Nagising ako umaga na pala napahaba ang aking tulog. Chineck ko ang aking phone, may message galing kay kurimaw, may pinadala daw siyang damit ko. tingnan ko na lang daw kung fit sa akin.
Wow, ang bait ha ika ng aking isipan.
Hinanap ko ang sinasabi ng kurimaw. Nakita ko sa may lamesa na may paper bag. Ganda ha mukha mamahalin, pati ang taste niya sa damit maganda.
“Omg! paano niya nahulaan ang size ng panty ko? Kainis naman at pati t-back na panty!” bulalas ko.
ito ang gustong gusto kong suotin lagi dahil presko at dito aq komportable. Kumuha na ako ng isang damit para makaligo na ako.
“Salamat naman may pamamalit na ako.” masayang sambit ko.
Pagkatapos kong maligo syempre kusina ang sunod. Ang sarap maligo dahil mamahalin din ang mga gamit sa banyo at ang babango lahat ng mga nandoon.
Naghanap na ako ng makakain pero nagulat ako dahil may coffee na sa table at pagkain. literal na pagkain sa umaga.
“Sino kaya ang nagdala nito?” takang tanong ko sa sarili.
kumain na ako, inuna ko muna ang masarap na sausages dahil natatakam ako dito at kasing laki ng ampalaya na gulay. Ang sarap. kaya binilisan kong kumain dahil darating daw ang abogado ni kurimaw.
Matapos akong kumain ay nilinis ko ang pinagkainan ko. Pagkatapos ay sa sala na ako tumambay.
Makalipas ang isang oras, wala pa naman ang sinasabi niyang abogado kaya sa balcony na ako nagtambay. ang ganda talaga dito ng view, kinuha ko ang aking phone para mag selpie para naman may remembrance ako sa condo niya.
Nag-pose ako kahit anong style ang ginawa ko habang click ako ng click sa aking cellphone.
Sa kabilang banda naman.
Pagkagising ni Sham ay phone niya agad ang hinanap niya, binuksan nito ang connection sa Cctv camera ng kanyang condo. Natatawa siya sa kilos ni Uryhia dahil walang ginawa ito kundi mag selpie. napansin nito ang suot suot niyang damit na bagay na bagay sa kanya na siya pa mismo ang pumili ng mga ito pati na ang sizes na kanyang pinili ay tamang tama sa dalaga.
Nakita pa nito na parang chine-check niya ang binili nitong undies para sa kanya.
Naka ayos na ang breakfast niya habang busy ito sa kanyang kwarto, alam ng mga tauhan nito kung paano kumilos ng walang ingay na kahit ano pa man ang ilagay nila ay hindi ito mapapansin ni Uryhia. naging maayos ang paglalagay nila ng breakfast niya at lumabas na ang mga tauhan nito ng wala ni kaluskos na maririnig.
Nabasa nito ang mensahe ng kanyang abogado na papunta na siya sa kanyang condo. Nagreply muna ito bago bumangon. Baka magtaka ang mga kasama nito sa bahay na tanghali na at hindi pa ito bumababa.
Kaya dali dali itong nagtungo sa banyo habang naglalakad ito patungo sa banyo, hinuhubad na nito ang lahat ng kanyang saplot, ganito kasi ito kapag maliligo na at pagkatapos nalang nito na maligo ay doon nalang niya pupulutin ang mga saplot nito na hinubad.
*****
Natapos na ako sa aking pag selfie ay wala pa rin ang sinasabi ni kurimaw.
“ang tagal naman”
kaya bumalik na lang ako sa loob, nanood na lang ako ng TV. Sarap siguro ng ganito lang ang buhay, wala kang iisipin na saan ka kukuha ng panggastos mo sa araw araw.
Minsan na tanong ko sarili ko bakit kami mahirap. bakit sila ipinanganak na mayaman tulad ni kurimaw?. yumuko na lang ako para yakapin ko ang dalawang kong tuhod.
Sana ay hindi namin nararanasan ng Inay ko ang ganito kahirap na sitwasyon na kung hindi kami kikilos ay wala kaming makakain at kung may karamdaman ka naman ay hindi ka makapagpa check up dahil sa mahal na nga ang check up ay mahal pa ang mga gamot, isabay mo pa ang pamasahe na napaka mahal at maghapon na pipila sa hospital.
Naramdaman ko na lang ang mga luha ko na bumagsak sa akin mga tuhod kaya tumayo ako at nagtungo muna sa kusina para uminom ng tubig baka biglang dumating ang sinasabi nitong abogado at makita pa akong umiiyak.
Bumalik ako sala dala ang baso na may tubig. Nag focus na lang ako sa aking pinapanood. grabe may bed scene pala ang 365 days na story. buti na lang at may translation sa tagalog at hindi na ako mahirapan pa na unawain.
“Ang pogi naman ng bida parang si kurimaw! atsaka ang bidang babae ang sexy at maganda” sabi ng isip ko.
Biglang lumaki ang aking mata dahil ang scene na naliligo silang dalawa na parehong mga walang saplot.
“Wow ang hot naman, parang kay sarap panoorin ito.”
Biglang tumunog ang doorbell kaya sa gulat ko ay naisigaw ko,
“Ay laki ng kabayo ni kurimaw!”
Dali dali akong pumunta sa may pintuan at para tingnan kung sino ang nag doorbell.
“Ito ba ang abogado niyang sinasabi sa akin? kainis naman wala man lang chat kong ito o ano” maktol ko kaya nagtanong na lang ako para makasigurado na rin.
“Sino po sila?” Ang aking tanong.
“Good morning po, ako ang abogado ni Mr. Nashville na ipinadala dito.”
“Ah okay, pasok po kayo. kanina pa po ako naghihintay sa inyo.”
Nang nakaupo na kami ay hindi na ako nagpa ligoy- ligoy pa.
“Ano po ang kagustuhan ni Mr. Sham? para po matapos na ito kung anu man ito attorney.”
“Yeah, okay. maraming
“Yeah, okay. maraming sinabi sa akin ang kliyente ko about sa gusto niyang mangyari sa inyong napagkasunduan. Lahat ng mga ito ay nakasaad lahat sa ginawa kong kasulatan na inyong parehas na pipirmahan. sa ngayon pwede mo bang pirmahan muna ang papel na ito?” saad ni Attorney.
Tinanggap ko ang papel subalit nagulat ako nang wala namang nakasulat at binaliktad ko pa pero wala talaga akong makita.
Tumingin ako kay Attorney ng may pagtataka at agad naman itong nagsalita.
“Sa baba ka mag pirma, sa may bandang kanan Ms. Delos Reyes, wala kang makikita dyan dahil rush akong sinabihan ni Mr. Nashville kaya once na pumirma ka na ay saka mo nalang makikita ang mga rules at gusto niya.” Ang mahinahon na pagpapaliwanag ng Attorney ng kurimaw na ‘yon.
Kung sabagay ay totoo naman na nambibigla siya lalo na kapag may naisip ito ay on the spot ay kailangan ay gawin mo na agad ito.
Gayun pa man ay nag pirma pa rin ako, kahit na milyon ang katanungan sa aking isipan na meron palang ganun na papel lang at wala ni kahit na ano ang nakalagay ay pwedeng pirmahan. Di bale ay ayos lamg sakin kahit na anong mga gusto niya sa aming kasunduan. Ang mahalaga ay matulungan pa rin niya si inay ay gagawin ko kahit alilain pa niya ako ng matagal basta wag lang niyang kitilin ang buhay ko ay ayus lang kung anong gusto niya kahit gawin pa akong katulong.
Pagkatapos kong pumirma ay ibinigay ako sa abogado ng kurimaw na yon ang papel.
“Ito ba ang totoong pirma mo Ms. Delos Reyes? mahirap na baka fake lang ito kaya pumayag kang pumirma kahit na walang naka sulat? At ang iyong buong pangalan ay totoo ba ito? alam kasi ng writer ng kwento mo, balita ko gumagamit ka ng fake na pangalan sa mga social media.” Sabay tingin sa akin ng malalim.
Iba din ‘tong Attorney na ‘to. May trust issue. Kung may dapat na magduda dito ay dapat ako yun dahil pinapapirma niya ako ng blangko na papel.
Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili ko.
“Totoo yan Attorney kahit po icheck niyo sa lugar namin!” pabalibag kong sagot.
Wala naman akong paki alam kung gumamit ang writer ng ibang name, wala naman siyang maitutulong sa akin.
“Pati ang name ko po is Uryhia L. Delos Reyes, Yan naman po ang nilagay ko ah! Grabe mapanakit kayo attorney ah wala bang filter yang bibig niyo?” Hindi ko mapigilan sumagot sa kanya dahil hindi ako yung tipo ng tao na magpapa api.
“Kung ganun salamat, pasensya ka na, maganda ng sigurado tayo sa lahat, dahil ayaw ko naman mawalan ng good client. sana naunawaan mo ako dahil trabaho lang ito walang personalan. depende iyan sa’yo kung magalit ka sa akin. don't take it seriously Ms. Delos Reyes.” Nakangiting saad ni Attorney.
“Paano mauna na ako hintayin mo na lang ang copy ng rules ninyong dalawa, anyway hindi ka pa pwedeng umalis dito sa condo ng client ko kasama yan sa pinirmahan mo.” dagdag pa niya.
“Mag amo nga kayo dahil pareho ang ugali niyo,” saad ko sa aking isipan.
“Grabe wala daw personalan pero personal naman ang mga sinabi niya, tanungin ba naman ako kung totoo ang pirma ko at name, jusko naman ano ang tingin nila sa akin, lukuhin ko pa sila dahil sa pangalan lang?” himutok kong katak dahil sa inis ko.
Nagchat na lang ako sa nurse para tanungin kung gumising na ba ang aking Inay. Maganda na lang din na sumunod ako kaysa naman ma highblood ako sa mag amo na ‘yon.
Pagkatapos kong naka chat ang nurse ni Inay ay nag isip nanaman ako ng malalim. parang wala pa ring dahilan para maiwasan ang isang Sham, dahil kakailanganin ko pa siya para sa aking Inay kaya baka isang taon pa kaming magsasama nito.
Paano kaya kung mahulog ako sa kanya? tapos iiwanan niya lang ako dahil na kuha niya ang gusto sa akin?
“Ano ka ba Uryhia bakit napunta jan ang iniisip mo!” Pagalit ko sa sarili ko.
Bahala na, wag niya lang akong patayin ay bukal sa loob ko kahit na alilain pa niya ko sa bahay niya.
Tanghali na pala kaya nakaramdam ako ng gutom kaya pumasok ako sa kusina. buti na lang marunong akong gumamit ng microwave para initin ang pagkain na natira ko kanina. Marami pa ‘to at sayang kasi kung masisira at itatapon lang.
Buti pa sila laging bago ang pagkain sana all na lang talaga.
Wala man lang chat ang bff ko na ‘yon, baliw na ‘yon baka nakalimot na naman at baka busy dahil sa mga afam niya, ang hilig niya kasi makipag usap sa mga afam kaya ni hindi man lang nangumusta kung okay lang ba ako o humihinga pa ba ako.
Habang kumakain ako, naisip ko talaga ang blangkong papel na ‘yon, anong meron doon at bakit ganun ‘yon? Napapaisip talaga ako doon, baka mamaya iba ang nakalagay doon kaya ganun ‘yon. Nang biglang tumunog ang telepono sa condo ng kurimaw kaya sinagot ko ito dahil ako lang naman ang tao dito.
“Hello, sino po sila?” Tanong ko sa kabilang linya.
“Ako ito Ms. Delos Reyes nakatulog ka ba ng maayos sa condo? Nag usap na ba kayo ni attorney?” Magka sunod niyang tanong.
Hindi talaga nagsasayang ng oras ‘tong kurimaw na ‘to at pati sa pagtatanong ay minsanan na niyang tinatanong.
“Kurimaw este Mr. Sham! O- oo ka- kanina lang, kaka alis lang niya” nauutal kong sagot Pinilit kong sumagot kahit nabigla ako sa pagtawag niya at sa klase ng pag tanong niya. Nanginig tuloy ang boses ko dahil itong dibdib ko ay ang lakas ng t***k dahil bakit parang kinilig ako ng very light sa way ng pagtatanong nya. hindi ko alam kung t***k o kaba ba ito.
“Anong sabi mo? Tinawag mo ‘kong kurimaw? Medyo napa taas nitong boses sa akin.
“Hala mali ang pagka dinig mo! Mr. Nashville talaga ‘yon! Mr. Nashville bakit po pala blanko na papel ang pinirmahan ko?” Pag iiba ko nalang ng tanong para makalusot.
“Wala ka ng pakialam doon! hintayin mo kung kailan ko ibibigay ang copy mo!” masungit nitong sagot sabay baba nito ng kanyang telepono.
“Bastos ‘to binabaan ako ng telepono, bakit ba kasi siya nagalit? Nagtanong lang naman ako about sa blankong papel na eh.”