IYA POV
'Dream come true!' sigaw ng isip ko. Nakita ko na siya sa personal! Nakita ko ang tinatago niyang barko. Joke lang, wala talaga akong nakita nagulat ako at natakpan ko kaagad ang mukha ko.
No'ng makita ko ang mukha niya na nakabihis na siya ay akala ko nasa langit na ako. 'Heaven by your side, Tyrone!' Ang guwapo niya pala sa personal, 'yong mga mata niyang tantalizing look. Oh English 'yon, parang gusto ko na lang magpahila sa kaniya palagi. Ang bango-bango niya grabe, nakaka adik. 'Oh, Tyrone, aking Romeo...'
Bumagsak ako sahig nang pabato niya akong bitawan pagdating namin sa ibaba. Ang sakit ng balakang ko, pakiramdam ko na dislocate.
"Araayyy!" daing ko.
"Manang!" sigaw na naman niya. Hindi ba siya marunong magsalita ng mahinahon?
"Senyorito, ano pong nangyari?" bungad ni Manang galing sa kusina.
"Iya, anong ginagawa mo diyan sa sahig?" Lumapit siya sa akin at tinulungan akong makatayo.
"Who is she? Where did you get that trash?!" Grabe sa trash ha, mukha ba akong basura?
"Senyorito, huminahon po kayo. Siya si Iya, bagong katulong 'di na kasi makakabalik si Myrna dahil may sakit ang Nanay niya kaya siya ang dinala ko..."
"I don't care! That woman entered my room. Magnanakaw!"
"Iho, 'wag mo namang pagbintangan ng ganiyan si Iya, wala naman siguro siyang kinuha..."
"Then what is she doing inside my room?!"
"Iha, ano ba ang ginawa mo sa kuwarto ni Senyorito?" tanong ni Manang Belen sa akin.
"H-hinanap ko lang po kayo Manang, nawala po kasi kayo rito pagbalik ko galing cr kaya hinanap kita at napunta ako sa kuwarto niya. Pero wala po akong balak na magnakaw, maniwala kayo," kinakabahan kong paliwanag.
"Gano'n naman pala iho, wala siyang ninakaw."
"I don't care. Pasalamat ka dahil kilala ka ni Manang, because if she doesn't know you! I will call a cops and send you to jail!" Sigaw niya sa pagmumukha ko. Ang bango ng hininga niya.
"Tyrone, why are you yelling? And who is she?" tanong ng magandang babae, ay mali-mali, diyosa! Ang ganda-ganda niya.
"Senyorita, siya po si Iya bagong katulong natin," sagot ni Manang Belen.
"Ohw, welcome to our house, Iya. I am Qatara, nice to meet you," pakilala niya sa akin.
"Iya po, n-nice to meet you din po, senyorita," nahihiya kong pakilala.
Tinanggap ko ang kamay niya, grabe ang lambot.
"Anyway, nakapagluto ka na po ba Manang?" tanong niya kay Manang Belen.
"Opo senyorita."
"Okay, magpapalit lang ako. And you? Tyrone, we have business to talk," sabi niya rito bago umakyat sa taas. Matalim pa ring makatingin sa akin si Tyrone pero matamis na ngiti lang ang isinukli ko.
Inirapan niya ako at padabog na umakyat sa taas.
"Iha, okay ka lang ba?" tanong ni Manang sa akin.
"Opo Manang okay na okay po. Saan po ang kuwarto natin?"
Okay lang talaga ako, ang guwapo niya kaso ang sungit.
"Tara, ihatid kita roon. Magbihis ka at kakain na tayo mayamaya."
"Sige po."
Nagtungo kami sa kuwarto namin ni Manang. Pagpasok namin ay iniwan na niya ako dahil ihahanda na niya ang pagkain. Napahiga ako sa kama at kinikilig, .
"Hay, nakita ko na rin ang idol ko, grabe 'di ako makapaniwala. Salamat kay Manang siya ang angel na binigay ni Lord sa akin."
Pagkatapos kong magbihis ay binalikan ko na si Manang sa kusina. Naroon na rin si senyorita at bebe Tyrone ko.
Sasalinan ko sana ng tubig ang baso niya pero natumba iyon at nabuhos sa kaniya.
"I'm sorry, sorry," taranta akong pinunasan ang damit niya pero winaksi niya ang kamay ko.
"What the f*ck!? Are you stupid!?"
sigaw niya sa pag mumukha ko. Namuo ang luha ko sa mata dahil sa pang-iinsulto niya. Hindi ako kagalingan mag-English pero alam ko ang ibig sabihin no'n.
"Tyrone, 'wag mo siyang sigawan," awat ni Senyorita Qatara.
"Bullsh*t! Nkakawalang gana!"
padabog siyang tumayo at umalis.
"I'm sorry po."
Pumiyok ako at patakbong nagtungo sa kuwarto. Umiyak ako dahil nasaktan ako. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nainsulto at namura. Hinahangaan ko sana siya pero parang nawala 'yon dahil sa pinapakita niyang ugali. Totoo pala ang kasabihan na, ang mga modelo at artista ay sa harap lang ng camera mabait.
Naramdaman ko ang pagpasok ni manang sa kuwarto, pinahid ko kaagad ang mga luha ko.
"Iya, okay ka lang? Pagpasensyahan mo na sana si senyorito. Gano'n talaga 'yon kapag wala siya sa mood."
"Okay lang po ako, Manang Belen. Kasalanan ko din naman po kasi tatanga-tanga ako."
"Huwag mong sabihin 'yan, natural lang na magkamali tayo pero hindi katangahan ang tawag do'n iha."
"Alam ko po, kaya okay lang, better luck next time po."
"Ikaw talagang bata ka. Halika ka na, kakain na tayo."
"Opo, tara po."
Lumabas na kami ng kuwarto at pumunta sa kusina para kumain.
"Kain ka lang iha 'wag kang mahiya..."
"Ang sarap niyo pong magluto Manang."
"Salamat iha."
"Alam niyo po, ngayon lang ako nakakain ng ganito kasarap na mga pagkain. Mahirap lang kasi kami at walang sapat na pera para ibili ng pagkain na masasarap."
"Gano'n ba iha, na saan ang mga magulang mo?"
Napatigil ako sa pagnguya at uminom ng tubig, pakiramdam ko bumara sa lalamunan ko ang pagkain.
"May nasabi ba akong masama iha?"
"Wala po manang, ang totoo po wala na po akong magulang at pati 'yong nag-iisang tao na kasa-kasama ko sa buhay ay wala na rin po." Naalala ko na naman si Lolo.
"G-ganon ba, pasensya ka na kung nagtanong ako, hindi ko alam."
"Okay lang po, gano'n po talaga ang buhay parang life, minsan kailangan nating ngumiti para masaya."
"Puro ka talaga biro. Kaya naman 'di halatang may pinagdaanan ka pala sa buhay dahil diyan sa ugali mo."
Nagpatuloy kami sa pagkain at ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Masaya na rin ako, kahit na pinaiyak ako no'ng ulupong na 'yon. Kaya ko 'to!