Mala pusa niyang mga mata kay sarap pagmasdan pero nababalot ng isang hiwaga at malalim na pagkakakilanlan sa kanyang pagkatao. Kilala siyang ng lahat bilang isang malamig na tao at walang pakialam.
Sa pangalan niyang dala dala ang lahat at ilag sa isang Sham Houston Nashville. Habang nakatayo siya sa may bintana at pinagmamasdan niya ang kabuuan ng kanyang nasasakupan. Maaaninag ang isang emosyon na hindi mo paniniwalaan dahil sa taglay niyang pagkatao.
Hindi rin maiwasan malumbay dahil hanggang ngayon binabalikan pa siya ng kanyang nakaraang relasyon na nagbigay sa kanya ng matinding sakit at paghihirap sapagkat binigay niya ang lahat pati buhay niya sa isang babaeng huwad.
Kumuha siya ng wine at bumalik kung saan matatanaw niya ang mga taong pumaparito sa pakikipag sapalaran sa buhay.
Binalikan niya ang kanyang nakaraan, habang iniinom ang hawak niyang wine.
NAKARAAN
SHAM POV.
“I love you Babes” wika ni Rissa.
“I love you too Babes” sagot ko.
Ilang taon din ang relasyon namin pero never ko siyang inangkin. I don't know why, Basta hanggang kiss lang kung lalampas man doon. Hindi na natutuloy. wala lang, basta ayaw ko pang may mangyari sa amin. Ganun lang ang dahilan ko, gusto kong angkinin ko siya kapag kasal na kaming dalawa.
Pero habang ako'y papunta sa kanya condo, may nadadama na akong kaba sa aking dibdib. Ang saya ko dahil gusto ko siyang supresahin sa Anniversary namin ngayon. kahit ako ang nag- eeffort lagi.
Alam ko kakauwi niya lang galing siya sa hongkong, doon kasi ang schedule niya para i model niya ang bagong labas na bikini ng isang Underwear Company. siya ang kinuha dahil propesyon niya ang pagmomodeling at sa taglay nitong maganda at slim na pangangatawan.
May dala akong chocolates na favorite niya at flowers na mga red roses na alam ko na favorite din niya. Nakarating ako sa condo, pinapasok agad ako ng guard dahil kilala nila ako bilang Boyfriend ni Rissa kaya tumuloy lang ako sa aking paglalakad.
Dahil alam ko ang password ng kanyang condo ay hindi na ako tumawag pa sa kanya. Habang papasok ako sa unit niya may may naririnig akong mga ungol na parang nasasarapan, kahit may idea na ako kung anu iyong mga tinig naririnig ko.
Tumuloy ako sa kanyang kwarto, pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na binabayo si Rissa ng kanyang Manager na Lalaki, hindi ako makapagsalita, tumingin lang ako sa kanila. nang mapansin ako ni Rissa,
“Ba-babe!, anung ginagawa mo dito?”
Hindi na ako makapagsalita pa dahil sa gulat. Ni sa hinagilap ko ay hindi ko naisip na magagawa sa akin ni Rissa to.
Dahil lalabasan na si Rissa ay tingin na lang ang kanyang nagawa sa akin.
“f**k aahh, aahh, aaaahhhhh, lalabasan na ako Fred bilisan mo na yan aaaaaHhhhh.” Pawisang sigaw ni Rissa sa kanyang kaniig.
Kita ko ang reaction ni Fred, ngumisi siya sa akin na parang sinasabi niya (paano yan pinaliligaya ko ang girlfriend mo sa harapan mo, Paano ka na lang) Binagsak ko ang mga dala ko at mabilis akong umalis sa kanyang condo.
Nang nasa sasakyan na ako ay pinaharurot ko ng mabilis ang kotse ko, wala na akong pakialam sa traffic. Hindi ko namalayan malayo na pala ang narating ko. Huminto ako at huminga ng malalim. Sumisigaw ako para mailabas ko ang emosyon ko na kanina pa gustong lumabas.
“f**k you! Aaahhhhh!” Sigaw ko.
Tuluyan nang lumabas ang mga luha ko. minahal ko siya higit pa sa buhay ko, ganito lang ang igaganti niya!, kaya pala ayaw kong angkinin siya dahil may ginagawa na pala silang milagro ng kanyang manager. Hindi ko alam magagawa niya ito sa akin. Hindi ko akalain na ganito pala ang mangyari sa amin.
Kung kailan umabot ng 5 years ang aming relasyon ganito pa ang ginawa niya. Simula sa nangyari sa akin, ang daming nagbago. nagbago ang pakikitungo ko sa mga babae, hindi na ako nagtitiwala, parang ang lahat tingin ko ay manggagamit. kaya nag focus ako sa negosyo namin.
Kaya ngayon ay mas lalong kinatatakutan ang pamilya ko lalo na ang isang Sham Houston Nashville. Ang nakaraan ko sa pakikipagrelasyon ay ayaw ko ng balikan.
KASALUKUYAN
Pinaling ko ang aking ulo, tama na, na damhin ang nakaraan. Kaya Nag-umpisa na ako sa mga dapat kong gawin. Chineck ko angmga reports ng pondo at kinita ng Company noong mga nakaraang buwan.
