano man. Kawasa't magpaapekto ako." Nandito kami sa room. Wala naman kaming ibang tambayan dito kundi itong room. Tsk! Walo lang kaming nandito, kaming anim na magbabarkada, at si John na nagbabasa ng aklat (bookworm. Nyehehe.) saka si Yassie abnormal, naglalaro sa cp nya. Adik yan sa candy crush. "Hahahaha! Kumusta naman ang pagtambay sa harap ng cr ng babae? Ayos ba? Hahaha." Richard "Tsss. Ayos? Kung nakita mo lang kanina yung mga chicks na napasok ng cr kanina. Kung makatitig ewan. Saka yung mga nadaan nakakurunot ang noo. Ayst!" "Pano ba yan tol, bawas pogi points! Daming naturn off sayo noh? Hahaha" Jerome "Sa gwapo kong to! Huh!—" Naputol ang sana'y sasabihin ko nang makita ko si Sheena na pumasok. Sabi ko na nga ba. Suot na nya yung T-shirt na binigay ko. Ang dami pa sa dada isusuot din pala. "Ehem! Yung isa dyan na may suot nung T-shirt ko, siguraduhin na laba na yan bago isauli. Siguraduhing puting-puti at walang kagusot-gusot." "Sana naman hindi ako katihin dito sa pesteng T-shirt na to." ganti nya, sabay punta kina Yassie sabay upo. "Ikaw. Nagpapapansin ka kay Sheena noh?" Roy "Ako? Nagpapapansin? Saan mo naman nahukay yan?" "Wala lang. Ingat." Roy "Loko ka." Yassie's POV "Oh, ano, Sheena? Kumusta ang feeling?" Pareho talaga kami ng sinapit! "Sakit sa ulo! Syanga pala, ikaw ba nagpapunta dun kay Joshua?" "Uhm, oo." "Bakit sya pa? Bakit hindi na lang ikaw?" "Ano ka ba, double purpose yun. Nakaresbak ka na, nagkaroon ka na ng T-shirt, at napahiya pa sya! Tamo nga, triple purpose pala! Hahaha." Hayst! Ang ganda talaga ng naisip ko! Hahahaha! "Paano kayo titigilan nyang mga yan kung ganyan kayo?" "John, pinaliwanag ko na, diba? Maiintindihan mo rin." Ayst! Hindi pa rin talaga gets ni John. Haaayyy! Kailan nya ba kami maiintindihan? *kkkrriinnngggg* Ang bilis talaga ng oras! Ala-una na kaagad! Parang 20 minutes lang ang lumipas! Phew! Nagkagulo na naman pagpasok ng classroom. Daldal dito, daldal doon, lakad dito, lakad doon. Buti na lang talaga mababait kami. *Skiptime: Uwian na* Natapos ang tatlong oras ng pakikinig sa mga teachers namin, pagsusulat sa notebook, pagrecitation. Tsss. Buhay nga naman ng mga estudyante. Sabay-sabay ulit kaming naglalakad ngayon pauwi. "Yassie, saan ka uuwi ngayon?" "Sa dati ko ring nirentahan nung gumawa kami ng research paper last year, Sheena. Malapit lang yun dito, walking distance lang." "Aahhh...dun sa nakakatakot na bahay?" "Nakarating ka na dun?" "Ano ka ba? Di ba nga kagrupo mo ako sa research paper nun! Ayst! Nahawa ka na ng katangahan ng mgamulogs na yun." "Hanggang kailan ka dun? Kailan ka makakauwi sa Inyo?" John "Hindi ko pa alam kina mommy, kung kailan ako pauuwiin. Sana nga wag na." "Grabe ka naman. Syempre lahat ng anak gustong umuwi sa piling ng magulang, noh." Sheena "Hindi lahat. Ayaw ko nga, diba?Sige na. Mauna na kayo. Hintayin nyo na sundo nyo. Babye!" "O h sya, sya, baka kung mapaano ka pa sa daan. Ingat." John "Geh." Buti na lang hindi ako gaanong hinighblood ng mga yun ngayong hapon. At least nabawas-bawasan ang pasanin ko. Naglakad na ako papunta sa bahay na inuupahan ko. Actually, hindi naman kami masyadong mayaman. May, kaya sa buhay, ganun. At, alam nyo ba kung bakit ayaw ko nang umuwi samin? Tsss.Nakakainis din kasi, *Flashback: Grade 10* "Mom! How many times do I have to tell you? Sugar started it! Not me!" sabi ko while crying "Sugar? Si Sugar? Ikaw nga ang naabutan ng teacher nyo na nananabunot sa kanya and you will say to me that Sugar started it? What's happening to you, Yassie?" "Mom, please believe me, please! I can't do that, you know that, mom. You know me!" "Well, you already did. As your punishment, you will not stay here for three months, starting the next school year." "Mom!? Are you kidding me?" "End of discussion. Go to your room. I'm so disappointed in you." *End of Flashback* Diba, englisera ako nun But, that's not the point. Naiinis ako dahil, sa tingin ni mommy laging ako ang mali. That time kasi nagsumbong ako sa teacher namin na binubully ako nina Christian, which is true naman talaga, until now nga diba. And dahil sa pakikialam ni Sugar, ayun. Niresbakan ako agad. At nasaktuhan naman ni mam na ako na ang nananabunot kay Sugar, syempre lumaban ako nun eehh. And that's the thing na hindi maintindihan ng mommy ko. Ewan ko ba. Hindi nya man lang kasi ako kinausap man lang ng masinsinan para makapagpaliwanag sa kanya. At kaya rin hindi na ako nagsusumbong ngayon. Ayokong mas lumala pa ang sitwasyon. Kaya, ako na lang ang nagtatanggol sa sarili ko, syempre sa tulong na din nina Sheena at John. Buti nga sila sinusuportahan at dinadamayan ako, pero sarili kong nanay? Bahala na! Kaya ko'to! Kahit wala siya. Matapos ang madramang flashback na animo'y pang-MMK ang dating, sa wakas! Nakarating na din! Kinuha ko na ang susi ng bahay sa bag ko, sabay bukas dito. Pagkapasok, lapag ng bag sa sofa, sabay akyat sa kwarto at hilata sa kama. Antahimik! Ako lang kasi ang tao. Hhaayy! Buhay! Christian's POV "Sige. Kita ulit bukas, bro." Richard "Sige, sige. Ingat." Sabay Alis ng kotse ni Richard. Syempre kasama sya. Nandito na kami sa harap ng bahay namin. Sa ngayon di ko pa kasi nagagamit yung kotse ko. Grounded. Kaya, tiis muna ng pakikisakay kay Richard. Tutal pareho naman ng rutang dinadaanan ang mga bahay namin. Agad na akong pumasok ng bahay. "Magandang hapon, señorito." manang Delia, maid namin." "Magandang gabi din po manang." Nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nadatnan ko si dad sa sala, nanonood ng t.v. "Hi dad." No response from him. Tsk! Nakita ko si mom, papunta kay dad, may dalang chips at juice. "Hi mom." Di man lang namamsin. Ayst! Makaakyat na nga lang sa kwarto! Bakit ba ganun? Hindi ko talaga makuha ang atensyon nina mom at dad. Pag may occasions nga sa school, hindi sila umaatend, maliban na lang pag recognition. Pero, hindi pa man lang tapos ang program, umaalis na sila. "Mom! Dad!" si kuya. "Hey, Peter! You want chips?" "Ok dad! Hey, christian! Kanina ka pa? Halika, kain tayo ng chips." "Marami pa yang assignments na gagawin. Hayaan mo na muna." mom "Sige kuya. I'll go upstairs." Saka nagsimula na akong maglakad paakyat. Sana sumama na lang ako kay Richard. Buti pa nga mga kabarkada ko, binibigyan ako ng pansin at panahon, pero sila, na mga magulang ko, tssss. Agad akong pumasok ng room. Teka, anong nangyari sa room ko!? Ang gulo! "Hihihi hi." "Hmmm, Kate!" "Bulaga kuya! Hahaha" Bigla syang lumabas sa ilalim ng kama. Si Kate. Bunso kong kapatid, I mean, namin ni kuya Peter. She's 5 years old. "Kuya, pasalubong ko!" "Wala ehh. Hmmm, eto na lang." "Kuya, ayoko ng kiliti