After 5 minutes of preparation bumaba na ako para mag paalam kay kuya elan.
Pagbaba ko bigla silang napatingin at napatigil sa paglalaro ng PS5. Si riggs at si kuya elan lang yung nakatingin sa akin na parang nagtataka kung saan yung lakad ko. Tinignan ko si knoxel, at yon parin, galit pa rin siya sa akin.
"Where are u going cuz?" tumayo si kuya elan para lapitan ako
"Are you gonna meet someone?" tanong ni riggs sa akin na mukhang nag sisimula ng asaran.
Ngumiti lang ako at nakita ko si knoxel na tumingin nang tinanong ni riggs sa akin yon at biglang umiwas ng tingin.
Hindi ko pinansin yung tanong ni riggs at lumapit ako kay knoxel para mag tanong.
"Are you still mad?" tumingin siya sa akin na walang emosyon.
Kaya hindi ko na siya pinilit mag salita at tumingin na lang ako sa orasan para iwas pahiya na rin.
"Ohh sht I need to go guys!"
"Yieee. You must be late on your first date HAHAHA"
Hindi ko na pinansin si riggs at agad kong kinuha yung susi ng sasakyan. Bago pa man ako makakalabas may sinabi muna ako kay knoxel.
"Don't be mad at me anymore! i'll buy you a snack when i get home! And riggs i don't have time makipag asaran sayo. And kuya elan please tell them na pupunta ako sa book signing. Thank you!"
"Ohh right! Napublish na pala yung book mo na Authors. Goodluck daree!"
"Good luck" sabi ni knoxel na wala pa rin emosyon hanggang ngayon at tinignan ko si riggs na tinetenta si knoxel na maging dahilan para mamula siya.
"yeah! thank you!"
Ngumiti ako sakanila at nag sapatos na ako at sumakay na ng sasakyan. Pagkasakay ko ng sasakyan huminga muna ako ng malalim at tsaka ko na pinaandar yung sasakyan.
I'm not actually late. 9:21 palang and 1:00 pa yung Book signing ko. Dahilan ko lang yon para hindi mapahiya sa harap nila sa ginawa ni knoxel.
Pag galit talaga siya sayo ayaw ka niyang pansinin tinalo pa yung babae sa pagkatoyo niya. Masyado siyang mapride.
"Pag montefalco nga naman" [sigh]
Nagfocus na lang ako sa pagdridrive ko at napagdesisyonan ko na mag Starbucks muna dahil wala pa akong kain simula kanina.
Pagkatapos ng ilang minuto ng pagdrdrive, nakarating na ako ng Starbucks at pumila na.
I patiently waited for 4 minutes sa pila at sa wakas ako na yung sunod.
"Caramel Frappuccino with coffee and no caramel sauce, but can you please put an extra whipped cream?" ngumiti ako kay ate at tinake niya naman order ko.
"What name we should put in your order sir?"
"cree" Biglang tumingin si ate girl na parang gulat kaya ako nagulat na rin
"w-what's wrong ate?"
"Omg! Ikaw ba si Dario Cree Madden!?"
Tumingin ako sa paligid. Lahat ng tao nakatingin sa amin kaya bumalik ako agad ng tingin kay ate at ngumiti ng slight lang.
"Ahm.. opo hehe"
"Omg! i am a Cree! your fan!" wahh kinilig ako kay ate at tsaka ako nahiya kasi yung mga tao sa likod ko nag hihintay na.
"ahm.. Thank you, pero pwede ko na po bang bayaran? naghihintay na po kasi yung mga tao sa likod ko"
Tumingin siya sa likod at ningitian niya ako.
Nag bayad ako at nag hanap na ng mauupuan habang hinihintay yung order ko.
Habang naghihintay, nakita ko si ate girl na papalapit sa akin na dala dala yung order ko at may hawak siyang libro at tsaka pilot pen.
Umupo siya sa tabi ko habang nakatingin sa akin. so bale nag eeye to eye kaming dalawa. Kinikilig ako dahil first time na may mag papasign sa akin out of event.
"May event ka po mamaya diba?" nilapag niya yung order ko at tsaka yung libro at tinignan niya ako balik.
"Ate baka matunaw na ako nyan" tsaka niya ako pinalo sa likod at tumawa. Ano to nanadya ba to?
"Opo may book signing ako mamaya 1" ngiti kong sabi sakanya at napatingin ako sa libro na dala niya kaya napatingin rin siya
"a-ahm.. hehe... Big fan mo po kasi talaga ako at itatake ko na tong ooportunity na ipasign to sayo" paluha niya ng sabi sa akin.
Hindi na ako nag dalawang isip na kunin yung libro at isign. Sakto na may dala akong polaroid kaya nag picture kami dalawa at dinikit sa libro niya.
"Thank you so much dario! I love youuu!!" tsaka niya ako niyakap kaya niyakap ko na rin siya pabalik.
Tumayo na ako at tsaka nag paalam sakanya. Pupunta na ako sa venue to sign some of my books para idisplay sa national book store.
"Thank you! I appreciate you a lot!" niyakap ko siya ulit at umalis na. Ningitian niya lang ako habang pumapatak na yung mga luha niya.
Sumakay na ako sa sasakyan na nakangiti.. Nang makarating na ako sa mall, maraming tao naghihintay sa event kaya tumakbo ako ng mabilis papuntang room kung saan ako mag stastand by at mag sign ng ibang libro para idisplay sa national book store.
"You're just in time" I got surprised kasi akala ko mamaya pa siya 2 darating.
"What do you mean, daniel?" Nilapag ko yung mga gamit na dala ko. Tumayo ako at nilagay ko yung dalawang kamay ko sa bewang ko
Huminga siya ng malalim na parang naiistress pa. Kaya tinarayan ko siya
"Bulag ka? nakikita mo naman na pinapasok palang yung mga libro mo" inisnob niya ako at tumalikod siya para ayusin yung mga gamit niya
"Hindi ko naman alam na yung mga libro yung minimean mo"
"whatever"
Tumakbo ako at hinila ko buhok niya para yakapin siya
"Ackk! akala ko 2 ka pa darating"
He just laughed at me
"Napaearly ako pake mo ba"
"Inaway ka ng girlfriend mo noh?"
tumingin siya sa akin at tumawa
"No. Inaaway ako ng story mo. masyadong mapanakit yung last 2 chapter ng libro mo!"
tinulak niya ako papalayo sakanha at tsaka ko siya inirap at bumalik na sa table na kung saan ako mag sisign ng 200 books
Daniel is my bestfriend since 8th grade of high school. We treat each other as a siblings. 1 month na kami hindi nag kikita dahil busy siya sa acads niya and ako rin na busy. Sinakto ko yung date na kung saan siya free becuase i want her to be part of my first book signing. siya yung nag pilit sa akin na mag sulat kaya panindigan niya na samahan ako.
"Btw, kilala mo naman si cameron Castillo?"
"Oo, he is the bestfriend of my cousin and a close friend of mine"
"why? what's with him?"
Huminga siya ng malalim at binaba yung mga libro.
"May pinagdadaanan ba siya?"
Tumigil ako sa pag susulat ko at tinitigan lang si daniel kasi hindi ko rin alam eh.
"I don't know. I don't listen to his songs and simula nag isang taon siya sa Canada hindi na kami masyadong nag cocommunicate. Why?"
"wala naman. Nag cover kasi siya ng song ni taylor Swift na 'Enchanted' and the way he sang it, parang may pinagdadaanan talaga. HAHAHA"
Bumalik siya sa pagkakakarga ng mga libro at ako naman wala iniisip pa rin kung sino sa mga nakalandian niya yung nakikinig ng song na yon pero si kuya elan lang talaga yung narinig kong kinanta rin yung kanta na yon. Imposible naman rin kasi, sa dami daming nilalandi non kanino ba siya mag serseryoso?
Ininom ko yung frappoccino ko at bumalik sa pag sisign ng libro. Madami dami na rin yung nasign ko at tinignan ko yung orasan kung may oras pa ba ako mag pahinga. As of now 130 palang yung nasisign ko out of 200 and it's already 12:21 kaya nag stop na ako mag sign at nag desisyon na matulog muna tutal 70 na lang yung mga libro na isisign ko, mamaya na lang after the event...
---
"Excuse me?"
nagising ako sa deep voice na lalake pagkamulat ng mata ko biglang nanlaki yung mata sa nakita ko
"Ahm.. you're dario, right?"
"ah! yes!"
pinunasan ko yung laway ko. Tinignan ko siya at ngumiti siya sa akin. Nakakahiya baka haggard na ako nito. Nafefeel ko ang init sa pisnge ko.
"Daree!" tumingin kami kasi daniel na papalapit sa amin
"oh bakit namumula yang pisnge mo?"
tumingin ako sa lalakeng gumising sa akin at nakatingin na pala siya sa akin kaya tumingin ako bigla sa salamin para tignan yung mukha ko.
"wala naman ah" patay malisya kong sabi
Tinignan niya yung lalake at tumingin sa akin si daniel na parang nang aasar pa.
"ahh.. This is jake my brother."
agad na inabot sa akin ni jake yung kamay niya at agad ko ring pinunasan yung kamay ko at inabit rin sakanya para mag shake hands
Ang gwapo niya. Dapat ganito yung tinapat niyo sa akin kaninang umaga para naman maganda yung gising ko, hindi katulad kanina na umagang umaga nalanghap ko sama ng loob.
""Starstruck ka naman jan daree"
tinignan ko ng masama si daniel para matahimik
"i'm jake kim" ang cute ng smile niya as in
"hi. i'm daree" tinitigan niya lang ako at ako naiilang na kaya tinignan ko na lang si daniel at ito namang si daniel nag pipigil ng tawa
"baka matunaw si daree, jake ah."
"oh i'm sorry"
Tinignan ko yung oras. Wala pa palang sampung minuto yung tulog ko pero bahala na gwapo naman yung gumising sa akin.
Umupo kami ni jake at iniwan kami ni daniel dito sa room. The moment of silence nag salita siya.
"What is his last words?"
tumingin ako sa kaniya at tumingin rin siya sa akin kaya bigla ako umiwas ng tingin. hindi ko naman alam yung sinasabi niya kaya hindi ko siya sinagot at pinaglaruan ko na lang kamay ko
"I mean what is your main character last phrase in your story?"
"Why this Author didn't make you as my happy ending"
---