BREAKING PROBINSIYANA'S HEART || CHAPTER 4: (FIRST DAY)

825 Words
IYA POV Araw ng lunes ngayon at maaga akong nagising. Nagdidilig ako ng mga halaman sa harapan ng mansion. May lalaki na pumasok, guwapo, matangkad, mukhang artista at brown ang kulay ng buhok. "Ehemm... Hi, miss. Bago ka ba rito?" tanong niya. 'Di ako sumagot at nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa. "Miss, bingi ka ba? Hello! I'm talking to you." Kunot-noo akong tumingin sa kaniya. "Ako ba ang kausap mo, Kuya?" tanong ko sa kaniya. "Hindi ba obvious? Malamang ikaw, tayo lang naman dalawa dito," pabalang na sagot niya. "Ahh... Ako pala kausap mo. Ano nga ang tanong mo ulit?" kanong ko sa kaniya. "Ang tanong ko, bago ka ba rito? Ngayon lang kasi kita nakita," paglilinaw niya. "Ahh... Oo, bago ako rito ikaw? Dito ka rin ba nakatira?" tanong ko sa kaniya. "Nope, si Tyrone ang ipinunta ko rito. May lakad kasi kami," sagot niya. Napatango ako at binalik na sa trabaho ko ang atensyon ko. "Ano nga pala ang pangalan mo, miss?" tanong niya sa akin. Feeling close 'tong tao na'to ah. "Iya, Iya Folliante. Ikaw?" pakilala ko sa kanya. "Ryan Angeles. Nice to meet you, Iya," pakilala rin niya at inabot ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman iyon at nag-shake hands kami. "Ehemm..." Ubo ng kung sino. Paglingon ko, si Tyrone pala iyon na nakapamulsang nakatingin sa amin. "Are you enjoying holding his hands?" tanong niya na nasa kamay namin nakatingin. Agad akong bumitaw kay Ryan at napayuko. "Hey Ty, masyado pang maaga para uminit ang ulo mo. Nagpakilala lang kami sa isa't isa ni Iya. Ang ganda ng pangalan niya 'di ba? Parang siya, magandang dilag," nakangiting sabi ni Ryan kay Tyrone. "I don't care. Come on in. And you woman, magtrabaho ka at hindi paglalandi ang inaatupag mo!" utos niya sa akin. Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Paglalandi na ba ang makipagkilala sa ibang tao? Sa probinsiya namin normal lang iyon kapag may bago kang makikilala. Nagpatuloy na lang ako sa aking ginagawa. Pagkatapos nilagyan ko ng mga fertilizer ang mga bulaklak na unti-unti nang namamatay. "Ayan, may fertilizer na kayo. Bukas sisigla na kayo, 'wag kayong mag-alala dahil simula ngayon ako na ang mag-aalaga sa inyo." Bulong ko sa mga bulaklak. RYAN POV Pumasok na kami sa loob ni Tyrone at naiwan sa labas si Iya. Naawa ako sa kaniya dahil sa pagtrato ni Tyrone. Hindi naman lumalandi 'yong tao, nagpakilala lang kami sa isa't isa. "What are you doing here?" tanong ni Tyrone. Nasa veranda kami at tanaw namin si Iya na nagdidilig pa rin ng mga bulaklak at nilagyan niya ang mga 'to ng fertilizer. "Visit? Bakit gano'n na lang ang trato mo kay Iya? Mainit ang ulo mo sa kaniya, at pinahiya mo pa," sabi ko kay Tyrone. "Simple, I don't like her. Masyado siyang papansin, galit din ako sa kaniya," sagot niya. "Why?" usisa ko. "Pumasok siya sa kuwarto ko kahapon. At binuksan niya ang banyo kung saan ako naliligo." Salubong ang kilay niyang kwento. "Iyon lang ang dahilan? E, baka naman aksidente lang." "Iyon ang sabi niya. Hinahanap niya raw si Manang Belen." "Iyon naman pala, kung magalit ka naman parang may ginawa nang masama ang tao sa iyo." "I don't know. When I first saw her, hindi na maganda ang loob ko sa kaniya, naiinis ako sa mukha niya at ayaw ko siyang nakikita?" Halata ngang galit siya, nakakuyom ang mga palad na para gustong manakit. "Bakit naman? Mabait naman si Iya, maganda pa. Anong nakakainis sa kaniya?" tanong ko. "I don't know, basta mabigat ang loob ko sa kaniya. Papansin at tanga!" sagot niya. Napatingin ako sa kaniya at kita ko ang inis sa mukha niya roon sa babae. "Huwag mo namang pagsalitaan ang tao ng ganiyan 'tol, wala siyang ginawa sa'yo," sabi ko sa kaniya. Tumingin ako kay Iya na niligpit ang host ng tubig at pumasok na ito sa loob. "Siya nga pala, pinapatawag ka ng manager natin. May pictorial ka raw sa bagong magazine na ilalabas," sabi ko sa kaniya. Muntik ko na iyon makalimutan dahil si Iya ang pinag-usapan namin. "Okay, maliligo lang ako at magbibihis. Pakihintay na lang," paalam niya. Pumasok ako sa kusina para maghanap ng makakain. "Good morning, Manang Belen. Hi, Iya," bati ko sa dalawa. "Hi, Ryan. Gusto mong kumain?" tanong ni Iya sa akin. "Oo e, nagugutom ako," sagot ko na hinihimas ang tiyan. "Kumain ka iho, ito ang plato. Sumabay ka na lang sa amin," sabi ni Manang at inabot sa akin ang plato. Nagsandok ako ng sinangag na kanin at kumuha ng itlog. Habang kumakain kami ay nagkwentohan kaming tatlo. "So, taga-probinsiya ka? Mabuti na lang nagkakilala kayo ni Manang Belen sa bus dahil kung hindi, malamang sa kalye ka matutulog," sabi ko kay Iya. Naawa ako sa kwento ng buhay niya. Wala na siyang magulang at namatay na rin ang Lolo niya. Hindi mo makikitang may pinagdaanan siya dahil sa itsura niya. Laging nakangiti at masayahing tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD