Nag-umpukan sa sala ang lahat sa gabing iyon, nakaharap sila sa malaking monitor ng TV. Naroon ang mommy ni Jerome, naroon ang mga kapatid niyang sina Jason at Jonas, naroon din ang step-dad ni Jerome na sa pagkakataong iyon ay nagkaayos na sa kanyang mommy at gumawa ng pangako sa ilalim ng panunumpa na hindi na ito muling manakit. Syempre, naroon din si July at Jerome, kasama si Stef. Excited ang lahat sa gabing iyon. Mapapanuod at maririnig nila ang regression session ni Jerome. Nagrequest kasi si Jerome na magpa-kopya ng video maliban sa purely audio na kopya para makita ng pamilya niya kung paano ginanap ang regression. At base sa ibinigay na paalala ni Dr. Dolores na bago ipalabas ang video ay dapat may disclaimer na sasabihin. Ipinaliwanag namin iyon lalo na kina Jason at Jonas na

