Story By Kadawat Queen
author-avatar

Kadawat Queen

ABOUTquote
Hello bago pala ako s larangan ng pagsusulat sana magustuhan ninyo ang aking gagawin novela.
bc
Asawa ng kambal ko
Updated at Jun 1, 2026, 03:06
Rhazalyn Fuentebella, isang masayahing dalaga at palaban sa buhay, ay kabaligtaran ng kanyang kambal na si Zharalyn na sakitin, kaya naman lahat ng atensyon ng kanilang mga magulang ay ibinuhos dito Hindi siya naghanap ng pansin mula sa kanyang mga magulang; bagkus, ang kanyang kambal ang nagparamdam sa kanya ng pagmamahal na hinahangad niya. Ito ang naging kaagapay niya sa pagsuporta sa kanyang mga pangarap. Hanggang sa ipinakasal ang kanyang kambal sa isang lalaking hindi niya kilala. Habang tumatagal ang pagsasama ng dalawa, doon nalaman na may taning na pala ang buhay ni Zharalyn. Isang araw, habang nasa ospital, hiniling ni Zharalyn sa kanyang asawa na pakasalan ang kakambal niya sa loob ng ospital. Dahil sa kanyang malubhang kalagayan, pumayag ang lahat. Ngunit binawi ng langit ang buhay ng kanyang kambal. Si Rhazalyn ang sinisi ng lahat—maging ng asawa nito. May pag-asa pa bang maramdaman ni Rhazalyn ang pagmamahal na nais niya mula sa kanyang pamilya at sa lalaking itinuturing niyang asawa Paano niya ipagmamalaki sa lahat ang isang tao na hindi naman siya itinuturing na asawa? Ang asawang kanyang pinanghahawakan ay ang lalaking nagmamahal sa kanyang yumaong kambal. May halaga pa ba ang pag-ibig na sumisibol kung ipinamumukha sa iyo araw-araw na ang tunay niyang mahal ay ang iyong kapatid Hanggang kailan ka magdudusa sa kasalanang hindi mo naman ginawa? Hanggang kailan mo panghahawakan ang papel na nagbubuklod sa inyo bilang mag-asawa? May kaligayahan pa bang naghihintay sa isang tulad niyang uhaw sa pagmamahal?
like
bc
FINDING LIGHT IN THE DARKNESS
Updated at Oct 2, 2025, 08:06
Sa makulay at masalimuot na mundo ng mga imbestigador, si Savvy Svyatoslav ay isang AGENT na kilala hindi lamang sa kanyang bansa kundi sa buong mundo. Sa kanyang matalas na isip at dedikasyon, nakamit niya ang tagumpay laban sa malalaking sindikato ng droga at terorismo. Ngunit sa likod ng kanyang tagumpay, may mga pasaning tahimik na bumabalot sa kanyang puso—ang pag-alis ng kanyang pamilya at ang pagiging estranghero sa sariling tahanan.Sa isang misyon sa Davao, nakilala niya si Maegelle, isang masiglang aktibista na may pusong puno ng pangarap. Sa paglipas ng panahon, ang kanilang koneksyon ay nagbigay liwanag sa madilim na mundo ni Savvy. Ngunit habang lumalapit ang panganib mula sa isang malupit na sindikato, nahaharap siya sa isang mahigpit na desisyon: ang kanyang katapatan sa tungkulin o ang pag-ibig kay Maegelle. Sa gitna ng mga pagsubok, matutuklasan ni Savvy ang tunay na kahulugan ng pamilya, pag-ibig, at sakripisyo.
like
bc
FUKIKO (SSPG)
Updated at Jun 2, 2026, 07:00
FUKIKO MORIMOTO22 anyos. Takas. Anak ng Yakuza boss na iyong pinatay.Ang buhay ko ngayon? Isang mang-aaliw sa KTV. Limang libo bawat oras—pero hindi ko kailanman tinanggap ang mga pribadong paglilingkod.May bala pa akong nakabaon sa aking tagiliran… regalo mula sa iyong mga tauhan limang taon na ang nakararaan. HOSHI "RYUU" NAKAMURA38 anyos. Ang respetadong CEO sa liwanag ng araw, at ang kinatatakutang pinuno ng Yakuza sa dilim ng gabi.Ikaw ang pumatay sa aking ama. Ikaw ang dahilan kung bakit napilitan akong ibaba ang sarili ko sa alikabok.Ikaw din ang lalaking… tumutok ng baril sa aking sentido sa loob ng silid na iyon. Sabi mo: “Morimoto ka. Dapat matagal ka nang wala sa mundo.” Sagot ko, habang diretso ang tingin sa iyong mga mata: “Alam ko po, Boss. Pero bago mo ako wakasan… pahintulutan mo munang maging akin ka.” Hindi mo ako binaril.Pero gabi-gabi… walang sawang mo akong inaangkin nang buong-buo. Kaaway mo ako sa labas.Pero sa loob ng iyong kama? Ako ang pangalang tinatawag mo sa bawat alab ng damdamin.Ako ang dahilan ng bawat bulong na lumalabas sa iyong bibig habang ibinibigay mo ang lahat sa akin. Akala mo tinatamasa ko ang bawat sandali.Hindi mo alam…Sa bawat tinig na aking ibinibigay, bawat haplos na akong sinasagot… isang pulgada na lang ang layo ng aking patalim sa iyong puso.
like
bc
BULAKLAK
Updated at Jun 1, 2026, 23:26
Si Bulaklak Zarmento ay isang babaeng matatag at palaban sa anumang hamon ng tadhana. Hinubog siya ng matinding kahirapan at hirap mula pa sa pagkabata. Bata pa lamang ay sanay na siyang maglakad sa mga kalsada at sa ilalim ng mga tulay upang maghanap ng mga basurang maipagbibili—ang tanging paraan upang matugunan ang kumakalam niyang sikmura. Sa kabila ng kawalan at simpleng pamumuhay, pinagpala siya ng Diyos ng pambihirang kagandahan at kainosentihang nakabibighani. Ang tanging hangarin ni Bulaklak ay makaahon sa hirap at baguhin ang takbo ng kanyang buhay. Subalit hindi niya inaasahang ang mismong pangarap na iyon ang magiging dahilan upang tuluyang masira at magbago ang kanyang kapalaran. Lahat ay nagbago nang magtagpo ang kanilang landas ni Victor Genesis. Isang lalaking sagana sa lahat ng bagay—mayaman, makapangyarihan, at taglay ang kagwapuhan at kagisigang tila hinulma ng isang mahusay na pintor. Ngunit sa likod ng kanyang perpekto at nakakaakit na anyo ay isang pusong malamig at puno ng poot. Dahil sa madilim at masakit na nakaraan sa pag-ibig, wala nang halaga ang mga tao para kay Victor; para sa kanya, sila ay mga laruan lamang na kanyang gagamitin at wawasakin ayon sa kanyang kagustuhan. Ngunit nagbago ang ihip ng hangin nang makita ni Victor si Bulaklak sa ilalim ng isang tulay. Ang simpleng babae mula sa lansangan ay biglang nagpaalala sa kanya ng masakit na nakaraan na matagal na niyang tinatago. Sa halip na palayain o tulungan, ibinuhos ni Victor ang lahat ng kanyang galit at sakit kay Bulaklak. Gumawa siya ng isang masalimuot at malupit na plano: magpapanggap siyang lumpo at kawawa upang makuha ang awa at tiwala ng dalaga. Sa pamamagitan ng maling pagpapakita ng kabutihan, unti-unti niyang dinukot at winasak ang kainosentihan, dangal, at pagkatao ni Bulaklak. Kinuha niya ang lahat—mula sa mga pangarap hanggang sa kalayaan ng babae. Akala ni Bulaklak ay nakatagpo na siya ng tunay na kaibigan at kakampi, ngunit isa lamang pala itong huwad na anyo ng halimaw. Paano niya matatakasan ang mga kamay ng lalaking umagaw sa lahat ng mayroon siya? Ligtas pa ba si Bulaklak sa tabi ni Victor Genesis? Hanggang saan hahantong ang mapait at mapanganib na pagsasama ng dalawang taong magkaiba ang mundo ngunit pinagtagpo ng isang mapaglarong tadhana?
like
bc
Hinagpis Ng Isang Api (SSPG)
Updated at May 8, 2026, 14:08
Uryhia Delos Reyes, namumuhay ng payak  kasama ang kanyang ina, sinubok ng panahon ang kanyang  katatagan at paninindigan sa buhay.Nagkaroon siya ng malaki  problema para sa kanyang  ina. Kailangan  niyang  ang malaki halaga para dagdagan ang buhay ng kanyang ina, pero saan siya kumuha ng ganun kalaki? Wala siyang  alam malapitan.Lumapit siya sa kanyang kaibigan, pero ang kapalit  ay pakikipagtalik sa lalaki walang puso.Sham Houston Nashville, Isang aroganteng   walang  puso, ang tumulong sa kanya para isalba ang kanyang Ina’y kapalit ang kanyang dangal.Nagsama sila pero hirap at sakit ang dinanas niya...Lumayo siya at nagtago.. Paano kung mag tagpo  muli ang landas   nila ni Sham, may pangalawang pagkakataon masasabi ba niya na kay Sham, ang lahat na pasakit na binigay niya sa buhay ko. O matagpuan nila ang tunay na pag ibig
like
bc
MY DESIRE IN THE REAL HEIR
Updated at Apr 27, 2026, 15:04
Hindi nila anak ang bata na inalagaan nila simula nang siya ay sanggol. Sino siya at paano kami naging mga magulang niya? Masasabi ba nila sa anak na tinuring nila na prinsesa sa pamilya nila na ang tunay nilang anak ay ang napulot nila sa daan? Masasabi ba nila sa mga bata ang katotohanan? Paano kung malaman ng dalawa ang katotohanan kung sino ang tunay na tagapagmana? Paano kung malaman ng mga magulang nila ang kanilang bawal na pagnanasa sa isa't isa? Mangingibabaw ba ang pagmamahal ng magulang sa anak, o magiging hudyat ito ng pagwasak ng pamilya?
like
bc
HAGOD (SSPG)
Updated at Feb 16, 2025, 21:03
Kuya, saan na tayo pupunta? Naliligaw na tayo," ani Sean Andrei, hawak-hawak ang kamay ng kakambal niyang si Shayne Alaric habang naglalakad sa kalsada."Hanapin natin si Mommy. Huwag kang matakot," sagot ni Shayne, pilit na pinapakalma ang sarili.Habang naglalakad, napansin ni Adre Montefalco ang dalawang bata. Biglang bumagal ang tibok ng kanyang puso nang makita ang pamilyar na anyo ng mga bata—parang nakikita niya ang kanyang sarili noong bata pa siya."Mga bata, okay lang ba kayo? Nasaan ang Mommy ninyo?" tanong ni Adre, lumuhod sa harapan nila."Mommy? Nawala po kami..." mahinang sagot ni Sean, nagpipigil ng iyak."Kuya, sino po kayo?" tanong ni Shayne, nakakunot ang noo.Ngumiti si Adre, pilit na kumakalma. "Ako si Adre. Baka matulungan ko kayong makauwi. Pero... bakit parang kamukha ko kayo?"Nagkatinginan ang kambal. "Ikaw din po ang kamukha namin," sabay sagot ng dalawa.
like
bc
My Hot Benefactor
Updated at Jan 8, 2025, 10:02
Rachell ken Miller isang ulilang lubos, puno ng pag asa buhay, kabilang pag iisa, sinisikap  niyang maka pag tapos pag aaral. kasabay  ng kanyang pagtatapos ng pag suporta  ng kanyang benefactor.Kapalit ng kanyang katawan, sa  lahat  suporta binigay ng kanyang benefactor.Paano kung malaman niya ang kanyang “ My hot benefactor”,ay isang  mayaman na tao sa pilipinas, kaya lang  nagtatago   maging isang mekaniko, at may ari ng isang vulcanized shop kung saan malapit lugar. Lewis Matthew Tria,anu gagawin para ipaunawa  Rachell ken kung bakit kailangan niya itago ang kanyang pagkatao, malalaman pa ba  Rachell ken,  siya ang dalagita bumuhay sa pagkalalaki  nakalipas ng limang taon. Huli na ba para malaman?, paano kung muli sila pinagtagpo  hindi bilang isang estudyante kundi bilang isang newscaster ng pilipinas.
like
bc
Ungol ng Heredera (SSPG)
Updated at Dec 14, 2024, 05:54
Si Diyosa Maligaya, isang magandang heredera mula sa Batangas, ay nahulog ang loob sa kanilang gwapong hardinero na si Ris Manalo. Sa likod ng mga ngiti, may lihim silang pag-iibigan na pinagtibay ng kanilang mga pagnanasang itinago sa mundo. Ngunit nang matuklasan ito ng mga magulang ni Diyosa, ginawa nila ang lahat upang mapigilan ang kanilang pag-iibigan—pinalayas si Ris at pilit na ipinakasal si Diyosa sa ibang lalaki.Sa kabila ng pagkakahiwalay, hindi matitinag ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Nagbunga ang kanilang pag-iibigan, at sa pagsilang ng kanilang kambal, bumangon ang kanilang pag-asa. Sa isang mapait ngunit makapangyarihang balikan ng tadhana, si Ris at Diyosa ay nagtagpo muli upang buuin ang pamilyang minsang ipinagkait sa kanila. Ngunit sapat ba ang kanilang pagmamahal para magtagumpay laban sa mga naghihintay na pagsubok?
like