HOSPITAL
Habang busy ako sa pagbibilang ng kita ko ngayong araw bilang isang cashier dito sa canteen ng school, biglang may tumatawag sa aking cellphone, nang tingnan ko kung sino isa pala naming kapitbahay.
“Hello po aling Melba, bakit po kayo na pantawag?”
“Uryhia, Iha yung nanay mo dinala namin sa hospital hindi ka namin hinihintay dahil nahihirapan siyang huminga.” wika niya.
Pagka-dinig ko sa sinabi ni aling Melba, nabitawan ko ang aking cellphone, Pero bigla ako natauhan kaya dali- dali ko din pinulot.
“Aling Melba, saan po ba ninyo dinala na hospital?” Tanong ko na nanginginig pa at nangingilid na rin ang aking mga luha.
“Salcedo Hospital, Uryhia o siya patayin ko na ang tawag ko kasi baka maubos ang load ng anak ko may tatawagan pa kami.”
Pagkapatay ng tawag ni Aling Melba, kinausap ko agad ang may ari ng canteen, buti na lang dumaan muna dito bago mag grocery at mabuti na lang din ay pinayagan niya ako mag halfday lang, kahit ang hirap ng buhay pinagpala pa rin ako dahil ang amo ko ay sobrang bait, sabagay matagal na niya akong cashier.
Kaya dali dali akong nag gayak patungo sa Salcedo Hospital. Nang makarating ako sa hospital, nagtungo agad ako sa receptionist at nagtanong kung anong room ang aking Inay.
Tumakbo ako dahil gusto ko malaman kung ano na ang kalagayan ng aking Inay, siya na lang ang natitira kong pamilya. Kaya habang tumatakbo ako hindi ko na napigilan na lumuha, nang marating ko ang room kung saan siya naka admit, Pag bukas ko ng pintuan ay nakita ko na sinusuri siya ng doktor.
“Kamusta po ang kalagayan ng aking Inay? ano po ang kanyang karamdaman?”
“Sa aking pagsusuri iha sa iyong Inay, meron siyang cancer sa utak. May tumubong tumor at base sa aking pagsusuri ay malaki na ito. Kailangan niyang maoperahan ng maaga, para ma dugtungan pa ang buhay niya. at isa pa malaking halaga ang kakailanganin mo para dito, o siya mauna na ako meron pa akong ibang pasyente na pupuntahan.”
“Salamat po Doctor, pero gagawin ko ang lahat para maoperahan ang aking Inay,” malungkot kong saad sa Doctor.
“Okay, mauna na ako.”
Tumango na lang ako sa kanya at lumapit ako sa bed kung saan nakahiga ang aking Inay, Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan.
“Gagawin ko ang lahat Inay para makasama pa kita, kahit Kumapit ako sa patalim para lang mabuhay pa kayo ng matagal,” ang nasa isip ko. Namasa na ang aking mga mata at tumulo ang masagana kong luha, hinayaan ko lang dumaloy sa aking pisngi.
Nang biglang bumukas ang pintuan, isang Nurse ang pumasok, ngumiti ako at binati ko.
“Hi Nurse Sam”
“Hello, ikaw ba ang anak ni aling Lourdes Delosreyes?” wika nya.
“Oo, pwede ba Nurse Sam ikaw muna ang bahala sa Nanay ko?, maghanap lang ako ng pera para sa pampaopera niya.”
“Sure walang problema, Ito ang number ko pwede mo akong tawagan at para lagi kitang ma-update sa kalagayan ng nanay mo.” mahinahong sabi niya.
Lumabas na ako sa hospital, umupo muna ako saglit sa labas para tawagan ko ang best friend kong si Loren, siya lagi ang takbuhan ko. Maayos kasi ang trabaho niya sa isang Company.
“Brady,” aking mahinang tawag sa kanya, pero hindi ko na pigilan humikbi, si Inay dinala sa hospital, malala na Brady tulungan mo naman ako.
“A-ano? kailan pa Brady, bakit anong sakit niya? Wag ka munang umiyak dyan hindi ko maunawaan ang mga sinasabi mo eh” sunod sunod niyang anas.
“Si Inay, may Cancer sa utak brady at malala daw sabi ng Doctor, Sa Salcedo Hospital dinala ng kapit bahay namin, Narito ako ngayon sa labas ng hospital para humanap ng malaking halaga at para tawagan ka Brady, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi sapat ang kinikita ko sa pagiging cashier ko sa canteen. Wala din akong alam para lapitan sa kalagayan namin.” Mahabang litanya ko na may kasamang pag hikbi.