Natapos ko na lahat ang aking trabaho. narito pa rin ako sa aking opisina nang biglang may nag pop na mensahe sa aking meet apps, dahil na curious ako sa nagpadala ng mensahe sa akin sa kin sa Meet apps ko ay sinilip ko ito.
“Anonymous ”
Gusto mo ng babae? Mr.Sham? Need lang ng kaibigan ko ang pera para sa kanyang Inay.
Sinisigurado ko na sulit naman dahil NBSB ang aking kaibigan.
Habang binabasa ko ang kanyang mensahe sa Meet apps, hindi ko malaman ang magiging reaksyon kung natutuwa ako, matatawa o maiinis. Pero biglang nag typing ang aking mga daliri na animo ay may mga sarili silang buhay.
“Pwede ko ba makita ang larawan niya?” ang aking reply.
Natawa ako pero hindi ko na binura pa, parang may nagsasabi na patulan ko ang mensahe na ipinadala. Maya- maya nakita ko ang larawan ng babaeng sinasabi niya. Napanganga ako dahil sobrang ganda niya at hindi sapat ang salitang maganda para lang purihin siya. Para siyang diyosa na bumaba sa langit. Binasa ko ang Biodata na pinasa niya. Uryhia Delos Reyes, nice name. Kaya nagreply agad ako, tinanong ko kung malinis siya at humingi ako ng medical record.
Nakalipas ang isang oras ipinadala niya ang kanyang medical record, malinis siya. Kaya humingi ako ng bank account
ni Uryhia.
Tumawag ako sa secretary ko.
“May kailangan po kayo Mr. Nashville?” tanong niya.
“Yes mag padala ka ng kalahating milyon dito sa bank account na ‘to, pero siguraduhin mong makuha mo ang details niya, understood?”
“Yes, Mr. Nashville.” sagot niya.
Hindi ko alam bakit pumayag ako, baka siya ang dahilan para makalimutan ko ang nakaraan ko lalo na kay Rissa. Bukas pa din ang meet apps ko.
Nagpadala ako ng mensahe sa anonymous name, na padala ko ang kalahating milyon. At nagreply agad.
~Anonymous~
“Salamat Mr. Sham, hindi niyo lang alam na meron kayong na iligtas na buhay.”
“Tuparin mo ang sinabi mo, dahil kapag niloko mo ako meron kang paglalagyan sa akin, madali lang sa akin mahanap ka anonymous name.”
~Anonymous~
“Oo naman ano!. at isa pa, hindi ka naman lugi sa kaibigan ko, dahil ikaw ang magiging una sa lahat sa kanya. At tutupad ako dahil kilala kita, parang sinabi mo na ako na mismo ang naghukay ng sariling kong libingan.”
“Aba dapat lang na matakot ka sa akin, anung silbi ng pangalan ko kung hindi ka matatakot sa aking pagkatao,” wika ng aking isipan.
“Sir, napadala ko na po ang pera at ito din po ang details na kailangan ninyo para sa may ari ng bank account na pinadalhan ko ng pera” Wika ng kanyang secretary.
“Okay, good maasahan ka talaga Mr. Ferrer.”
Binasa ko ang papel na ibinigay ng secretary ko kung saan nakasulat lahat ang tungkol kay Miss Uryhia, para wala akong makakalimutan tungkol sa kanya.
Isa siyang cashier sa Canteen, single nga at nag- iisang anak ng mga Delos Reyes, pero patay na ang Ama,Inay na lang ang kasama niya kaya ginagawa niya ang lahat para madagdagan ang buhay ng kanyang Inay.
“Wow huwarang anak, ipinagbibili ang dangal para lang sa mahal na Inay. Kaya hindi na ako tumanggi, saka ko gagawin ang gusto ko kapag nagkita kami.” bulong ko.
Pero isa lang ang masasabi ko iba ang ganda niya at meron siyang nakakaakit na ganda.
“Hihintayin ko ang araw ng ating pagkikita Uryhia Delos Reyes.” Wika ko na nakatingin sa papel na hawak ko.
Oras na ng uwian kaya nag ready na ako. Tinawagan ko ang aking driver na si Mang Cardo. Bumaba na ako, ginamit ko ang sariling ko elevator na mala gold ang kulay.
Kinuha ni Mang Cardo ang aking dala.
“Uuwi na po ba tayo boss?” Wika ng matanda.
“Yes pero dadaan muna tayo sa bakery na favorite ni Mommy para bumili ng favorite niyang tinapay Mang Cardo.” Sagot ko.
Habang nasa biyahe ako, hindi mawala sa aking isipan ang imahe ng babaeng gustong ipagbili ang kanyang dangal para lang sa kanyang Inay.
“Huwaran na anak, gagawin ang lahat para sa kanya minamahal.”
“Siguro ako din naman gagawin ko ang lahat para sa mahal ko.” Bigla nagsalita si Mang Cardo.
Hindi ko na napansin na naisa wika ko na pala ang nasa isipan ko.
“Narito na po tayo sa bakery boss.”
“Okay mang Cardo, kayo na po ang bumili. ito po ang pera.”
Tinamad na akong bumaba kaya siya na lang ang bumili. Minsan kasi maraming tao, nakakairita lang ang dami nilang sinasabi porke mayaman ako, pogi ako, haist nakakasawa. “Wala namang nagbago paulit ulit na lang din naman.