PAGKIKITA

1653 Words
Sa isang exclusive na hotel pagmamay ari ni Sham, nakaupo si Uryhia habang may takip ang kanyang mga mata. ‘Yon daw ang gusto ni Sham ang sabi sa bff niya. “Kainis buti na lang pina upo pa ako ng kurimaw na yon, hindi ko man lang nasilayan ang paligid kung nasaan ako tapos ang lamig lamig pa dito. ang pinasuot pa sa akin ng bff ko Jusko, kita na ang cleavage ko dahil pinag pala nga ako sa dibdib. isa pa sa igsi ng pinasuot sa akin hanggang itaas ng tuhod ko lang ang haba ng fitted skirt ko haist alam niya naman na hindi ako sanay sa mga ganito eh.” Reklamo niyang bulong. “Pero ang sabi ni bff na ito daw ang dapat kong suotin. Kahit ayaw ko, wala na akong magagawa, buti na lang bumagay sa akin at nilagyan din niya ako ng hairband sa aking ulo na may parang laso Pakiramdam ko isa akong teenager.” Sa isip niya. Biglang bumukas ang pintuan, sabay ng kaba na nararamdaman nito sa kanyang dibdib na kanina hindi man lang niya naramdaman Hindi siya umimik, naghihintay lang si Uryhia ng sabihin nito. Pag bukas ng pintuan ni Sham ng kanyang unit ay nakita niya agad si Uryhia na naka upo sa isa sa paborito niyang upuan na sa tingin nito ay bagay na bagay sa kanya. Nang sipatin niya ang kabuuan ng dalaga ay mas lalong humanga ito sa taglay niyang karisma at alindog. Alam niyang naramdaman ng dalaga ang pagdating nito subalit pinili nalang ng dalaga na manahimik. Lumapit si Sham sa kanya. “Stand up Ms. Uryhia, pwede mong alisin ang piring sa mga mata mo.” Narinig ng dalaga ang malamig na boses ni Sham na tila ba ay galing sa malalim na balon. Nakaramdam sita ng takot na pilit niyang tinatago para hindi siya mapaghalataan. Dahan dahan niyang tinanggal ang piring sa kanyang mga mata at dahan dahan niyang inangat ang paningin ng dalaga. Nang makita ni Uryhia ang kabuuan ng binata sa personal ay mas nakaka ilang, ang kanyang mga mata ay mala abo ang kulay, nagsasabi kung gaano makapangyarihan ang kanyang personalidad. Ang tindig at maskuladong pangangatawan ay nagpadagdag kung gaano siya ka hot at kakisig. “Bakit pa nakuha ng Rissa na yun na magloko samantalang nasa kanya naman ang hahanapin mo sa isang lalake?” Bulong ng isipan ni Uryhia. Bigla sinalubong ng binata ang mga titig ni Uryhia, saka lamang ito bumalik sa kanyang katinuan at nakaramdam na lamang ito ng pangangatog ng kanyang mga tuhod. “Pwede kang umupo Ms. Delos Reyes, baka matumba ka.” Pigil ang ngiting sabi ni Sham sa dalagang kaharap. “A- ahhm.. O- opo kailangan ko nga” mautal utal na sagot ni Uryhia. “Shiti, nahalata ba niya ako?” Sermon ni Uryhia sa kanyang sarili. Pero umupo na din siya kung saan ito naka upo kanina. “Alam mo naman kung bakit ka narito, tama ba ako?” Si Sham ang nagsalita. “Y-yes Mr. Sham” ang aking mahina na wika. “Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa deal ninyo ng kaibigan mo. Sa ngayon ba ay ready ka na sa lahat ng pwede kong iutos sayo At ipagawa?” Naka ngising bulalas ni Sham na nagpa ngilabot sa dalaga. Hindi alam ni Uryhia kung ano ang isasagot sa kanya, kahit nakaupo ito ay ramdam niya ang kanyang kalamnan na nanginginig hindi dahil sa lamig ng air-conditioned kundi sa nerbiyos at takot kung ano ba ang mga magaganap at kahihinatnan ng kanilang gagawin. “Hmm kayo ang bahala Mr. Sham” nahihiyang sagot ng dalaga. Pagkag wika ni Uryhia ay yumuko ito dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nitong mala pusa. “Ang cute niya” wika ng isip ni Sham na napapangiti subalit hindi ito pinapahalata sa dalaga. Kaya lumapit si Sham na parang walang paki alam pero ang totoo ay kinakabahan din ito. sa kanya lang niya ito naramdaman at tila pabilis na ng pabilis ang t***k ng kanyang puso. Lumapit pa ito sa kanyang harapan na halos magsing dikit na ang kanilang mga katawan. Bigla tumingala si Uryhia kaya nagsalubong ang kanilang mga mata. kita ng binata ang paglaki ng mga mata ni Uryhia na bilog na bilog. Kaya mas nilapit pa ni Sham ang mukha nito sa dalaga. inches na lang ang pagitan nila sa isa't isa nang napatingin ito sa labi bi Uryhia na mamula mula subalit wala naman itong suot na kolorete sa mukha. Naalala ni Sham na sinabi ng kanyang kaibigan na wala pang karanasan sa ganito si Uryhia kaya hinawakan niya ang baba nito at banayad niyang tinalunton ang kanyang labi na kanina pa niya gustong matikman. Hinalikan niya ito ng dahan dahan. ramdam niya na hindi tumutugon sa halik nito si Uryhia at tila parang naestatwa na ito at nanigas sa kanyang kinatatayuan. Alam niyang hindi alam ni Uryhia kung paano humalik, kaya kinagat ko ang kanyang labi dahilan upang bumuka ito at bigla kong pinasok ang aking dila at naglumikot sa loob ng kanyang bibig na parang may hinahanap ang aking dila sa pag galugad nito. Dinig ni Sham ang kanyang mahina ungol at napapikit ito dahilan upang bahagya itong ma out of balance kaya naman napakapit pa ito sa mga balikat ng binata. Nagulat na lang si Uryhia sa tikas ng boses ni Sham nang magsalita ito. “Sit down Uryhia, may sasabihin ako sayo.” utos ni Sham na biglang nagseryoso. Seryosong tumingin ito sa kanya. Alam nitong nahihiya si Uryhia dito. Nababasa naman ng binata kung anong nilalaman ng kanyang isipan, normal ‘yon sa kanya bilang isang businessman, dapat marunong kang bumasa ng mga taong nakakasalamuha mo. Nakatingin lang si Sham habang sinisipat nito ang dalaga sa habang ito ay papaupo at yumuko ulit, “Ang cute niya” bulong ng isip ni sham na siyang lalong ikinagalak ng kanyang puso. “Alam kong hindi pa nagigising ang iyong Inay, I'm sorry to know, but not for sorry. Inalam ko ang sitwasyon ng iyong Inay ng walang paalam saiyo.” “May offer ako,” wika ni Sham na papaupo na din sa isang upuan na hinarap nito kay Uryhia. Siya namang napatingin si Uryhia sa binata dahil hindi nito inaasahan ang panibagong kasunduan nila. “Bukas mo malalaman sa aking abogado, siya na din ang magsasabi sayo ng kasunduan natin at ng mga patakaran ko. “Huwag mong susubukang magtago, madali lang sa akin na hanapin ka Ms. Delos Reyes kung iniisip mong takasan ako.” Saad ni Sham sa dalaga dahilan ng biglang paglakas ng t***k ng puso nito dahil sa takot sa kung ano mang kasunduan ang balak nitong ipagawa sa kanya.” Nagulat man ang dalaga sa sinabi ni Sham sa kanya subalit wala namang salita o bakas ng pagtutol ang mahahagilap sa mukha ni Uryhia para magkaroon sila ng di pagkakaunawaan. “Ba-bakit naman ako ma-magtatago? Garalgal na sagot ni Uryhia kahit na ang mga labi nito ay nanginginig sa pagsagot sa kanya at maluha luha nitong mga mata. “Alam ko namang madali lang sayo ang lahat diba? Huwag mo ng ipamukha sa akin kung gaano kababa ang antas ng pamumuhay ko kumpara saiyo Mr.Nashville.” “Kung sabagay ay ganoon na nga talaga kababa ang tingin mo sa akin dahil nakuha kong ibenta ang aking katawan sa taong hindi ko naman kilala at kaano ano.” nasambit din ng diretso ni Uryhia ang mga salitang gusto niyang sabihin ng may tapang. “Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin Uryhia,” sabay ngising saad ni Sham. Tumayo na si Sham at lumapit sa kanya para halikan ito. Nang hinalikan nito ng biglaan ang labi ng dalaga ay natulala nalang ito sa ginawa ng binata sa kanya at nagtungo pa ang labi nito sa kanyang tainga atsaka bumulong ito. “Hawak mo ngayon ang susi ng unit ko Uryhia, Dapat alam mo kung anong ibig kong sabihin.” May oag ngisi nanaman ni Sham. “Don't hiding baby, Iba ako magalit. anyway ang sarap ng labi mo, gusto ko pa sanang papakin pero may mahalaga akong gagawin, sa susunod na araw na lang.” Lalong lumawak ang ngisi ni Sham sabay layo ng mukha nito sa dalaga. “Paano, mauna na ako, ikaw nang bahala dito. Pwede ka din dito matulog kung gusto mo, para dito ka na lang puntahan ng abogado ko." Saad pa nito. Hindi na sumagot si Uryhia dahil sa pagkagulat nito at dala din ng takot sa mga kayang gawin ng isang Sham Nashville sa kanya. Nang narinig ng dalaga ang tunog ng pintuan Saka lang ito nakahinga ng maluwag. Saka lang nito napansin na kanina pa pala niya pinipigilan ang kanyang paghinga. “Grabe nakakatakot ang personality niya sa personal.” mahinang sambit ni Uryhia. “Pero infairness ang sarap niyang humalik, ganun pala kapag hinahalikan. Bakit hindi ko naranasa noon nagaaral ako, grabe kinuha niya na nga ang first kiss ko ng ganun ganun na lang. Oh my virgin lips. Hindi niya man lang pinatagal ng 20 minutes pinagkait niya pa sa akin.” Nangingiting usal ni Uryhia habang ang kanyang kamay ay nakahawak na sa kanyang mamula mulang labi. Pero ang totoo tinatago nito ang kaba sa kanyang dibdib. Bagamat may nararamdaman din siyang takot at kaba ay kailangan parin niyang lakasanang kanyang loobpara sa kanyang Inay. nag resign nadin kasi siya sa kanyang trabaho bilang cashier sa canteen upang hindi ito maging sagabal sa tuwing tatawagan siya ni Sham para wala naman itong masabi sa kanya at maibalik niya ng tapat ang itinulong ng pera nito sa kanyang nagiisang mahal sa buhay. Mabuti at ibinigay ng amo nito ang backpay niya sa pagtrabaho nito sakanya, ‘yon ang iniwan nito sa nurse na nagaalaga ngayon sa kanyang ina para sa mga iba pa nitong mga kailangan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD