Mas lalo yatang sumama ang pakiramdam ni Isabela dahil sa narinig na sagot mula kay Uno. Kinumpirma lamang ng binata na mayroon na itong babaeng minamahal, at tuluyan na nitong winakasan ang pag-asang mayroon sa puso ni Isabela. Matapos ang nangyari sa kanila, umasa na siya na may chance na magustuhan siya ng binata. Ngunit katulad ng dati ay nasaktan lamang siya. Sa ika-ilan nang pagkakataon ay nasaktan na naman siya ng taong ni minsan ay hindi naman siya pinagtuunan ng pansin. Nais pa sana niyang tanungin ang binata tungkol sa Bella na iyon. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit pinagpanggap pa siya nito bilang girlfriend gayung may Bella naman na pala siya. Bakit kailangan pa siyang gamitin ng binata, gayung may minamahal naman pala ito na pwedeng ipakilala sa mga magulang nito. Mara