“Pumunta ka dito! Para dito tayo mag usap” wika niya.
Nang makarating ako sa bahay niya, pagbukas ng pintuan umakap agad ako at humagulgol sa balikat niya.
“Wala tayong magagawa Brady, iyan ay kalooban ng nasa taas, dahil sa nangyari masusubok ang katatagan mo sa buhay, pumasok ka muna pati ako naiiyak eh.” Naluluha niyang sabi at iginiya niya ako sa loob.
Nang maka upo na kaming dalawa, “Paano at anong nangyari?” Tanong niya.
Habang sinasabi ko ang nangyari, tuloy pa rin na lumuluha ang aking mga mata, pati si brady Loren, umiiyak na din.
“Wag ka nang umiyak, makakahanap tayo ng solusyon, Saglit meron lang akong icha-chat!” Wika niya.
Nang sinabi sa akin ni Loren kung sino ang kanyang ka-chat sa kanyang m*sger ay agad akong nag reklamo.
“‘Di sorry!, Ito naman hindi mabiro,
Oo na gagawin ko kahit libo- libo na ang kabang nararamdaman ko sa aking dibdib. Bakit kasi ako ipinanganak na mahirap?”
“Pero bff natatakot ako, paano kung tanggihan niya ako? Ano ang gagawin ko? malala na ang kalagayan ni Inay sabi ng Doktora kahapon.” Dagdag ko pa.
“‘Yon naman pala di gawin mo ang lahat para lang pumayag! kainis ka din bff ano? minsan ang hirap mong kausapin kainis ka. maganda ka, sexy ka, malalaki pa ang dodo mo, sinong hindi maakit sayo? Sa liit ng mukha mo na para kang si Barbie Imperial subukan mo.”
“Ganito pahiramin kita ng damit ko. Para lalong lumitaw ang mala diyos mong ganda, anu deal?” Dagdag pa niya na parang inuuto.
“Okay, ikaw bahala ha!”
“Oo nga isa pa!” May konting inis niya.
“Ang hirap ng sitwasyon ko, bakit siya pa bff?” tanong ko kay Loren.
“Bakit ba kasi, Uryhia Delosreyes, siya lang ang alam kong makakatulong sayo!, Bahala ka sa buhay mo! isa pa buhay ng iyong ina ang nakasalalay dito Uryhia. Ang arte mo, at tsaka teka nga, ako ang dapat mahiya dito hindi ikaw!
Paano kong makilala niya ako at malaman niyang isa ako sa mga tauhan niya sa Company nila?” Masungit na hanas niya sa akin.
“Ang gusto ng gagong iyo Virginia ka teng at inosenteng babae wala pang humalik sayo at hindi ka pa nakaranas magkajowa. Tatanggi pa siya, sipain ko talaga ang mga itlog niya!” ang wika ni Loren na kanina pa naiinis.
“Basta ikaw ang bahala sa lahat, basta mabigyan lang natin ng pera ang Doktora para ma operahan si Inay yon lang bff.” Nanlalambot kong pahayag.
“Gagawa na ako ng Biodata mo.”
Name: Uryhia Delos Reyes.
Edad: 23 years old
Status: Single(NBSB)
“Yan tapos ko nang gawin! kaya manahimik ka dyan Uryhia, baka masira pa ang diskarte natin. Para sa Inay mo ito kaya fight lang bff!” Masigla niyang saad.
Samantala, Narito ako ngayon sa bahay ng bff kong si Loren, dahil araw ng sabado ngayon ay wala akong pasok bilang isang cashier sa Canteen ng School.
“Bakit siya pa?” Ang tanong ko sa aking isip.
Paanong hindi ko makikilala, Eh siya lang lagi ang laman ng balita sa tv, radio, magazine, Twitter, kahit anong social media platforms. Isang Aroganteng tao sa larangan ng Business world. may balita pang masama ang kanyang ugali dahil sa ginawa at panloloko ng kanyang kasintahan na si Rissa Mondragon. isang modelo ng mga bikini sexy na mga damit at pati na mga lingerie.
May mga bali- balita na naabutan daw niya ang kanyang girlfriend na may kasiping na ibang lalaki. Doon nagsimula ang pangit niyang pagtingin sa mga babae, maliban lang sa kanyang Ina.
“Bahala na, basta gumaling lang si Inay gagawin ko ang lahat para sa kanya.”
“Lord gabayan ninyo po ako sa plano kong ito, para sa Inay ko ang gagawin ko.” Dalangin ko habang hinihintay ang reply ng isang Sham Houston Nashville, pangalan palang halatang bigating tao na.
“Anu kaya ang hitsura niya sa personal? alam ko naman na gwapo siya at hot pero iba parin kapag personal na makita.” pabulong-bulong ko pa.
“Ahhhhhh,” ang sigaw ni Loren, dahil nag reply daw. ‘Yon ang hinihintay namin.
“ Anu reply?”
“Payag siya bff, kailangan daw may medical kang ipasa para daw sure na malinis ka.”
“A-ano! grabe siya ‘kala mo kung sino siyang hari maka pag- utos!” Reklamo ko sa aking kaibigan.
“Bff, okay lang yan naniniguro lang siguro ang tao diba. At isa pa ikaw ang may kailangan sa kanya aber kaya gawin na natin, kaya tara na! Ganito, ako na muna ang magbayad, bayaran mo na lang ako kapag may pera kana.” Wika niya.
Haist wala naman ako magagawa, pumunta kami sa Clinic na malapit dito sa bahay ng aking kaibigan, gumastos pa tuloy kami ng 1,500. Pagtapos umuwi kami dahil isesend niya daw ang results ng medical ko.
Pagkatapos ay umuwi na ako, dumaan muna ako sa palengke para bumili ng uulamin namin ni Inay. pagdating sa bahay niluto ko na para mahatid ko agad kay Inay habang maaga pa at para madalaw ko siya. Pagkatapos kong magluto, naligo na ako. inaayos ko na ang dadalhin ko at dumeretso na agad ako sa hospital sa Salcedo Hospital.
Sakto naabutan ko ang Doctor.
“hello po Doc, kamusta po ang lagay ng Inay ko?”
“Iha, kailangan maoperahan sa madaling panahon ang iyong Inay. Kapag tumagal siya baka mawalan tayo ng pag asa na madagdagan ang kanyang buhay.” Wika ng Doktor.
“Gumagawa po ako ng paraan, baka bukas makabigay ako ng bayad para sa operasyon ni Inay.”
“Sige iha hintayin kita bukas.” Wika niya.
Nilapitan ko si Inay.
“kaunting tiis na lang po, makakaraos din po tayo kahit ibenta ko po ang aking pagkatao para lang madugtungan ang inyong buhay Inay.” Malungkot kong saad habang hawak hawak ko ang kanyang kamay.
Kumain na ako habang tulog pa ang aking Inay, pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na agad ang aking pinagkainan. Saka umupo sa tabi ng aking ina at hinawakan ko ulit ang kanyang kamay habang kinakausap.
Nang bigla tumunog ang aking cellphone, tiningnan ko kung sino ang nag padala ng mensahe, walang iba kundi ang aking bff na si Loren.
“Bff may half milyon sa account mo na sinend ng aking among pogi. bukas na kayo magkikita ni boss Sham, kaya kausapin mo ang Doctor, para ma operahan na ang iyong Inay.”
Nang mabasa ko ang chat ni Loren, tumakbo agad ako sa silid ni Doctor Franklin.
“Hello po Doctor,” ang aking sabi habang hinahabol ko ang aking paghinga.
“O anu nangyari sa’yo iha?, relax.”
“Magbabayad na po ako, pwede na ninyo pong operahan ang Inay ko.” Nakangiting sabi ko habang habol ko pa din ang aking paghinga.
“Sige, magbayad kana sa cashier iha para ma process at maischedule na ang operation ng Inay mo.” Sabi niya.
“Salamat po.”
lumabas na ako para magbayad sa cashier, salamat naman hindi na nag inarte ‘yong lalakeng mukha mayabang.
Sakto lang ang pera para sa pag umpisa sa pagpapa opera sa Inay ko. Pero ayos lang. Pa unang bayad palang naman, sisingilin ko siya sa kabuuan ng bayad sa paggamit niya sa akin.
“kala niya libre lang? manigas siya, ang swerte niya nga sa akin dahil NBSB ako. Siya nga may experience na, paano ako? Kaya dapat lang sisingilin ko siya. Marami naman siyang pera.” ang nasa isip ko.
Maalala ko si Loren, saka ako nagreply tinanong ko kung ano ginawa niya para pumayag ang lalaking walang pakiramdam sa lahat.
“Buti buhay pa siya”
“grabe ka naman, aba dahil sa kanya nagkaroon ng buhay ang iyong Inay.” wika ng kanya kabilang konsensya.