CHAPTER 12

1322 Words
ADELINA'S POV: Monday came, and as usual, my boyfriend was nowhere to be found. I was so used to his absence that it barely fazed me anymore. Naiisip ko na noon na tama lang na makipag-break. Pakiramdam ko kasi ay hindi na tama ang aming relasyon. Pero sa tuwing gagawin ko iyon ay nananakit ang aking puso, bukod sa may nararamdaman ako para sa kanya, ay naaawa rin ako sa kanya. Ayoko rin kasing makapanakit ng kapwa. Paano kung busy lang talaga siya? Paano kung mahal na mahal niya pala ako? With a sigh, I continued walking, making my way through the bustling campus of our university. Nang makarating ako sa hallway ay natanaw ko na ang aking mga ka-block na nagmamadali nang maglakad. Nang i-check ang aking relo ay saka lang ako napatakbo. "Gosh, akala ko ay maaga pa," bulong ko sa sarili ko habang binilisan ang hakbang. I could feel my heart racing as I navigated through the crowded corridors, dodging groups of students and trying to avoid bumping into anyone. Tss! Sayang, bibili pa naman sana ako ng coffee sa cafeteria, late na pala ako. Hingal na hingal ako pagdating ko sa pintuan ng aming classroom. Bago ako pumasok ay inayos ko muna ang aking sarili, huminga nang malalim bago pumasok sa loob. I saw Sir Magnus facing our whiteboard, writing something on it. Kaya nagdahan-dahan akong maglakad upang hindi iya marinig ang aking yabag ng sapatos, ngunit bago pa man ako makarating sa aking upuan ay tinawag niya na ako, kaya mabilis akong huminto. Ano ba ito, para may sa pusa! Ang lakas ng pakiramdam. "Miss Monfort!" He pauses for a while. "Good morning. I see you've decided to join us just in time." Ma-awtoridad niyang sabi. Damn, kinabahan ako masyado. "Magandang umaga po, Sir. Pasensya na po at medyo nahuli ako," sagot ko, pilit pinapanatiling matatag ang aking boses, kahit na kinakabahan. Ewan ko ba, kapag nasa public kami at maraming tao ay kinakabahan akong makipag-usap sa kanya. Iba pa rin talaga kapag kausap ko siya nang kami-kami lang. At isa pa, masungit talaga siya pagdating sa classroom, lalo at kaharap ang maraming estudyante. "No need to worry. I was just about to start discussing the new project. Since you're here, why don't you share your thoughts on sustainable architecture with the class?" Huh? Grabe, ganyan talaga siya kahigpit kapag nagtuturo na, lalo na kung late ka, tatanungin ka niya agad. Kaya ayaw ng mga kaklase ko na nahuhuli sa class niya, dahil alam nilang may pagkamasungit itong professor namin. Ang sabi nga ng iba ay terror daw siya, halos lahat ng estudyante ay ilag sa kanya. Pero mabait siya sa akin, lalo na kapag kami na lang. Huminga ako nang malalim, bago nagsalita. "Of course, Sir. Sustainable architecture is about designing buildings that minimize environmental impact through energy efficiency, use of sustainable materials, and integration with the natural environment." Deretso kong sagot. "Good point, Miss Monfort," Sir Magnus said, nodding. "How do you plan to incorporate the principles of sustainable architecture into your current project?" "In my current project, I plan to use local and recycled materials to reduce the building's carbon footprint," I answered. "Additionally, I will install solar panels and rainwater harvesting systems to make the building more energy efficient." "Excellent idea," Sir Magnus said, clearly impressed. "Do you have any examples of projects that have inspired you?" "Yes, Sir," I continued enthusiastically. "One of my inspirations is the Green School in Bali, Indonesia. Their use of bamboo and other sustainable materials is truly remarkable." "Well done, Miss Monfort! You can take your seat now!" Tss! Grabe talaga siya, akala ko aya malalgutan na ako ng hininga sa kaba kanina. Mabuti na lang ay madali lang ang tanong niya sa akin, kaya nakasagot ako. "Hoy, ba't ka na-late? Nagmuni-muni ka na naman ba? Hinanap mo na naman ba 'yung boyfrined mong sira ulo?" Sitang bulong sa akin ni Zarah nang makaupo ako sa tabi niya. Lumingon ako sa kanya, saka ngumiti nang bahagya. "Medyo lang," sabay peace sign ko. Nagagalit talaga siya sa akin kapag hinahanap ko ang boyfriend ko. Para sa kanya kasi ay sinasayang ko lang ang oras ko sa boyfriend ko na parang wala naman, na talaga namang totoo. "Maganda ka naman, best! Hiwalayan mo na 'yan. Marami ka pang makikita!" Sabay tingin niya sa unahan kung nasaan si Sir Magnus. "Maganda daw, tumigil ka nga!" "Oo, itong salamin lang naman ang sagabal dyan sa kagandahan mo!" Sabay kuha niya ng aking salamin na agad kong binawi. "Anu ba, alam mong hindi ako makakakita kapag wala iyan sa mata ko!" Bulong ko, na agad niya rin namang binigay. "Ang dami mong pera, bakit hindi ka magcontact lens o 'di kaya naman ay magpa-laser!" Bulong niyang sabi, na sinimangutan ko lang saka humarap na sa harapan. Alam niya naman na takot ako magpa-opera. Parang hindi ko ata kaya 'yung ginagawa nilang procedure sa mata, baka mahimatay ako sa kaba. Nang matapos ang klase sa buong araw, muli akong naghintay sa waiting shed. Habang nakaupo ako doon, pinagmamasdan ko ang mga estudyanteng naglalakad papunta sa kani-kanilang mga sasakyan o nag-aabang ng jeep, ang iba naman ay sa tricycle nasakay. Dumaan ang mga araw at iyon ang aking naging routine—gising ng maaga, pasok sa klase, tapos hintay sa waiting shed bago umuwi. Hanggang sa sumapit na naman ang Sabado, ang huling pasok namin sa eskwela para sa linggong iyon. At oo, naghihintay na naman ako sa waiting shed na ito. "Mind if I join you?" Tanong ng isang lalaki na sa tingin ko ay engineering student. Nakasuot siya ng simpleng polo shirt at may dala-dalang mga libro at notebook. "Sure, go ahead," sagot ko, bahagyang nagulat sa kanyang paglapit. "Salamat," sabi niya habang umuupo sa tabi ko. "By the way, I'm Rafael. Engineering student ako dito. Ikaw?" "Nice to meet you, Rafael. I'm Adelina, architecture student," sagot ko, iniabot ang aking kamay para makipagkamay. "Architecture, huh? That's cool. I've always admired how you guys can turn ideas into actual buildings," sabi ni Rafael habang kinakamayan ako. "Ano ang project mo ngayon?" "Secret!" Sabay tawa ko. "Ang dami mong tanong!" Reklamo ko, kakakilala lang, e. Magsasalita sana ulit si Rafael, nang biglang dumating si Sir Magnus, his expression dark and intense. He stopped in front of us, his eyes blazing with anger. Sa titig niya ay para siyang nakakita ng asawang nagloloko. Bakit naman kaya ganyan siya makatingin? Kung siguro kalabaw siya ay baka kanina niya pa ako nasuwag. "Miss Monfort!" Mariin niyang sabi sa aking apelyido, kaya mabilis akong napatayo. "Yes, Sir Magnus?" Tanong ko, habang nakakunot ang noo. "Ah... sige, aalis na ako. Paalam, Adelina. Masaya akong nakilala kita!" sabi ni Rafael bago siya naglakad palayo. Nang makaalis si Rafael ay nawala ang kasungitan ni Sir Magnus. Tss! Bipolar lang? Bilis magbago ng expression. Dinilaan niya ang kanyang labi, bago nagsalita. "Come ride with me. Patungo ako ngayon sa hacienda niyo, at nasabi ko na rin sa Papa mo na kasama kita." Tss! 'Di man lang ako tinanong. Pala desisyon din ang lalaking ito. Ano naman kayang gagawin niya sa bahay? Naglakad kami patungo sa parking area, ngunit bago pa man kami makarating sa kotse niya, nahagip ng mga mata ko si Lando, kasama ang ka-blocks mate ko, na naglalampungan sa tabi ng kotse. Nang mapansin nila na tila may nakatingin, agad silang nag-angat ng tingin sa akin. Ngunit, tila hangin lamang ako na hindi nila pinansin. Bagkus ay mas lalo pa silang naglampungan at naghalikan, na para bang sinasadya nilang ipakita sa akin. Naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha sa sobrang galit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumalikod ako at patakbong lumabas ng gate, ang mga luha ko'y nag-uunahan sa pagpatak. Kahit na tinatawag ako ni Sir Magnus, hindi ko siya pinansin. Ang tanging naririnig ko ay ang t***k ng puso kong nanggagalaiti sa sakit at galit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD