Nakaupo lang ako sa labas habang pinagmamasdan ang kulay berdeng damo sa hardin. The cold breeze brushed my skin as the birds chirped high in the trees.
Finally, months without academic pressure.
“Megan!” Napalingon ako nang may tumawag ng pangalan ko mula sa gate.
I smiled instantly and walked toward her. “Bat nandito ka?” tanong ko kay Val.
Nagtaka naman ako nang paningkitan niya ako ng mata. “Sinong ka-talking stage mo?” tanong niya pabalik habang nakatitig pa rin sa akin, parang ang dami kong tinatago sa kanya.
Sandali akong natawa sa inasta niya. “Pinagsasabi mo d’yan, wala akong ka-talking stage!” natatawa ko pa ring sagot. Lalo naman siyang naningkit.
“Bakit ang blooming mo?” Agad ko namang hinampas ang balikat niya at sinamaan siya ng tingin.
“Anong pinaparating mo? Na mukha akong lola palagi?” inis kong sabi. Tumawa lang siya ng malakas.
Hindi na siya nakapagsalita pa nang tawagin na kami ni Tita para mag-umagahan. Sanay na rin naman sila na nandito palagi si Val dahil sadyang napapapunta siya dito pag walang pasok.
Halos isang linggo na rin mula nang magbakasyon at ngayon lang siya nakadalaw, siguro nabusy sya.
Pagpasok pa lang namin sa pinto ay agad na sumalubong ang mga bata kay Val. They were all really close to her.
Lumuhod si Val upang mapantayan ang mga bata at ibinaba ang apat na eco bag na hawak niya.
“Wow Ate Val! Ang dami naman po nitong binili niyo!” tuwang-tuwang sabi ni Jelay.
“Syempre naman, siyam kayong mga bata dito kaya paniguradong kukulangin kung hindi ko dadamihan” sagot niya. She grinned proudly.
Nang makuha na ng mga bata ang pagkain, agad silang nagtakbuhan papunta sa kusina para itago ang mga pinamili ni Val.
“Rina, sobra naman yata yung binili mo” guilty kong sabi. I felt a little embarrassed.
Nahihiya na talaga ako sa kanya. Mula first year high school pa lang kami, sila na talaga ang gumagastos para sa amin dahil naggugulay lang naman si Tita.
Sinamaan niya ako ng tingin. “Anong Rina? Palagi na lang Rina. Sanay talaga kayo ni Mommy na tawagin ako sa nickname na ‘yan eh” pag-iwas niya sa topic. She dodged the subject completely.
“Umupo na kayo dito! Mamaya na kayo magtalo pagkatapos kumain!” sigaw ni Tita. Telling us to stop bickering and eat.
Hindi na kami umimik at naglakad kami papuntang kusina at nagsimula nang kumain.
Lahat kami ay tahimik lang. Lahat ay nakatuon sa pagkain at walang umiimik. We all ate in silence. Gano’n talaga dito. Sa tuwing may umiimik habang kumakain, pinapagalitan ni Tita Elena. Wala raw galang sa pagkain pag gano’n. Speaking while eating is a no-no here.
Habang nasa kalagitnaan ng katahimikan, bigla na lang may tumunog sa cellphone ko. At dahil nasa lamesa ito, rinig tuloy ng lahat yung notification.
Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Pero wala pang ilang minuto, tumunog na naman ito.
“Replay-an mo na ‘yan, baka importante,” sabi ni Tita. Tita nudged me to check.
Sandali akong napalunok ng laway bago ko kunin ang phone ko. Dahan-dahan kong kinuha ito mula sa mesa. Nag-flash sa screen ang pangalan ni Est.
Napasinghap ako. Why is he messaging me?
Binuksan ko agad ang message, binasa ito sa ilalim ng mesa para hindi nila makita kung sino ang ka text ko.
Est:
Hey, I hope it’s okay I messaged.
Uhm… Can I see you today?
Parang may kumurot sa dibdib ko.
Nag-type ako agad ng reply
Okay… saan?
“Megan,” bulong ni Val. Napatingin ako sa kanya. Tinitigan lang niya ako—parang nagtatanong ang mga mata. Pero ngumiti lang ako ng tipid at umiwas ng tingin.
“Wala ‘to,” sabi ko mahina. Umiling siya, pero di na nagtanong pa.
Tumunog ulit ang phone ko.
Est:
Same place. Harap ng 7/11, around 9am?
Napakagat ako sa labi. Napatingin ako kay Tita Elena. Mamaya pa naman ang gawaing bahay… baka pwede.
“Excuse po, tapos na po ako,” sabi ko at tumayo para hugasan ang pinagkainan. Gusto kong makatakas kahit sandali mula sa mga matang parang laging may alam.
Habang naghuhugas, hindi ko mapigilang mapangiti.
Est wants to see me.
Matapos ‘yon, umakyat ako sa kwarto at nagpalit ng simpleng shirt at jacket. Ayoko magmukhang nag-effort. Pero to be honest, ilang ulit ko ring sinuot at tinanggal ang outfit ko. Nagdadalawang-isip pa ako kung magda-dress ba ako o ito na lang.
Paglabas ko, iniwasan ko ang tanong sa mga mata ni Val.
“Uuwi rin agad ako” sabi ko. Tumango lang siya, pero halatang hindi siya kumbinsido.
Pagdating ko sa harap ng 7/11, nandoon na si Est. Nakasandal siya sa pader, may hawak na bottled coffee at nakangiti.
Naka-white polo sya, yung klaseng malambot sa mata, hindi masyadong plantsado pero sakto lang ang tiklop para magmukhang effortless. Nakatupi hanggang siko ang manggas, revealing his lean arms na parang natural lang pero halatang active siya. Suot niya ang dark denim jeans na slim fit, hindi masyadong hapit pero bagay sa built niya. Ang sapatos? Classic white sneakers, medyo may gasgas na pero malinis parin, tipong gamit pero alagang-alaga.
Sa kaliwang pulso niya, may suot siyang black leather watch. Simple, minimalist, pero eleganteng tignan. At habang nakasandal siya sa pader ng 7/11, hawak ang bottled coffee na parang siyang bida sa sarili niyang kwento, hindi ko maiwasang mapatitig.
Ang gwapo nya tingnan, lalo't bumagay sa kanya ang buhok nyang naka-ipit na parang tangkay sa mansanas. Pero sya hindi ‘yung tipong lalaking alam niyang gwapo siya. Parang... ‘yung alam mong hindi siya trying hard, pero naturally nakakahulog ng loob. Ang kapal naman ng mukha niya kung alam niya kung gaano siya ka-charming.
Napailing ako ng bahagya, pero hindi ko mapigilang ngumiti.
“Putek” bulong ko sa sarili. “Bakit parang ang hirap mong iwasan?”
“Uy” bati niya. “Kala ko di ka na darating.”
“Eh kung ‘di ako dumating?” sagot ko habang lumalapit.
“Eh ‘di pupunta ako sa bahay niyo. Gano’n kita ka-miss.”
Napailing ako, pero natatawa. “Siraulo.”
He smiled. “Ikaw rin. Parang mas blooming ka ngayon.”
I rolled my eyes, pilit tinatago ang ngiti.
Naglakad kami papunta sa mini park. Tahimik nung una, hanggang sa nagsalita siya.
“Megan…”
“Hmm?”
“Sorry kung medyo nawala ako nitong mga nakaraan.”
Napatingin ako. “Okay lang. Busy ka siguro.”
Tumango siya. “Oo… something like that.”
Hindi ko na pinilit. Pero gusto kong itanong, bakit ka nawala? At bakit ngayon, bigla kang nandito?
Habang naglalakad, may napansin akong hindi pamilyar na mukha sa kabilang kalsada. Matalim ang tingin sa amin.
Napahinto ako. “Est… kilala mo ba ‘yon?”
Napalingon siya. Ilang segundo bago sumagot. “Nope. Why?”
Hindi ako kumbinsido. Pero ngumiti siya ulit. “Tara, anong gusto mong kainin?”
Tumigil kami sa tapat ng restaurant na may pangalang Mesa de Estrella. Mukhang mayamanin ang lugar.
“Let’s go,” yaya niya. Napa-atras ako. “Hoy, anong ‘tara na’?”
Huminga siya ng malalim. “Dito tayo kakain.”
Halos malaglag ang panga ko. “D-dito?!” turo ko sa restaurant. Tumango siya.
“Ayoko! Ang mahal d’yan!”
“Tara na, ako bahala!” Hinila niya ako papasok. Kahit nagpumiglas ako, hindi ako nakaalis, ang higpit ng hawak niya sa pulso ko. Pero hindi naman ako nasaktan.
Habang hinihintay ang order hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko ay may mga matang naka sunod samin.
Hinawakan ni Est ang kamay ko. “Are you okay?” tanong niya.
Tumango lang ako at huminga nang malalim.
After ilang minutes ay sa wakas dumating na ang appetizer. Si Est ang nag-order, nachos with extra cheese.
“Wow!” napanganga ako. “Ang dami! Kaya ba natin ‘to?”
Hindi ko na inintay ang sagot nya at kumuha na ako, hindi ako materialistic na babae pero aaminin ko, patay gutom ako.
After a few minutes, dumating na ang main course, steak sa kanya, pasta sa akin.
“Nga pala, hindi pa ako nakakapagpakilala nang maayos” sabi niya bigla.
“Esteban Lucero Saavedra.”
Napatingin ako. “O…kay?” Hindi ako sigurado kung anong sagot ko.
“Esteban Lucero Saavedra…” ulit niya, this time mas mababa ang boses.
“Gusto ko lang sabihin… hindi kita nilapitan para lang mag-enjoy,” seryoso niyang sabi.
“Ha?” Napakunot noo ko.
“I know weird ‘to. Baka isipin mong ang bilis… pero—” Tumingin siya diretso sa mata ko. “Gusto kitang ligawan, Megan.”
Tangina?! Parang fireworks sa tenga ko, tapos sabay may cold water sa batok, kasabay pa ang pag init ng pisngi ko.
Tumayo siya, lumipat sa tabi ko. “Hindi mo kailangang sagutin ngayon. Pero gusto kong maging totoo sa’yo simula pa lang.”
Tahimik ako. Hindi ko alam kung panaginip ba ‘to. Est squeezed my hand.
“Let me prove myself to you, Megan.”
Napatingin ako sa kanya. “Est…”
Hindi ko alam kung papayag ako. Pero hindi naman masama kung susubukan ko, ‘di ba?
Ikinalma ko ang dibdib ko. “Sige. Pagbibigyan kita.”
Napapigil hininga ako nang bigla niya akong niyakap. Gusto ko sana siyang itulak, pero hinayaan ko na lang.
Sana talaga, hindi maling desisyon ‘to.
Napangiti siya habang nakayakap pa rin sa akin. “You don’t know how happy I am right now” he whispered, his voice soft but sincere.
Gusto ko siyang itulak palayo pero hindi ko rin naman magawa. My heart was racing, and for once, hindi ko inisip kung tama ba ‘tong nararamdaman ko.
Pagkatapos ng ilang segundong yakap, bumitaw din siya. He looked at me like I was something precious—something fragile and worth protecting.
“Let’s eat na” sabi ko, trying to break the tension. “Baka lumamig pa ‘tong pasta ko.”
Tumawa siya. “Yes ma’am” sagot niya habang umupo ulit sa kabilang side ng table.
Habang kumakain kami, parang wala munang bigat sa mundo. Parang for that moment, the world paused just for us.
Pero habang pinagmamasdan ko si Est habang nakayuko at kumakain ng steak niya, bumalik sa isip ko ‘yung lalaking nakita ko kanina. The one staring at us.
Who was he? And bakit parang may kakaiba?
“Uy” tawag ni Est. “You’re spacing out. Okay ka lang?”
Tumango ako. “Oo. Just thinking.”
“About what?”
“Wala. Random stuff lang,” pag-iwas ko.
Hindi siya nagpilit. He just gave me a soft smile and reached for his coffee.
After namin kumain, tumayo na kami para umalis. Paglabas namin ng restaurant, medyo madilim na, and the breeze was cooler than earlier.
“Tara, hatid na kita,” alok ni Est habang binubuksan ang jacket niya.
“Ay hindi na, kaya ko—”
“Hindi ko tinatanong kung kaya mo” sabat niya, sabay tawa. “Hatid kita. Gusto kong makasigurong safe kang makakauwi.”
Napairap ako pero ngumiti rin. “Fine. Pero hanggang kanto lang.”
Naglakad kami ng dahan-dahan. Tahimik. Pero hindi nakakailang.
“Megan” he said again, this time softer.
“Hm?”
“Salamat. For giving me a chance.”
Hindi ako tumingin sa kanya. “Wala pa tayong label, Est.”
“I know” he chuckled. “But this? This is more than enough to make me try harder.” pilit kong tinatago ang ngiti ko, ang puso ko parang gusto nang kumawala.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang makarating kami sa may kanto malapit sa bahay.
“Hanggang dito ka na lang” sabi ko.
“Pwede bang isang tanong lang bago ako umalis?”
“Sure.”
“May chance ba na mahulog ka sakin?”
Tumigil ako. Napatingin sa kanya. He looked serious again, and this time, hindi ko na lang tinawanan.
“Maybe” I whispered. “But I’m scared.”
He nodded slowly. “Then let me make you feel safe.”
At pagkatapos no’n, tumalikod na ako. I didn’t look back. I couldn’t. Baka kung ano pa ang makita niya sa mga mata ko.
Pero habang papalayo ako, naramdaman kong may kakaibang saya sa dibdib ko. Yung tipo ng kilig na may halong kaba.
Because I knew, this… could be the start of something I never expected.