ahh." "Hahaha! Nandito na si kuya giant! Magtago ka na! Hahahaha!" "Kyyaahh!" Tumakbo sya paikot ng room ko, at ako naman, panay ang habol sa kanya. Buti pa si Kate. Mahal na mahal ako. Hayst! "Kuya, etong sayo!" May inispray sya. Pabango na strawberry scented. "Oww, oww, matatalo na ang giant!" Sabay act ko na natumba. Para talaga akong isip-bata pag kasama ko'tong si Kate. Pero masaya naman. "Yeeyy! Panalo na naman si Darna!" "Hahaha! Lagi naman!" "Kuya, nagugutom na ako." "Kate! Halika, kain tayo ng chips." mom "Ay, sakto, kuya. Kain muna tayo chips." "Sige. Ikaw na muna. Susunod na lang si giant mamaya." "Ok kuya. Sunod ka kuya ahh? Kaya lagi kita natatalo kasi di na nalalamnan tyan mo ng pampalakas." "Hahaha..sige, sige. Punta ka na dun. Kain ka na. Magpapalakas ako para sa sunod matalo ka na ng giant." "Hahahaha! In your dreams kuya! Babye!" Sabay takbo ni Kate sa pinto, sabay bukas at labas, sabay dara din ng pinto. Habang ako naman, napahiga sa kama. Ayst! Kapagod talaga! Hanggang ngayon, Amoy pa rin yung strawberry scented perfume na inispray ni Kate kanina. Teka, strawberry scented? Strawberry scented. Yes! I've got an idea! Agad kong Kinuha ang phone ko sa bag, dinial si Joshua. .....Joshua dialling..... *toot* "Hello, Joshua!" [Ano? Mukhang masaya ka aahh.] "Joshua, I need your help." [Oh, pinalayas ka na naman ba sa bahay nyo?] "Tsss. Not that. Dude, may naisip na ako para magantihan si Yassie." [Oohhh..gusto ko yan.. Anong gagawin natin?] "Eto ang plano." Yassie's POV *Skiptime: Second day of school* *Settings: School* Second day. Panibagong inis na naman ba? Sana naman hindi. Naglalakad ako papasok ng room. Hayy! Ano na naman kayang mangyayari? "Uh, hi Yassie." Yiieehh! Nabuhayan ang buong katawan ko! Biglang naging good vibes! "Uh, hi Jordan! Hihihihi." "Musta?" "Ok naman, kasi kasama na kita. Hihihi." "Hahaha! Ganun ba? Gusto mo araw-araw kitang samahan para lagi kang okay?" "Hihihi, kung okay lang sayo." "Oo naman. Ikaw pa." "Yiieehh! Wag ka nga! Kinikilig na naman ako!" "Hahaha! Saka magkatabi lang naman room natin. Sayang nga di tayo magkasection." "Hihihi, oo nga eehh. Sayang. Sana sa section nyo na lang ako napapunta. Hayst!" "Dahil ba kay Christian?" "Oo, saka sa mga kapwa nya mulog, at kina Sugar na din. Kainis kasi." "Hahaha! Wag ka mag-alala. Simula ngayon ipagtatanggol na kita mula sa kanila. Kung, papayag ka." "Oo naman! Okay lang sakin! Salamat aahhh?" "Hehehe. Sige. Kita na lang tayo mamaya pag recess." "Hihi, sige!" Pumasok na sya sa room nya habang ako nagpatuloy lang sa paglalakad. Malapit na rin ako sa room. Pero nang tumapat na ako sa pinto, "Fire!" Sabay bato ng mga papel sakin. Urgh! Kaaga aga ganito agad ang sumalubong sakin! "Ano ba!? Itigil nyo na nga yan!!" sigaw ko habang pinapanangga ang dalawang braso ko. "Ano, Yassie? Masarap ba? Kulang pa ba? Hahahaha!!! Guys, batuhin nyo pa yan!!" "Bwisit ka Sugar! Kailan mo ba ako patatahimikin!?? Ha!?" "Eh pano kung ayaw ko!? Hahaha!" Patakbo na sana ako nang biglang may humablot ng kamay ko, sabay hila. Sino ba'to? Pagtingin ko, OMG!! Si Jordan! "Jordan, anong ginagawa mo?" tanong ko habang tumatakbo kami. "Diba sabi ko sayo ipagtatanggol kita simula ngayon?" Tumigil kami sa may hagdan. Kapagod ehh. Pero medyo malayo rin ng konti sa room. "Okay ka lang ba?" tanong nya. "Uh, oo, okay lang ako." "Hayst! Nagulo tuloy yang buhok mo." sabi nya, sabay hawak sa buhok ko, tapos inayos nya. Habang ako naman, nagkaroon ng chance na titigan sya. First time ko syang matitigan nang malapitan. At ngayon nangyayari na. Kkyyaah!! Para tuloy kaming magjowa dito! Hihihihi! Kinikilig na naman ako! "Hahaha! Yan. Mas bagay sayo pag nakangiti ka." Narealize ko na nakangiti na pala ako habang iniisip ko yun, kaya napaiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko grabe na ang pamumula ko ehh! "Sino bang may pasimuno nun?" Napatingin ulit ako sa kanya, nang magtanong sya, sabay simangot. "Tsss. Sino pa ba, edi si Sugar!" "Oh, Yassie, hahaha! Anyare sa yo? Hahahaha!" Speaking of that. Nandyan na ang mga mulog. Si Christian ang nagsalita, nasa may likuran sila ni Jordan kaya kitang-kita ko ang pang-iinsultong tingin sakin ni Christian at ng mga kabarkada nya. Humarap naman si Jordan kina Christian at, Wwaaahhh! OMG! Pagkaharap ni Jordan kay Christian, hala! Agad na hinawakan ni Jordan si Christian sa kuwelyo gamit ang dalawang kamay. A-ano ba gagawin ko? "Ikaw ba ang may pasimuno sa pambabato nina Sugar kay Yassie kanina?" nanggigigil na tanong ni Jordan. " Tsss. Jordan, kailan ka pa nagkaroon ng concern kay Yassie? Tsk! Bakit? Kayo ba? O baka naman, balak mong biktimahin sya. Bago mo gawin yan, magpaalam ka muna sakin." Christian Lalo akong nagulat dahil sinuntok ni Jordan si Christian, at sa sobrang lakas napabagsak si Christian. Dapat ba akong matuwa sa mga nangyayari? Wala akong magawa, parang naparalyse ang buong katawan ko dito sa kinatatayuan ko, habang nanonood sa dalawa. "Aba, loko ka ah!" Joshua Sabay suntok kay Jordan. Naku! Hindi na 'to dapat ipagsawalang bahala! Umaksyon ka na, Yassie! Sa ngayon nagpapalitan na ng suntok sina Jordan, Joshua, Roy at Jerome. Si Aldrin kasi agad na lumapit kay Christian. Habang ako naman, "Hoy! Tama na yan, ano ba!?" ako, habang pinipilit na awatin sila. "Loko ka, Jordan! Yabang mo ahh!" Roy "Mas loko ka! Eto sa yo!" Jordan sabay suntok kay Roy. Niyakap ko sa bewang si Jordan, at pilit na hinila sya palayo kina Roy. "Jordan! Please tama na!" mangiyak-ngiyak kong sabi. Hindi lang kasi ako makapaniwala na may nagaganap na away dito nang dahil sakin! "Yassie! Naku!" Dumating na sina John at Sheena. Tumulong na sila sa pag-awat sa kanila. "Joshua! Roy! Ano ba!! Tama na!?" Sheena "ANO BA! TUMIGIL NA NGA KAYO! PARANG-AWA NYO NA!" sigaw ko. This time, umiiyak na talaga ako. At dahil dun, natigil naman na sila. Napatingin sila sakin. Pati sina Christian at Aldrin na papasugod palang sana kay Jordan. "PARA KAYONG MGA BATA! MAHIYA NAMAN KAYO!" me "Yassie—" "No, Jordan. Hayaan nyo na muna ako." sabay takbo ko. *kkrriiinnnngggg* Dumeretso muna ako ng cr, kahit alam ko na nagbell na. Huhuhu! Ayoko ng ganun! Christian's POV Nakatingin kaming lahat kay Yassie nang bigla syang tumakbo. Ayst! Sama ng araw ko ngayon! Bigla namang lumapit sakin si Jordan, at inangat na naman ang kwelyo ko gamit ang dalawang kamay. May sapak itong isang to. Tsk! Sakit pa nga ng panga ko dahil sa suntok nya may balak na naman ata. "Tingnan mo ginawa mo, Christian! Pinaiyak mo na naman sya!" "Jordan, ang lakas naman ng loob mo na sabihin yan. Alam naman naming lahat na lolokohin mo lang si Yassie! Kaya wala kang karapatan na pagsabihan si Christian nang ganyan! Ikaw ang lumayo, Jordan! Nananahimik yung tao, guguluhin mo! Namomroblema na nga sya dito sa anim na mokong na to dadagdag ka pa! Aba! Maawa ka naman dun sa tao!" Sheena Aba. Ipinagtanggol nya ba kami? Kahit na, may panlalait pa rin? "Narinig mo yun, diba? Ikaw ang lumayo kay Yassie. Kundi ako ang makakalaban mo." saad ko. Teka, anong sinabi ko? *kkkrriiinnggggg* "Tsss. Hindi pa tayo tapos, Christian. Hindi pa tayo tapos." Jordan sabay bitaw sa kwelyo ko nang may pagtulak. "At kayo naman—" "Ano Sheena? Pagagalitan mo rin ba kami? Wag muna ngayon." Joshua "Tara na." John, sabay lakad ni papunta ng room. Si Yassie naman, napatakbo. Siguradong pupuntahan nun si Yassie. "Ano bro? Ayos ka lang ba?" Joshua "Ayos lang." "Sus naman! Handa ka talagang makipaglaban para kay Yassie noh?" Jerome "Tsss. Baliw ka na ba?" "May nalalaman pang, 'ikaw ang lumayo kay Yassie, kundi ako ang makakalaban mo' Aba,aba,aba, ano kayang ibig sabihin nun?" Jerome "Wala na akong masabi, kaya siguro nasabi ko yun. W-wala yun. Tara na nga!" "Sus! Awan daaww." Jerome Naglakad na kami papasok ng room. Talaga bang nasabi ko yun? Ako? Makikipaglaban para sa Yassie na yun? Tsk! Pambubully lang ang papel ko sa buhay nung babaeng yun, wala nang iba. Nang makarating na kami ng room, mukhang kararating pa lang din nina Yassie at Sheena. Yassie's POV *Skip time: Recess* "Yassie, kanina ka pa dyan walang imik." Nandito kami sa canteen. Buti na lang wala nang mga nang-aagaw ng pwesto ngayon di tulad kahapon. "Iniisip mo pa rin ba yung nangyari kanina?" Sheena "Guys, ayoko lang kasi ng, may nagaganap na ganun sa harap ko, tapos mukhng ako pa ang dahilan kung bakit nangyari yun." "Yassie, layuan mo na kasi si Jordan. Nakita mo naman yung ginawa nya, diba?" "Sheena, si Jordan yung tumulong sakin kanina nung pinagbababato ako nina Sugar ng papel sa room. Tapos nung aasarin na naman sana ako ni Christian kanina—" "Sno? Pinagtanggol ka din? Yassie! Gumising ka! Pinaglalaruan ka lang ni Jordan! Kaya pwede ba, wag kang mafa-fall sa kanya. Ayaw ko lang na masaktan ka." "Pero, yung mga sinasabi nya, Sheena, parang totoo lahat. Yung, nung sinabi nya na, ipagtatanggol nya raw ako sa mga mambubully sakin, yung pag-ayos nya kanina ng buhok ko, basta, lahat ng tungkol sa kanya, pakiramdam ko totoo lahat. Diba pwede pa naman syang magbago? Malay mo, diba?" "Yassie. Nabulag ka na ng Jordan na yan. Tsss." "Hayst! Teka lang. May titingnan lang ako sa room." "Sige. Dalian mo lang. " Agad akong tumayo, at naglakad na pabalik ng room. Habang naglalakad ako, nakasalubong ko sina Christian. Bibwisitin nyo na naman ba ako? Please wag ngayon. "Yassie!" Joshua "Anong kailangan nyo?" "Hmmm, wala naman." Joshua Hmmm. Tahimik ata si Christian ngayon ahh. "Si Christian ba? Hahaha! Kanina pa tahimik yan. Paingayin mo naman!" Jerome "Sige. Mauna na akong canteen." Christian sabay alis. "Hmmm, sige, Yassie. Una na rin kami. May araw ka rin zamin." Joshua sabay alis na rin nila. Anyare? Saka, ano? May araw ako sa kanila? ASA kayo! Christian's POV "Christian, kailan ba natin isasakatuparan yung plano?" Jerome "Ewan. Basta hindi ngayon." "Sus! Concern lang yan kay Yassie." "Oh fvck you." Concern? Tsk. I'm not.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD