Prologue
Prologue
If only I had known how everything would end...
How the person I loved the most would choose to walk away, just like the rest.
This is how it happened, how my world slowly fell apart.
It hasn’t happened yet… but it will.
“W-why? Why do you have to break up with me? D-Did I do something wrong?”
I tried to make him stay, but he kept pushing me away like I was never part of his life.
“I’m sorry, Faye… but I don’t love you.”
Pakiramdam ko, gumuho ang mundo ko.
“Y-You don’t love me? Pero… pero paano yung mga sinabi mo? Diba nangako ka na papakasalan mo ako? We’ve been in a relationship for seven months. You mean… all this time, you never loved me?”
Parang may nakabara sa lalamunan ko. I couldn’t even speak properly. Ang bigat-bigat sa pakiramdam.
“I’m really sorry, Faye. Sinubukan ko naman. I tried to love you… but I just couldn’t.”
Tuloy-tuloy ang luha ko. Parang ayaw na itong tumigil.
“May iba na ba?”
I gathered all my courage kahit natatakot ako sa isasagot niya.
He looked straight into my eyes… and nodded.
“Matagal ko na siyang gusto. Nung una, hindi ko pa tanggap na gusto ko siya, kaya sinubukan kong makipag-date para malibang at para makasigurado.”
“Nung nakilala kita, akala ko magiging okay na. Nagtagal tayo ng seven months, akala ko totoo yung nararamdaman ko. Pero narealize ko na hindi… siya talaga ang gusto ko.”
“I’m so sorry. Alam kong ang sama ko. Please… forgive me.”
I couldn’t bear to look at him anymore. Ang sakit. Sobrang sakit.
I slowly stepped back, shaking my head. Sana panaginip lang ang lahat.
Sana paggising ko bukas, sasalubong pa rin sa akin ang maamo niyang mukha, yayaing mag-breakfast.
Bukas… makikita ko pa ang ngiti niyang sabi niya’y para sa akin lang.
Bukas… hahatiran pa rin niya ako ng jacket sa school, kahit malayo ang school niya.
Bukas… susunduin pa rin niya ako, dahil ayaw niyang ako lang ang umuwi.
Siya lang ang lalaking nagparamdam sa akin ng pagmamahal, yung pagmamahal na matagal ko nang pinangarap. Kaya hindi ko matanggap na peke pala lahat.
But for now… everything still felt okay.
The pain hadn’t come yet. The truth hadn’t shattered me yet.
I was still Megan, just Megan.
The girl surrounded by noisy kids, the smell of breakfast from downstairs, and Hiro’s annoying voice calling me way too early in the morning.
“Megan! Megan!”
I opened my eyes and saw Hiro’s face right in front of me.
Bumangon ako at kinusot ang mga mata ko. “Bakit ba?” tanong ko habang pilit na binabanat ang antok ko.
“Tinatawag ka na ni Tita. It’s already 6 AM,” sagot niya na may mapang-asar na ngiti.
I smacked his shoulder and gave him a gentle push. “Oo na. Umalis ka na diyan at maliligo na ako.”
Kinuha ko ang tuwalya at dumiretso sa banyo. After taking a quick shower, I got dressed and prepped for school.
While going down the stairs, I heard the usual chaos, kids arguing over breakfast.
Siguro nagtatalo na naman kung kaninong ulam ang dodoble. Every Monday kasi, may sobrang ulam si Tita.
“Oh, kumain ka muna bago umalis,” bungad ni Tita Elena pagkababa ko ng hagdan.
“Ate Megan! Tingnan mo po! Manok ang ulam natin!” pag tawag sakin ni tor, nilingon ko naman siya agad.
“Bukas siguro baby manok na ang ulam natin!” sabat ni loyd
“Anong baby manok?” tanong ni jing
“Itlog!”
Ang ingay nila, no? Pero kahit maingay sa bahay, masaya pa rin kami. Kompleto kami.
Taon-taon nadaragdagan ng bata rito sa bahay kaya parami kami nang parami.
Pero kahit ganun, hindi naman kami masyado nahihirapan.
And I could never ask Tita Elena to stop accepting kids, kasi isa rin ako sa mga ampon niya.
I was twelve years old when I ended up in the orphanage, right after I lost Inay.
Noong unang linggo ko rito, halos hindi ako umiimik. I was always in the corner, crying.
Then I met Hiro.
Siya ang una kong naging kaibigan at kakampi dito. Kaya kahit may pagka-weird siya, tinuturing ko pa rin siyang kapatid.
“Bilisan mo, Megan! Maiiwan na tayo ng bus!” sigaw ni Hiro na akala mo naman hindi siya ang laging mabagal. Eh hindi pa nga siya naliligo!
“Ay, tama na ang pagtatalo. Maligo ka na, Hiro! At kayo d’yan, bilisan ang pagkain. Male-late na kayo,” suway ni Tita Elena habang inihahain ang almusal.
After everyone was ready, nagpaalam na kami para umalis. We walked the kids to their school first before heading to ours.
“Meg,” Hiro said while we walked. “Malapit na ang final exams. Kinakabahan ako… baka hindi ko kayanin.”
I saw the worry in his eyes, even in how he walked.
Kaya inakbayan ko siya at tinapik-tapik ang balikat.
“Ano ka ba. Kaya mo ’yan. Baka nakakalimutan mong nandito ako para tulungan ka,” I said with a reassuring smile.
Having them in my life is the best part of my life. I’m so happy to be with them. They’re my family.
My life felt perfect.
My life… felt complete.