BREAKING PROBINSIYANA'S HEART : CHAPTER 1 ( IYA FOLLIANTE )
AUTHOR,
Sa probinsya ng visayas lumaki si Iya. Ang dalagang tinaguriang Happy go Lucky sa kanilang lugar . Kilala ang dalaga dahil sa angking kabaitan nito, mapagbiro at makuwela. Nangarap na makapunta sa maynila upang, makilala ang isang sikat na modelo at artista, si Tyron Fuentabella. Nakikita niya ito sa mga billboard nang minsan ay lumuluwas siya sa lungsod. Hinahangaan niya ito at tinitingala at lihim na nagustuhan. Mestiso, matangkad, ang mga mata nitong nakakatunaw kung titigan, ang labi nitong mapula at ang matangos na ilong. Halos lahat ng magazine kung saan nakadikit ang mukha ng lalaki ay di iyon pinapalampas ng dalaga, binibili niya kahit 'di naman niya iyon magagamit.
Wala nang magulang ang dalaga, namatay sa sakit sa puso ang kanyang tatay at di nagtagal ay sumunod ang kanyang nanay. Naging masaklap ang tadhana para sa kanya, para siyang pinagkaitan ng kaligayahan at kumpletong pamilya.
Ang tangi niya lang kasama ay ang kanyang lolo Dominggo. Sa edad na 80 anyos ay uugod ugod na ito at hirap ng makarinig. Tulad na lang isang gabi...
"Lo, ano pong gusto niyong timpla sa kape mapait o katamtaman?"
"Ayy nako apo, uugod ugod lang ako pero ayaw ko pang mamatay."
Napanganga naman ang dalaga at natampal ang noo.
"Lolo, sabi ko anong gusto mo sa kape mo, mapait o katamtaman?"
"Ayy ganoon ba apo, sige ikaw na ang bahala."
Habang pinagtimpla ng dalaga ang kanyang lolo ay napaisip siya sa lalaki.
"Lolo, gusto ko pong makilala sa personal ang modelong hinahangaan ko. Gusto ko pong makarating sa maynila."
"Sino ba 'yang modelo na iyan at gustong gusto mong makita at makilala?"
"Siya ho si Tyron Fuentabella lolo, isa po siyang sikat na modelo at artista sa Maynila. Alam mo lolo, sobrang guwapo niya, 'yung mga mata niya ang sarap titigan, nakakaakit."
"Ikaw ba apo ay may gusto sa lalaking iyon? Aba eh kagandang lalaki noon at siguradong maraming umaaligid na kababaehan sa kaniya lalo pa at modelo iyon ayy nako apo wag mo na lang pangarapin na mapansin ka no'n."
"Crush lang naman lo, crush is paghanga."
"Oo nga kaso ehh crush ka ba?"
"Si lolo talaga ayaw mo na lang akong suportahan. Alam mo lo, kaya nga ho hindi ko sinasagot ang mga binata dito sa atin dahil nakalaan na itong puso ko sa lalaking 'yun. Gusto ko siya ang kauna unahan at huling lalaki na bibihag sa puso ko."
"Alam mo apo, kung ano ang makapagpasaya sa'yo nakasuporta lang si lolo. Pero ayoko rin na kung anong nagpapasaya ay 'yun din ang dahilan ng sakit na mararamdam mo."
"Hindi naman po siguro lo,"
"Ayy nako apo, basta hindi ako nagkulang sa pagpaalala sayo. Gusto kong masaya ka lang palagi."
"Huwag kang mag alala lolo susubukan ko lang naman. You know try and try never die."
"Mali apo, try and try until you succeed."
" Iniba ko lang lo, i have my own version.. Iya version 2.0. Kung kaya nila, kaya nila."
"Mali ka na naman apo... "kung kaya nila, kaya ko rin."
"Lolo naman ehh, may sarili nga kasi akong version."
" Sarili ba kamo.. "
" Opo, kasi sa nabasa ko sa libro copying others is a crime."
"Plagiarism yun apo."
"Lo, support ba talaga kayo sa akin? Lagi niyo na lang pinupuna ang mga sinasabi ko."
"Tinatama ko lang apo. Di ba nais mong makarating sa maynila. Kapag nandoon kana, marami kang makikilalang tao at panigurado kukutyain ka kapag mali mali ang sinabi mo. "
"Lo, speaking of Maynila. Maganda ba doon lo? Gusto kong makatungtong doon lolo,"
"Makakarating ka rin doon apo. Sa tamang panahon."
Matapos ang pag uusap nilang mag lolo ay nakahiga na sa kaniyang papag ang dalaga. Iniisip niya pa rin ang itsura ng Maynila at ang pag aasam na makilala ang lalaking matagal na niyang hinahangaan.
Sa edad na 23, ay maraming natutunan sa paghahanap buhay ang dalaga. Nagluluto siya ng biko kada umaga at nilalako niya ito sa kanilang bayan. Sa hapon naman ay naglalako siya ng maruya at kutsinta. Iniipon niya ang mga barya habang ang papel na pera naman ay yun ang ginagamit nilang mag lolo sa pang araw araw na pangangailangan.
Kung tutuusin puwedeng mag apply ang dalaga sa mga mall na malapit lang sa kanilang bayan. Matangkad naman ito , maputi at may magandang mukha. Natural na mapula ang labi niya. Hindi mo maisip na isa siyang probinsyana.
Kinabukasan maagang nagising ang dalaga para magluto ng biko na ilalako niya.
Im a barbie girl
In a barbie world
Life in plastic
It's fantastic
You can brush my hair
And dress me everywhere
Imagination
Life is your creation
Come on Barbie
Let's go party.
Kanta ng dalaga habang naghuhukay ng latik sa kawali.
Pagkatapos niya itong maluto at maipaghalo halo ay nilagay niya sa bilao at hiniwa hiwa. Nag ayos siya sa kanyang sarili at naghanda na para maglako.
"Lolo sundayy! maglalako na po ako tinirhan kita ng biko, kumain ka paggising mo ha." sigaw ng dalaga.
Umalis na siya at nagsisimula na sa pagtinda.
"Bikoooo, bikoo kayo diyaannn, masarap po 'to mainit init pa perfect sa inyong umaga!" sigaw niya habang naglalakad sa kalsada.
"Oyy neng pabili kami sampong piraso."
"Ayy, sige po ale dahil ikaw ang unang kustomer ko may libre kang isa."
"Ayy naku, salamat eneng ang bait mo talaga."
"Walang anu man po, salamat din po "
Nagpatuloy pa siya sa pag lalako.
Ala siyete na ng umaga ay naubos na ang kanyang paninda. Pabalik na siya sa kanilang bahay nang bigla siyang kinabahan. Nagmadali ang dalaga at nakarating siya sa kanila.
Nagtaka siya dahil hindi pa nagising ang lolo niya. Kadalasan maaga itong nagising at nag didilig ng mga halaman.
"Lo, lolo sunday gising na po lo."
Hindi ito gumagalaw at sumasagot sa kaniya kaya nilapitan niya ito.
"Lo, gising na po, lo, Lolo, loo, lolo gising." tinapik tapik ng dalaga ang pisngi ng kaniyang lolo pero hindi ito gumalaw. Pinakinggan niya ang puso nito pero di na ito tumitibok.
"Lo, lolo, loo, 'wag ka namang magbiro ng ganiyan lo, lolo gising. Looooo!" umiiyak na sigaw ng dalaga.
"Lo bakit mo naman ako iniwan lo. Ang daya daya mo naman eh."
Umiiyak ang dalaga na yakap yakap ang katawan ng lolo niya.
Sa huling araw ng kaniyang lolo ay 'di maiwasan ng dalaga ang malungkot sa kaisipang mag isa na lang siya ulit sa mundong 'to.
"Mag isa na lang ako ulit lolo iniwan niyo na ako. Lolo ikumusta mo ako kay nanay at tatay pagnagkita kayo diyan sa langit ha. Pag 'di mo ginawa yun di kita titirikan ng kandila. Lolo, mamimiss kita lo, ako ba mamimiss mo din ako? Huling gabi na pala yung pag uusap natin. Hindi man lang ako na inform, ehh 'di sana nag pa despidida ako. Ang selfish mo naman lo, 'di mo man lang sinabi. Pwedi ka naman magpaalam ng maayos,. Kahit sinabi mo lang na ' Apo, matutulog na ako , wag mo na akong gisingin dahil di na ako gigising' gano'n, huhuhu lolo, Lolo koo, paano na ako lolo?"
