POVERTY

1454 Words
Third Person Sinimulan ng mga Doctors ang operasyon. Hindi alam ni Uryhia kung ano ang gagawin. lakad niya ay parito at paroon, umiiyak siya habang nananalangin na sana maging matagumpay ang operasyon ng kanyang Inay. Dahil wala pang lumalabas na Doctor, nagdesisyon siya na pumunta sa chapel ng hospital. Nang makarating siya sa chapel, sa pintuan pa lang ay lumuhod siya at nagsimulang magdasal habang papunta sa altar. Nanalangin siya ng mataimtim. “Panginoon, ingatan mo po lagí ang iyong nilikha na naniniwala na totoo ka. Gabayan mo ang mga doktor na dalubhasa sa sakit ng aking Ina ay silang nagsusuri at nag- gagamot. Ikaw ang humawak sa kanilang mga kamay at magturo ng kanilang dapat na gawin. Ibalik mo ang masigla at malusog na katawan ng aking Inay. Ito ang aking buong pananampalatayang pinananaligan sa pamamagitan ni Kristo Hesus na aming Panginoon at tagapagligtas. Amen! Matapos niyang manalangin, nanatili siya sa loob ng chapel. Ang kanyang mata ay punong puno ng luha. Wala siyang tanging dalangin at hiling kundi ang makasama ang kanyang Inay ng matagal na panahon kaya patuloy siyang nangangarap para sa kanilang dalawa. Kaya pumayag siyang ibenta ang kanyang dangal para lamang madugtungan ang buhay ng kanyang Inay. Wala na ang kanyang Tatay, kaya lahat gagawin niya kahit kumapit siya sa patalim. ayaw niyang isipin ang sarili, basta makasama niya pa ng matagal ang kanyang Inay. Kung ano man ang magiging pag uusap nila ni Sham, saka na niya ito iisipin. Ang mahalaga ngayon ay walang iba kundi ang buhay ng kanyang Inay. Bumalik siya sa loob ng hospital para hintayin ang Doctor, habang naka upo, ang kanyang isipan ay patuloy na nananalangin. makalipas ang ilang oras na paghihintay, bumukas ang pintuan kung saan isinasagawa ang operasyon sa kanyang Inay. “Doctor, kamusta ang operasyon ninyo sa Inay ko?” agad na tanong niya. “Uhmmm, iha wag kang mabibigla sa sabihin ko.” Nang marinig niya ang sinabi ng Doctor, na kahit umpisa palang ay parang mabubuwal na siya sa kanyang kinatatayuan na umiiling sa Doctor habang ang kanyang mga palad ay nakatakip na sa kanyang bibig. Ipinatong ang kamay ng Doktor sa balikat ni Uryhia at saka ito ngumiti. “Congratulations iha, dahil successful ang operasyon ng iyong Inay! Hintayin na lang natin kung kailan siya magigising, nasa kanya na nakasalalay ang buhay na gusto mong dagdagan, pero mananatili pa siya dito sa hospital, kaya may mga dapat ka pang bayaran iha. Kabiruan ni Doktor Franklin si Uryhia kaya naman kahit halos mahimatay na si Uryhia sa kabang nararamdaman niya ay biniro padin niya ng kaunti ang dalaga. Bigla nang niyakap ni Uryhia ang Doctor dahil sa labis na pagkabigla at kasiyahan nito. “Salamat po Doc. makakasama ko pa ng matagal aking Inay! O Diyos ko maraming salamat po!” Anas niya na nakatingin sa itaas habang yakap padin ang Doktor ng kanyang Ina. “Ayos lang kung mananatili pa siya dito. Ako na ang bahala sa ibang bayaran Doc.” Dagdag pa niya. “Paano yan mauna na ako, need ko magpahinga dahil meron pa akong ibang pasyente na dapat puntahan.” Paalam ng Doktor. Tumango na lang siya sa Doctor, masayang masaya siya dahil dininig ng sa itaas ang kanyang panalangin, kaya bumalik ulit siya sa chapel para magpasalamat. Inilipat na din ang kanyang Inay sa recovery room para doon na magpagaling. Pagka pasok niya sa loob ng kwarto ay nilapitan niya agad ang kanyang Ina sabay halik nito sa kanyang pisngi dahil balot ng benda ang ulo ng kanyang ina. Kinausap niya ang kanyang ina habang nakahawak ito sa kanyang isang kamay kahit pa ito'y natutulog at wala pang malay. “Tulungang ninyo Inay ang sarili niyo, para matagal pa tayong magsasama, lahat gagawin ko Inay para sayo. Lumipas pa ang ilang oras at nagpaalam na munang umuwi ni Uryhia sa kanyang Inay. Kahit pa ito'y tulog pa din ay kinakausap niya ito na para bang naririnig niya siya. “Paano Inay, lunes na bukas kailangan kong pumasok para meron tayong gastusin dito habang narito pa kayo.” Pagkatapos niyang tingnan at kausapin ang kanyang Inay, lumabas na siya para hanapin ang nurse ng nagbabantay kapag wala pa siya. Nang makita niya ang nurse, kinausap niya na siya muna ulit ang bahala sa kanyang Inay. Pumayag ang nurse nang magkausap sila. kaya umuwi siya at kailangan niyang ipahinga ang kanyang sarili at harapin ang kabayaran ng pera na ginamit nila sa operasyon. Nang makarating siya sa maliit na tahanan nila, saka lang siya nakaramdam ng kapaguran. kaya humiga siya agad, hindi niya alintana ang gutom, sapat na ang kinain niya sa hospital at ng kaalaman na ligtas na sa bingit ng kapahamakan ang kanyang pinaka mamahal na Ina. Dahil sa kapaguran ay mabilis siyang nakatulog “Ganito ‘yon, hindi ko rin alam kung bakit siya pumayag, ikaw ang magtanong sa kanya, kapag nagkita kayo. Basta sabi niya lang sa akin, mag send ako ng larawan mo.” wika ng kaibigan nya. “Nag send ako sa kanya, pagkatapos ng ilang Segundo, nanghingi siya sa akin ng bank account mo, Syempre hindi na ako nag pakipot pa. Yun naman ang pakay natin di ba? Kaya ibinigay ko kaagad habang hindi pa niya binabawi.”dugtong pa ni Loren. Tumango- tango lang si Uryhia na senyales ng pag sang-ayon subalit napapaisip padin siya na ganun ganun lang iyon kadali na pag sang-ayon ng binata para lang makasiping siya at gumastos pa ng ganung kalaking halaga para lang doon. “Pero alam mo ba kung ano pa ang mga sinasabi niya sa akin? Wika ulit ng kaibigan niya na siyang nagputol ng kanyang pag- iisip. “Habang binabasa ko ang kanyang mga reply, nakaramdam din ako ng takot sa dibdib para sayo, pero dedma lang dahil sa kagustuhan kong tulungan ka ano! Wag ko daw siyang lokohin, dahil madali lang sa kanya na malaman kung sino ako at meron akong paglalagyan sa kanya. Nag reply ako sabi ko hindi naman ako tanga para ako mismo ang maghuhukay ng sarili kong libingan. Grabe talaga masyado siyang bossy, sa way ng pagsasalita niya ay alam mong hindi siya basta- basta. sabagay isa siyang Nashville, kahit sino naman matatakot diba?” “Pero hindi kita pinapa kaba friendship, ang akin lang huwag kang magkakamali at mag ingat ka din sa kanya kasi baka makita ka nya somewhere na may kasamang lalake hay naku baka mag cancel pa ng chukchak yun at magpa bayad na lang sa ginastos mo. Saan naman natin hahagilapin ang kalahating milyong pesoses est friend?” May pag acting pang parang nahihilo ni Loren “Kaya nga may nararamdaman akong kaba at takot bff, paano pala kung patayin niya ako sa araw ng pagkikita namin o pagkatapos nya akong ariin? Alam mo naman ang balita sa kanya kung gaano siya kabangis. Pero nagpapasalamat naman ako, siya ang dahilan kung bakit naoperahan ang aking Inay.” Sagot ni Uryhia. Bagamat may nakakapa siya sa kanyang dibdib na kaba, nilalakasan niya lang ang kanyang loob. Para sa kanyang Inay, sabi nga nila, mas matakot ka sa buhay kaysa sa patay, dahil hindi mo pa alam kung anu ang gagawin ng buhay na tao. Sana lang wag lang siyang patayin ng Sham dahil marami pa siyang pangarap para sa Inay na minamahal. Matapos niyang malaman ang mga kagustuhan ng isang Nashville, umuwi muna siya para e kundisyon ang sarili para sa pagkikita nila ni Sham at mag prepare na rin para sa kanyang half day shift. Habang sakay ng isang taxi, nagpadala siya ng mensahe sa nurse na nagbabantay sa kanyang Inay at kinamusta niya ang kalagayan niya, nakaraos man siya sa bagyong dumating sa kanyang buhay, alam niyang hindi pa tapos ang kanyang pakikibaka sa buhay. Handa niyang harapin ang lahat ng pagsubok wag lang mawala ang kanyang Inay, tagumpay man ang operasyon, alam niyang meron pang babayaran sa hospital, kaya hinanda niya ang sarili niya para magpa alipin sa isang Sham Nashville para lang sa kanyang Inay. Hindi niya iniisip ang sarili kung ano ang kahahantungan ng lahat ng sakripisyo niya sa buhay. Minsan gusto niya ng magalit sa mundo, subalit ano ba ang saysay kung magagalit pa siya? kaya lang parang unfair talaga ng mundo. Bakit kung sino pa ang nagsusumikap ay siya pa ang nakakaranas ng ganito paghihirap. Ganito ba talaga ang tadhana niya sa mundo na puno ng paghihirap? Nang matanaw niyang malapit na siya sa kanto na kanilang tirahan ay bumaba na siya. Pagkapasok niya sa loob ng kanilang tahanan ay umupo muna siya sa kanilang upuan na gawa sa kawayan, saka niya naramdaman ang kapaguran at kahirapan. Pero hindi dahilan ang lahat ng ito para sumuko sa buhay kaya laban lang Uryhia
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD