Chapter 10
After that day we became friends. He comes to our unit every night to talk and eat. Syempre marami rin siyang pasalubong na pagkain kaya tuwang tuwa ang tatlo kong kasama.
Nalaman ko pa na ang pamilya niya ang nagmamay-ari ng isang sikat at malaking flower shop sa buong bansa. At dahil nag-iisa lang siyang anak, siya na ang nangangasiwa nito ngayon.
it was fun talking to him and we never ran out of stories. I also told him a few things about Roberto. Well, not all. 'Yong tungkol lang sa pagkakapareho nila ng mukha at natuwa siya rito dahil ito raw ang naging daan upang magtagpo ang aming landas.
But I think this is really the destiny.
"Ang tagal nang nanliligaw sa 'yo ni Robert ah," biglang sabi ni Marie habang naglalaro kami ng scrabble sa sala.
Holiday kasi ngayon kaya wala kaming pasok.
"Oo nga," segunda pa ni Jona. "Kailan mo siya balak sagutin?"
"Tumigil nga kayo," saway ko sa kanila. "Magkaibigan lang kami ni Robert."
"Sus! May magkaibigan bang gabi-gabing nagkwekwentuhan. If I know kinikilig ka na d'yan," sabat naman ni Roxanne.
"Ano ba, maglalaro ba tayo o gigisahin niyo lang ako maghapon?"
"Sagutin mo muna kasi kami, ano na ba status niyo?" kinikilig pang tanong ni Jona.
"Oo nga dali na," pangungulit din ni Marie.
"Kunwari lang yan silang magkaibigan pero ang totoo sila na talaga! Nyaaaaaahhhhhhhhh!" impit na tili ni Roxanne sabay tulak sa 'kin.
"Ay malamang! Pa-showbiz pa 'to si Ann."
Bahala kayo manghula d'yan.
Basta ako, masaya na ako makasama ko lang si Robert.
We heard a knock from the door.
"Speaking of Robert," mabilis na tumayo si Marie at binuksan ang pinto. "Oh. My. God!"
Tumili siya ng malakas kaya naman napatayo kaming tatlo at lumapit sa kanya.
Mamaya akyat-bahay gang pala 'yong kumatok.
"Wow! Gravity!"
"Oxygen!"
"I need inhaler!"
Sabay-sabay silang nagtilian habang ako ay nakanganga lang.
I do not know how I will react to what I see now.
Matutuwa ba ko o maiiyak.
Paano niya nalaman?
"Hi Ann!" he greeted me happily as he reached for the bundle of flowers. At ang bulaklak na ito ay walang iba kundi ang pinitas ko noon sa lugar nila Roberto.
How did he get it?
Does he know that this is the flower I want?
My hand trembled as I accepted the flower from him.
"Hi Robert!" biglang tili ng tatlong asungot.
Bumaling naman si Robert sa kanila. "Hi girls!"
"Nyaaaah!"
"Ehhhhh!"
"Waaahh!"
Ano ba 'tong tatlong 'to, parang sila ang nakatanggap ng bulaklak. Kung makareak wagas! Samantalang binati lang naman sila ni Robert.
I looked sharply at the three women and they were immediately they immediately fell silent.
"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.
"Ang alin?"
"Na ito ang gusto kong bulaklak?"
"Talaga? 'Yan ang gusto mo?" Tumango ako. "Yan din kasi ang gusto ko at 'yan ang pinaka-espesyal na bulaklak sa farm namin."
My chest was pounding hard again.
Farm?
Do they have a flower farm?
They probably have one, because they own a large flower shop.
"S-saan ang farm niyo?" kinakabahan kong tanong.
"Somewhere in Pangasinan."
"Talaga?!"
"Yes."
"Doon ang farm niyo?"
"Yes, why?" Gosh! Hindi kaya doon sa lugar kung saan ako dinala ni Roberto? "Okay ka lang? Namumutla ka."
"Actually, kailangan lang niya ng yakap mula sa 'yo," sabi ni Roxanne.
"Oo nga. Kanina ka pa niya hinihintay," dagdag pa ni Marie.
"Bakit ba kasi ngayon ka lang?" tanong naman ni Jona.
"Pinaghandaan ko kasi ang araw na 'to kaya natalagan ako sa pagpunta," sagot naman ni Robert.
"Ayan na magpo-propose na siya."
"Ayiieee!"
"Di na ako makapaghintay."
"Tse! Manahimik nga kayo!" Natakot naman sila sa 'kin. Humarap ako kay Robert na ngayon ay nasa tapat ko na pala kaya napaatras ako ng kaunti. "Ano bang pinaghahandaan mo ngayon?"
"Naalala mo ba kung anong petsa na ngayon?"
Anong gimik ba gusto ni Robert? Hulaan ng date?
"April 5."
"Sunday."
"Pasko ng pagkabuhay."
Tinignan ko ulit ng masama ang tatlo at nag-iwas sila agad ng tingin.
"Ano bang mayro'n? Diretsahin mo na lang ako." Naiihi na ako rito eh. Masyado mo na kasi akong pinapakilig.
"Okay." He stared at me then held one of my hands. "Ngayon 'yong eksaktong isang taon na una kitang nakita. Ngayon 'yong petsa na unang napalingon mo ako. Ngayon 'yong mismong araw na pinabilis mo ang t***k ng aking puso at ngayon 'yong araw na nabihag mo ang puso ko."
Wala akong masabi.
Tanging pag-iyak lang ang naisagot ko sa kanya.
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.
Parang wala akong ibang naririnig kundi ang boses lang niya.
Parang wala akong ibang nakikita kundi ang mukha lang niya.
Ganito pala kapag na-inlove ka.
Maghahalu-halo 'yong saya, kaba, kilig at excitement.
Naiiyak ako sa sobrang saya!
Di ko alam kung anong kabutihan ang nagawa ko kung bakit ganitong swerte ang natatanggap ko ngayon.
"Ito 'yong araw na pinangako ko sa aking sarili na ikaw lang ang babaeng dadalhin ko sa harap ng altar. Na ikaw 'yong magiging ina ng aking magiging mga anak. Na ikaw ang makakasama ko habang buhay."
Shet! May continuation pa pala!
"Noong una kitang nakita last year, gumawa talaga ako ng paraan para mapalapit sa 'yo. Sinundan talaga kita hanggang sa apartment na 'to. Lumipat agad ako kinabukasan. Kaya lang natorpe ako. Hindi ka pala madaling lapitan. Masyado kang mailap at seryoso. Natakot tuloy ako baka masaktan ko ang isang katulad mo kaya nagkasya na lang ako sa patingin-tingin sa 'yo noon."
Wala na. Bumuhos na lahat ng luha ko.
"Pero naisip ko walang mangyayari kung wala akong gagawin kaya isang araw kumatok ako rito para makipagkaibigan sa 'yo ngunit sa kasamaang-palad ay wala ka. Nagbakasyon ka raw. Natakot ako noon baka may makilala kang iba."
Well, 'yong engkanto version ng face mo din 'yong nakilala ko doon.
"Kaya sobrang pasasalamat ko nang magkita tayo ulit sa elevator at nakulong pa tayo," he chuckled. "Para akong nanalo sa lotto ng mga oras na 'yon. Akala ko hindi na ako magkakaroon ng chance na makausap ka."
"Tadhana na ang naglapit sa 'tin," sabi ko sa gitna ng aking paghikbi. Lumapit siya sa 'kin at pinunasan ang mga luha ko.
"Alam kong isang buwan palang tayong magkakilala pero ayaw ko nang patagalin pa 'to at gusto kong maging memorable ang araw na 'to. ANN, CAN YOU BE MY GIRLFRIEND?"
"Ohmygod!"
"Kilig much!"
"Matik na 'yan!"
Tuloy lang sa pag-agos ang luha ko.
Ayaw ko na rin itong patagalin pa.
I wanted to make the most of every second of my life with him so I nodded. "Yes! A thousand yes!"
Napayakap siya bigla sa 'kin at lalo lang akong naiyak.
"Grabe na ito."
"Ang heavy ng drama."
"Di ko kinaya ang love story niyo, grabe kayo!"
I heard my three colleagues crying. I know they also felt the joy I feel now.
"Di mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon," bulong pa niya habang magkayakap pa rin kami. "Pwede ba tayong lumabas?"
Pumayag naman ako. Di na ko nagbihis pa dahil sinabi niyang sa rooftop lang kami pupunta. 'Yong tatlo nilock ko muna sa garapon para manahimik at huwag manira ng moment ko.
Minsan lang ako magkamoment, eh umi-epal pa sila.
"Anong pauso 'to?" tanong ko habang paakyat kami ng hagdan. Pa'no ba naman, piniringan pa niya ako gamit ang isang kamay niya habang 'yong isa pa niyang kamay ay nakaalalay sa pag-akyat ko ng hagdan.
"Basta. Magtiwala ka lang sa 'kin."
Nang makarating kami sa rooftop ay dahan-dahan niyang tinanggal ang kanyang kamay at napanganga ako sa aking nakita.
"Paano mo nagawa 'to?!" di makapaniwala tanong ko.
"Nagawa ko 'yan dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo."
Lumapit ako sa duyan at umupo rito. Umupo rin siya sa tabi ko.
Ang weird sa pakiramdam.
Nangyari ulit 'to at 'yong naramdaman ko ngayon ay parang parehas lang noon.
Noong araw ng libing ni ate nakauwi ako sa probinsya. Nakita ko ulit ang duyan doon pero hindi ko na nakita ulit si Roberto.
Pero masaya na rin ako kahit papano dahil unti unti nang bumabangon mula sa kalungkutan at pangungulila ang mag-ama ni ate.
Nakita ko rin ulit ang napakagandang paru-paru at alam kong si Jolly 'yon. Mukhang masaya rin siya sa bago niyang anyo.
I am so happy now because we quickly recovered from the sad tragedy.
Parang lalabas na sa ribs ko ang aking puso sa sobrang kabog.
Grabe talaga 'to!
"Ayos ka lang?" Tumango ako. "Bakit parang nanginginig ka?" Kasi may nakatabi ulit akong gwapo sa duyan.
"Kinakabahan lang ako."
"Bakit naman?"
"Ang lapit mo kasi sa 'kin tapos..." napatingin ako sa kanyang labi.
"Tapos?"
"Wala." Nag-iwas agad ako ng tingin. But he hold my chin and lifted my face.
Nagkatitigan kami.
"Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito," sabi niya at unti-unti niyang nilapit ang kanyang mukha. Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng kanyang labi sa 'kin at parang huminto na ang mundo ko.
Parang literal na huminto ang mundo ko.
Nagsimulang gumalaw ang kanyang labi at gano'n din ako.
Sa pangalawang pagkakataon ay nahalikan ko siya. Kahit hindi talaga siya 'yong una pero the way siya humalik ay parehas na parehas sila.
Ang init ng kanyang halik ay lalong nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Naiiyak na naman ako sa sobrang saya. Hindi na naman ako makahinga.
Tumigil sa paggalaw ang kanyang labi at dinikit niya ang kanyang noo sa 'kin. "I love you, Ann."
"I love you more, Robert." Ilang sandali kaming nanatili sa ganoong posisyon at nang mangalay ay nahiga kami sa duyan. "Paano mo napapayag 'yong landlady about dito sa duyan?"
"Niligawan ko pa 'yon ng isang linggo para lang payagan ako maglagay ng duyan dito," he said while laughing and I laughed too. "Noong nakwento mo kasi si Roberto ay nakaramdam ako ng inggit. Pakiramdam ko nalamangan niya ako."
"Sus! Ikaw din naman 'yon."
"Magkaparehas lang kami ng mukha pero hindi pa rin ako 'yon." Alam niya na may nakilala akong kamukha niya pero hindi niya alam na hindi ito tao. Sinabi ko lang na iba ito kaysa sa amin. Hindi na rin naman niya inaalam ang tungkol dito kaya di ko na binigay ang buong detalye.
"Pero 'yong pakiramdam ko ay parehas lang," napangiti ako nang maalala ang mga huling sandali na nakasama ko si Roberto. Siguro, kung hindi niya ginaya ang mukha ni Robert ay hindi ko pa rin siya mapapansin hanggang ngayon. "Nagwawala lagi ang puso ko kapag nakikita ka."
"Talaga? Gano'n mo ako kamahal?" Tumango ako saka siya tumayo. "Kung yayayain ba kita magpakasal, papayag ka kaagad?"
"Bakit magpo-propose ka na ba?"
Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko at napaupo ako sa duyan. May dinukot siya mula sa bulsa ng kanyang pantalon at dahan-dahan niyang binuksan ang maliit na kahon na may lamang gintong singsing at may hugis puso na diamante sa tuktok.
"Miss Ann, the girl in my dream, the woman that I chased, the mother of my future children, the person who I love the most, will you marry me?"
I covered my mouthed as I sighed deeply. This man is full of surprises.
Wala pa kaming 24 hours na mag-on pero nakaluhod na siya kaagad sa harapan ko.
Kailangan ko pa bang mag-isip?
Pero bakit pag-iisipan pa kung sigurado na nga akong siya na ang gusto ko makasama habang buhay?
"Yes! I do! I will marry you!"
"Yes! Yes! Yes!" Nagtatalon siya sa tuwa at napapasuntok pa sa hangin. "Woah!"
He turned to me again and put the ring on my ring finger. "Sobra sobra mo akong pinasaya, Ann."
"Sobra-sobra mo rin akong ginulat. May sasabihin ka pa ba? Sabihin mo na lahat ang gusto mong sabihin para isang bagsakan na 'to." Ngumiti siya ng nakakaloko. "Wag mong sabihing gusto mo nang magpakasal ngayong araw din?" Tumango lang siya ng sunud-sunod.
My God!
Ang bilis ng mga pangyayari.
Ibang klase talaga si tadhana kapag bumanat ng forever. Wagas!
Dear tadhana,
Sino ka man, saan ka man ngayon. Maraming salamat at pinagtagpo mo kami ni Robert.
"Pwede kong tawagan ang tito kong pari para makasal tayo ngayon," sabi pa niya habang nakayakap sa beywang ko.
"Hala! Totoo nga?" Tumango siya. "Seryoso ka?" Tumango ulit siya. "Hindi ka nagbibiro?"
"Isang tanong mo pa hahalikan na kita."
"Pero-- " di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil siniil niya ako ng malalim na halik.
Click!
Napansin ko na may biglang nagflashed na camera kaya napabitaw kami pareho ni Robert.
"Ay nakita tayo."
"Ang ingay kasi ng camera mo."
"Dapat kasi nagtago tayo."
Haist! Ang tatlong bubuyog na 'to panira talaga ng momment.
"Tapos na ba kayo mang-istorbo?" tanong ko sa kanila.
"Hindi pa."
"Imbitado ba kami sa kasal niyo?"
"Dapat lang nando'n kami para may witness kayo."
Natawa na lang kami. Kahit kailan ang mga 'to, napakaingay.
Yumakap ulit sa 'kin si Robert, "I love you, Ann. Tatawagan ko si tito mamaya."
"Ikaw bahala. Ang tanong eh, handa ka na ba?"
"Matagal na akong handa. Ikaw lang naman ang hinihintay ko."
"At matagal na rin akong naghihintay sa 'yo." Hinalikan niya ulit ako sa labi at napapikit na lang ako.
Ito ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko.
Ang matagpuan ang taong makakasama ko habang buhay ay isang napakalaking kayaman para sa 'kin. Kayamanan na hindi kailanman kukupas at hindi mananakaw dahil alam kong sa akin lang ito.
Napasandal ako sa kanyang dibdib pagkatapos namin maghalikan. Nakaharap ang aking mukha sa duyan at may napansin ako.
"Robert."
"Hmm."
"Ikaw ba naglagay ng bulaklak na 'yan?"
"Ha?" Nilingon niya rin ang duyan. "Hindi, paano nagkaroon ng bulaklak d'yan?"
Tinanong namin ang tatlo pero sabi nila ay wala silang dinalang bulaklak.
Nagkatinginan kami saglit at mayamaya pa'y bigla akong binuhat ni Robert at nagmadali kaming lahat na bumaba ng hagdanan.
***