AUTHOR,
Maagang nagising ang dalaga at naghahanda na sa pag-alis. Dala ang dalawang maleta niya nang lumabas siya ng bahay.
"Hay, ayaw ko mang umalis pero, kailangan. Mag isa na lang ako, mamimiss ko si lolo sa bahay na'to. Paalam Lolo, Nanay at Tatay," usal ng dalaga at pinahid na ang mga luha sa mga mata.
Pumara siya ng trysekel at nagpahatid sa terminal ng bus. Mayamaya pa ay nakarating na siya at bumili ng ticket.
Matapos niyang makabili ng ticket ay sumakay na siya ng bus papuntang Pasay City.
May tumabi sa kaniyang may edad na babae.
"Pa-Maynila ka rin iha?" tanong nito sa kaniya.
"A-Ako po?" turo niya sa kaniyang sarili.
"Oo iha ikaw nga, tayo lang naman ang magkatabi." Natatawa ang ginang sa kaniyang inasal.
"Oo nga pala, opo pa-Maynila po ako. Ngayon lang po ako makakapunta roon..."
"Gano'n ba, may kamag-anak ka ba roon?" tanong ng matanda.
"Wala nga po eh, magbabakasali lang po..."
"Naku iha, hindi basta-basta sa Maynila lalo na kung wala kang kakilala o kasama. Maraming masasamang tao na nakakalat sa kalsada."
"May zombie po ba sa Maynila."
Natawa na naman ang matanda sa kaniyang ka inosentehan.
"Wala iha, ang ibig kong sabihin ay may mga snatcher, magnanakaw o adik na nakakalat sa Maynila."
"Ahh... Hindii niyo naman po nilinaw e. Ano nga po pala pangalan niyo?"
"Ako nga pala si Manang belen. Isa akong katiwala ng isang pamilya sa Maynila. Ikaw anong pangalan mo?"
"Ako po? Iya po," pakilala niya rito.
"Magandang pangalan, bagay sa'yo."
"Salamat po."
"Ano nga pala ang gagawin mo sa Maynila?"
"Wala pa po akong alam, mag-a-apply po ng trabaho."
"Gano'n ba, mahirap makahanap ng trabaho ngayon lalo na kung wala kang back up. Gusto mo ba na sumama sa akin? Kailangan ko kasi ng isang kasama, umalis na 'yong dating katulong ng mga amo ko."
"Seryoso po kayo? Ano pong trabaho? Kahit ano po basta kaya ko po."
"Kaya mo 'yon iha. Pagiging katulong ang trabaho mo kasama ko."
"Sige po. Maraming salamat po, manang Belen," nakangiti niyang sabi rito.
"Walang ano man," sagot nito sa kaniya.
Alas tres ng hapon nakarating din sa maynila ang sinasakyan nilang bus. Bumaba na sila at pumara ng taxi si Manang Belen.
"Manang ito na po ba ang Maynila? Ang laki po pala talaga, sa tv ko lang po kasi nakikita ang hitsura ng Maynila."
"Oo iha, papunta na rin tayo sa mansyon ng mga amo ko."
"Ang tataas po ng mga building, ang ganda..." usal niya na nakatingala sa mga nagtataasang building sa lungsod ng Maynila.
Natutuwa ang dalaga kakatingin sa labas ng bintana. Hindi maalis sa mukha niya ang ngiti dahil natupad na rin niya ang isa sa kaniyang pangarap, ang makatungtong sa Maynila.
Lumipas ang dalawang oras nakarating na sila sa bahay na sinasabi ng matanda.
Mas namangha ang dalaga sa lawak at laki ng bahay.
"Grabe! Manang, bahay po ba 'to?! Ang laki, parang palasyo."
"Oo iha, ito ang bahay ng mga amo natin. Tara na sa loob," sagot nito sa kaniya.
"Sige sige po."
Pagpasok nila sa loob ay napanganga siya at 'di maipaliwanag ang tuwa sa puso.
"Manang Belen, nasa langit na ba ako? Ang ganda po rito sa loob. Nakakalula ang laki at lawak hindi lang pala sa labas maganda, pati rin dito sa loob!" namamangha niyang sabi sa matanda.
"Oo iha, dalawa lang ang amo natin dito, magkapatid lang sila. Mabait 'yong babae, iyong lalaki naman minsan mabait, minsan masungit kaya kung makasalamuha mo 'yon 'wag mo nalang pansinin."
"Gano'n po ba okay lang po sanay naman ako," magiliw niyang sagot rito.
"Manang belen may cr po ba kayo? Kanina pa po ako naiihi e," nahihiyang tanong ni Iya.
"Ayy meron, 'di mo naman sinabi agad."
"Saan po?"
"Sa kaliwa may pinto diyan, nandun ang cr," turo ni Manang Belen.
"Sige po salamat."
Nagmadali ang dalaga papuntang cr at mabilis na pumasok para makaihi.
"Hayy," daing niya matapos umihi. Lumabas na siya at bumalik kung na saan si Manang Belen.
"Na saan na kaya si Manang Belen?" tanong niya sa sarili.
Nagpaikot-ikot ang dalaga pero 'di niya mahanap ang matanda. Umakyat siya sa taas para hanapin 'to roon. Hinanap niya sa mga kuwarto ang matanda pero 'di niya iyon makita.
May napansin siyang nakaawang na pinto at lumapit siya roon, nagbabakasakaling naroon ang matanda.
Pumasok siya sa kuwarto at nagpalinga-linga, lumapit siya sa may cr at binuksan ito.
"What the f*ck?!" sigaw ng tao sa loob.
"Aaaahhhhhh!" tili naman niya sa gulat.
"Who are you?!" galit nitong tanong.
Tinakpan ng dalaga ang kaniyang mukha dahil sa nakita.
"S-sorry, akala ko si Manang pasensya na."
"Manang? Are you kidding me? Manang is not here! Magnanakaw ka 'di ba?!"
"Hindi po, hindi po ako magnanakaw, kasama po ako ni Manang Belen."
"What? You're lying! Wait me here, I will bring you to the police station!"
Kinabahan ang dalaga, ipapakulong ba siya ng lalaki? Hindi pa rin siya tumayo at hinintay itong makabalik.
"I will make sure na makukulong ka!"
Napaangat siya ng tingin nang magsalita na ito at nakatayo sa harap niya.
Napanganga ang dalaga sa kaniyang nakita at hindi siya makapaniwala..
'Lolo, nasa langit na ba ako? Totoo ba 'tong nakikita ko?'
Kinurot niya ang kanyang sarili dahil baka nanaginip lang siya.
'Is it real, is it real? kitang kitaaa, real na real!'
Napakanta siya sa kaniyang isip dahil ang lalaking nakatayo sa harapan niya ay walang iba kun'di, si Tyrone Fuentabella.
'Lord, kung panaginip man ito, ayoko nang magising.'
"Heyy, I said stand up!" sigaw ng lalaki pero parang wala siyang narinig.
"Bingi ka ba ha, miss? Tayooo!"
Nagulat siya sa biglang pagsigaw nito at tarantang napatayo.
"Who are you?" tanong nito.
"I am your forever," mahinang usal niya pero narinig 'yon ng lalaki
"What? Are you crazy? Are you sick?"
"Sick? hindi, pero crazy sa'yo," pabebe niyang sagot
"What the heck! Out!"
sigaw ng lalaki sa kaniya. Napaigtad nanaman siya sa gulat dahil bigla na naman itong sumigaw.
"Nakalunok ba ng micropono 'to?" bulong niya
"Hindi ka lalabas? Kakaladkarin kita hanggang kalye gusto mo?"
"H-hindi, pero kung papunta sa puso mo papayag ako..."
"You're crazy get out!"
Nanggigigil na ang lalaki pero 'di pa rin siya gumalaw. Bigla na lang siya nitong hinablot at hinila palabas ng kaniyang kuwarto.