PAGKAHIGA ko, hindi pa rin mawala sa isip ko ang itsura ng kanyang rosas na parang kay sarap pitasin at amoy-amoyin. Buti na lang nakapagpigil pa ako kanina. Natakot ako sapagkat may parang nagising na emosyon na hindi ko mapigilan.
Hindi pwede sapagkat hindi pa ako ready; baka kagaya lang siya ni Rissa, gagamitin lang ako dahil isa akong kilalang tao. Pero hindi ko maitatanggi na napakaganda niya talaga, walang kulang, walang labis.
Namalayan ko na lang na binubuksan ko ang laptop ko para tingnan ang CCTV camera ng condo ko. Natawa ako bigla sapagkat wala siyang ginagawa kundi lagyan ng pagkain ang bibig niya. Matakaw, pero ang payat-payat niya. Kailangan ko magpadala ulit ng groceries para marami siyang makain.
Parang paborito niyang spot ang veranda ng condo ko. Isang oras siyang nagtambay, bumalik ulit sa kusina para kumain. Kakain niya lang, kakain ulit siya? Saan niya nilagay ang kinain niya kanina?
Pinangiti mo ako, Miss Uryhia. Anong meron sa'yo na hindi ko naramdaman sa ibang babae? Diyosa ka ba? Parang ganito ang reaksyon ko at ng aking katawan sa simpleng kilos mo; napapangiti mo ako.
Hindi dapat, dapat wala akong maramdaman sa'yo. Ikaw ang aking gagamitin para malaman ko ang sarili ko; hindi ako isang impotent. 'Yon ang magiging silbi mo sa akin at sa pagbili ko ng dangal mo.
Hindi ko maunawaan kung bakit pa kita binili, ang sobrang mahal. Pero sabi ng kaibigan mo, wala ka pang karanasan at NBSB. Totoo kaya? Parang kay hirap paniwalaan dahil sa henerasyon ngayon. Ano pa ba ang kailangan para maniwala ka sa sarili ko, ika nga ng konsensya ko?
Di pa ba sapat ang paghalik mo na hindi niya alam paano siya gumanti? Parang akong tanga na kinakausap ko ang sarili ko. Nang tingnan ko naman ang CCTV camera, wow, ang sarap niyang pagmasdan habang umiikot sa malaking salamin sa kwarto ko.
Bakit parang ang dali niyang makuha ang atensyon ko kahit wala siyang ginagawa? Simpleng kilos niya, nagre-react na agad ang aking katawan. Hindi naman ganito ang aking katawan sa ex-girlfriend ko. Kahit mahal ko siya, pero never naging ganito ang aking katawan.
Pinatay ko na ang laptop ko at tinawagan ko si Brooke para ipaalam sa kanya ang nais kong mangyari sa babae na bili ko.
Pinilit kong makatulog kahit hindi ko naman maramdaman ang pagkaantok. Bumabalik sa aking balintataw ang hitsura ng babaeng iyon. Pabaling-baling ako sa aking higaan.
Tumayo na lang ako at naligo, baka sakaling makatulog ako. Pagkatapos kong maligo, tinuyo ko ang aking katawan; hindi na ako nagsuot ng kahit anong saplot.
Tuluyan akong nakatulog; ligo lang pala ang katapat.
Kahit nahihirapan akong makatulog kagabi, maaga pa rin akong nagising. Buti na lang wala ang magulang ko.
May lakad ako ngayon dahil nais kong kausapin ng personal ang abogado ko. Para sa babaeng binili ko, ang aga-aga, pero siya naman ang tumakbo sa isip ko; para siyang orasan na laging nasa utak ko.
Damn it.
URYHIA POV
Buti umalis ang kabayong karimaw na 'yon. Muntik na akong tuluyang bumigay, buti na lang nakapagpigil ang kurimaw.
Pagkasara niya agad ng pintuan, pumasok ako sa kwarto para maglinis ng katawan. Masarap maligo sapagkat hindi maubos ang mga sabon na naka-stock, kaya ano pa ang gagawin ng isang tulad ko na sabik sa mamahaling gamit sa katawan? Isa pa, may shower na may hot at warm na tubig sa amin, eh galing lang sa gripo. Kahit malamig, walang magagawa kundi ipaligo mo.
Syempre, nagbabad ako sa bathtub at nilagyan ko ng Victoria soap. Isang oras din akong nagbabad; pagkatapos, nagbihis ako. Pero bago ko ginawa iyon, tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Dahan-dahan kong tinanggal ang bathrobe ko.
PERFECT
Sabi ko sa sarili ko, parang akong bata sa harapan ng salamin. Nakuntento ako, saka ako nagbihis. Syempre, damit naman ni Kurimaw, buti na lang toyo na ang t-back kong panty na kulay pula, may susuotin ako.
Nakabihis na ako, at nakaramdam naman ako ng gutom. Yun nga, ininit ko ang leftover na pagkain; sayang kasi. Porke't mayaman, nagsasayang ng pagkain. Kapag kami naging close, sasabihan ko talaga si Kurimaw na huwag magsayang ng pagkain.
Sayang, pwede pa naman kainin. Tapos, ang hilig pang mag-stock ng groceries. Sana all na lang talaga. Kung sakali na yayaman ako, hindi ko ito gagawin o kakasanayin.
Kumain ako ng kumain na parang walang bukas. Pagkatapos, nilinis ko naman ang pinagkainan ko. Nagtimpla na rin ako ng tea, at sa veranda naman ako tumambay.
Ang liwanag ng paligid, kay sarap pagmasdan at sobrang tahimik. Sana ganito na lang din ang aming pagsasama ni Ina'y, na tahimik, walang dalang problema o iniisip. Pero nangyari na, dumating na ang unos ng buhay ko. Kaya ako narito sa condo ng isang taong sinasabi na walang puso at walang pakialam sa nararamdaman.
Kakayanin ko ang lahat para sa iyo, Ina'y; ikaw lang ang meron ako ngayon. Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko sa kamay ng isang Sham Houston Nashville.
Na sana huwag naman niya akong pahirapan! Sana sa mga rules niya ay pabor sa akin. Ayaw ko siyang husgahan dahil lang sa kung ano ang sinasabi ng ibang tao sa kanya, lalo na sa social media.
Kamusta kaya si Ina'y? Sana gumaling na siya. Ang lahat ng ito ay para sa kanya. Ayaw kong mawala siya tulad ni Tatay, na wala akong nagawa. Kaya sana maging tagumpay ang operasyon niya. Sa tulong ng isang sham, kahit sa maling paraan, nagpapasalamat pa rin ako.
Naubos ko na pala ang tea ko na hindi ko namalayan. Masyadong malamig, kaya pumasok na ako sa loob. Sinigurado ko na naka-lock, mahirap na ako lang mag-isa dito. Check ko din ang kable ng mga kuryente para safe naman ang kaligtasan ko. Ano, nais ko pang mabuhay ng matagal at maraming anak.
Anong maraming anak, self? Masyado ka namang parang sinabi mo na baboy ka. Natatawa na lang ako sa iniisip ko. Sa restroom na ako tumuloy para mag-toothbrush. Pagkatapos ko mag-toothbrush, saka naman ako nag-gargle ng Listerine para mawala ang bad breath ko, kahit wala naman ako.
Saka naman akong humiga para matulog at mapagod ang aking katawan sa kakahiga ko. Parang akong nakakulong, kaya iba lang ang malaki ang naiikot ko. Nag-pray na ako bago ko pinikit ang aking mga mata.