Umiiyak na sabi ng dalaga habang nasa puntod ng kanyang lolo sa tabi ng puntod ng kanyang mga magulang.
Pa gabi na nung naisipan niyang umuwi. Naglinis siya ng bahay at niligpit ang gamit ng kanyang lolo. Hindi pa rin maiwasan ng dalaga ang umiyak.
Natahimik siya nang may sulat siyang nakita sa ilalim ng unan ng kanyang lolo. Binuklat niya ito at binasa.
"Apo ko,
Alam mo, syempre hindi pa kaya sasabihin ko sayo. Siguro wala na ako kapag nakita mo ang sulat na ito.
Apo, matanda na si lolo kailangan ng magpahinga. Alam ko mamimiss mo ko, pero ikaw di kita mamimiss, biro lang apo pinapatawa lang kita. Apo ko, gusto ko maging masaya ka pa rin kahit wala na ako. Wag kang bumusangot dahil magmumukha kang kuyokot. Hehehe biro ulit apo. Apo, may naipon akong pera, nasa loob ng maliit na kahon sa aparador ko. Kunin mo at gamitin mo , pumunta ka sa maynila. Tuparin mo ang iyong pangarap apo, kapag nandoon kana, wag kang mag eenglish apo ko nakakahiya sa lahi natin. Gawin mo kung ano ang makapag pasaya sayo apo ko. Karapatan mong sumaya, masyado nang marami ang pasakit na iyong napagdaanan. Alam kong matibay ka apo, mag iingat ka doon sa maynila. Mahal ka ng lolo Sunday mo."
Naghalo ang luha at sipon ng dalaga habang binabasa ang nakapaloob sa sulat. Hinanap niya ang kahon na tinutukoy ng kanyang lolo.
Nakita niya ito at may laman nga itong pera.
Niligpit na ng dalaga ang mga gamit ng kanyang lolo at nagpahinga. Kinabukasan ay hindi muna nagtinda ang dalaga, hindi pa rin niya tanggap ang pagkawala ng kanyang lolo . Ito na lang sana ang natitira niyang pamilya. Pero kailangan niyang tanggapin na wala na ito. Naisip niyang ito ang nakatadhana sa buhay niya, ang mabuhay mag isa sa mundo.
Pinag iisipan ng dalaga ang sinabi ng kanyang lolo sa sulat.
Nakabuo siya ng desisyon at niligpit ang kanyang mga damit at kung ano ano pang papel na kakailanganin niya kung sakaling mag aaplay siya ng trabaho.
Sa huling sandali ay dinalaw ng dalaga ang puntod ng kanyang magulang at lolo .
"Nanay, Tatay, Lolo, kumusta na po kayo? Ako heto, mag isa, walang kasama.. nakakalungkot pala no? Magpapaalam sana ako. Papayagan niyo ba ako? Luluwas po ako ng maynila, sabi ni lolo tuparin ko daw ang pangarap ko. Pagalitan niyo nga ho si lolo nanay, tatay.
Ang lungkot na po ng buhay ko, mag isa na lang ako, maganda ho ba diyan sa langit? Magkano po pamasahe papunta diyan? Ilang kilometro po ang layo mula sa ilalim ng lupa? Nanay, Tatay, Lolo, 'wag niyo akong pabayaan ha, sana maging maayos ang buhay ko sa maynila. Aalis na po ako bukas ng umaga, may oras pa ho para pigilan niyo 'ko, hinihintay ko lang na pipigil kayo sa pag alis ko.
Hayy, ayaw niyo po ba akong pigilan? Ang pangit niyo naman ka bonding. Paano po aalis na ako, good luck po sa akin. Byee Nay, Tay, lolo mamimiss ko kayo."
Umalis na ang dalaga at umuwi sa kanilang bahay.