ADELINA'S POV:
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya. Totoo ba 'yon o biro lamang iyon?
Nang dumating si Papa sa hapag-kainan ay tuluyan nang nawala iyon sa usapan. Na-focus na kasi si Papa at si Sir Magnus sa pinag-uusapan nilang dalawa.
Kaya tahimik na lang kaming kumain ni Zarah, habang ako ay pasilip-silip na lamang sa kanila.
Pagkatapos ay nag-swimming kami ni Zarah sa aming pool.
"O, ba't tahimik ka?" Tanong niya sa akin, habang nakababad kami sa tubig.
"Wala naman," sabi ko.
"H'wag mong isipin 'yung boyfriend mo, hindi ka no'n mahal!" Sabay ikot ng mga mata niya. "Ilang beses ka na no'n iniwan, tapos ikaw hahabol-habol! Tapos bigla kang tatahimik."
"Ang maldita mo talaga sa akin!" Sabay nguso ko.
"Totoo naman, nagte-text o nagcha-chat pa ba sa'yo? 'Di ba wala? Baka nagpakasaya na 'yon sa binigay mong pera kasama ang kaulayaw niyang babae."
"Hindi!" Sabay nguso ko.
"See! Pogi lang 'yun, pero walang kwenta!"
"Oo na," sagot ko, at nag-floating na lang palayo sa kanya.
Napaisip ako kung bakit biglang tumahimik ang bruha, kaya't dahan-dahan kong inilipat ang tingin ko sa kinaroroonan niya.
Bigla akong natawa nang makitang nakatanghod siya sa aking bodyguard. Kaya nilapitan ko siya, at kinurot nang pino sa tagiliran.
"Aray ko! Masakit 'yun, Adelina!" Reklamo niya, na ikinatawa ko ng malakas.
"Akala ko kung anong nangyari na sa'yo, na-engkanto ka na lang pala ng bodyguard ko." Natatawa ko pa ring sabi.
"Sino siya, best? Pakilala mo ako!" Pangungulit niyang sabi, habang mahigpit na nakahawak sa salbabida.
"Kuya Jake," tawag ko sa bodyguard ko.
Hindi ko alam kung bakit siya narito, madalas ay hindi naman siya nagpapakita sa akin.
Lumapit siya sa may bandang gilid ng pool at nakangiting nakatingin sa best friend ko na ikinangiwi ko.
Mukhang alam ko na kung bakit siya narito.
Nang magsimulang magsalita si Zarah at tinanong ang bodyguard ko ay dahan-dahan akong umalis roon, saka nagtakip ng aking katawan bago nagtungo sa loob ng bahay.
Pagdating sa loob, naramdaman ko ang malamig na hangin mula sa aircon na tila yumayakap sa akin. Dumiretso ako sa aking silid, hinubad ang aking mga damit, at nagshower ng mabilis sa CR.
Habang ang malamig na tubig ay dumadaloy sa aking katawan ay napaisip ako. Ano nga kayang laman ng aking closet? Totoo kaya ang panaginip ko? Baka nga may gustong iparating ang babae sa aking panaginip.
Nang matapos sa pagshower, nagtapis lang ako ng tuwalya saka napatingin sa aking closet sa bandang dulo kung saan nakalagay ang mga damit na gown at kung saan ako mismo itinapat ng babae sa aking panaginip.
Dahan-dahan akong lumapit roon na may kaba sa aking dibdib, saka marahang binuksan ang aking closet.
Pagbukas ko pa lamang ng aking closet ay mabilis kong hinawi sa gitna ang aking mga gown na naka-hanger. Dali-dali kong itinapat ang aking kamay sa loob ng dingding ng aking closet. Nang magbukas nga iyon, isang malamig na hangin ang bumalot sa akin, at sa sobrang takot ko ay mabilis kong isinarado ang pinto ng aking closet at mabilis na umatras mula roon, halos hindi ako magkandatuto sa aking pag-atras. Ang t***k ng aking puso ay parang tambol na walang tigil, at ang malamig na pawis ay dumaloy sa aking noo.
Totoo nga na may daan sa likod ng aking closet. Ano kayang mayroon doon? Saan naman kaya patungo at bakit tila ako ang gusto ng babae na magpunta roon?
Baka naman doon nakalibing ang katawan niya, tapos ipapahukay niya sa akin? Sa takot ay napa-sign of the cross ako, tapos ay marahang tumayo at naglakad palabas ng aking silid.
Saktong paglabas ko ng pinto ay naroon si sir Magnus, at tila hinihintay ang paglabas ko.
"Sir?" Agad siyang lumapit sa akin, matapos makita at marinig ako.
"Hi!" Bati niya, na tila nag-aalangan.
"Anong mayroon, Sir?" Kuryoso kong tanong.
"Gusto mo bang mangabayo?" Tila nahihiya niyang tanong. "Nabanggit sa akin ng Papa mo na marami kayong kabayo. Ang sabi niya ay tanungin raw kita kung gusto mo raw akong samahan. Hindi ko alam ang pasikot-sikot rito sa hacienda niyo, baka p'wede ay samahan mo ako." Sabay kagat ng mapulang labi niya na ikinangiti ko.
"Huh? Sige," agaran kong sagot.
Matagal na rin akong hindi nakakapangabayo, wala rin kasi ako kasama kaya hindi ako nakakapangabayo. Si Papa naman ay palaging busy kaya nanatili na lang ako rito o kung minsan ay sinasamahan na lang si Papa kung saan siya magpunta.
Hindi na ako nagpalit pa ng damit, okay na itong suot ko. Nagsuot lang ako ng boots for safety at para na rin madali makatalon at hindi mahirap umapak sa lupa. Kadalasan kasi ay palaging basa ang lupa, lalo na kung patungo sa batis.
Nang lumabas kami ay nadaanan pa namin si Zarah na giliw na giliw na nakikipag-usap kay Kuya Jake na inilingan ko lang. Agad kaming dumeretso sa kuwadra, at namili ng kabayo na aming sasakyan.
Napili ko ang puting kabayong si Silo, siya kasi palagi ang aking sinasakyan. Napatingin naman ako kay Sir Magnus na nakatitig lang sa aking napiling kabayo, na tila may iniisip na malalim.
"Sir? Hindi ka pa pipili ng kabayo?" Taka kong tanong, habang hinihimas ang malambot na balahibo ni Silo.
Umiling siya, saka nagsalita, "isang kabayo na lang tayo para tipid," wika niya na ikinangiwi ko.
"Anong matitipid natin sa kabayo? E, wala naman 'tong gas!" Sabay bunghalit ko ng tawa, napahawak pa ako sa tiyan ko sa sobrang kakatawa.
"Ah... it's just that... I don't know how to ride a horse. I was hoping I could ride with you," he admitted, making me laugh even harder. Hindi ko mapigilang lalong matawa sa kanyang pag-amin. Kung p'wede lang gumulong sa tawa ay ginawa ko na.
"Ano? Yayain mo akong mangabayo tapos hindi ka naman pala marunong mangabayo! Ano ka hilo?" Hindi ko na napigilang sabihin, habang pinipilit kong pigilan ang aking tawa.
Nakangiti si Sir Magnus, ngunit may bakas ng hiya sa kanyang mga mata. "Oo na, sige na, pagtawanan mo na ako. Pero seryoso, pwede ba akong sumama sa'yo?" Seryoso niyang tanong na ikinakurap-kurap ko.
Adelina, sa likod ng kabayo siya sasakay, hindi sa'yo. Please, h'wag kang mag-isip ng iba.
Napabuntong-hininga ako, ngunit may ngiti pa rin sa aking mga labi. "Sige na nga, pero hawak ka lang mabuti ha? Ayokong mahulog ka at ako pa ang sisihin mo sa huli, pero marunong ka namang sumakay?"
Nang umoo siya ay agad ko nang inilabas si Silo sa kanyang kuwadra. Nang mailabas na siya ay agad akong sumakay, sumunod naman si Sir Magnus na walang kahirap-hirap sa pagsakay na animo'y eksperto.
Niloloko lang ata ako nito, marunong naman ata itong mangabayo.
Agad siyang kumapit sa aking beywang na mabilis kong ikinakislot. Hindi ko alam kung bakit, pero tila nakuryente ako sa paghawak niya sa aking beywang, na nakapagpabilis ng t***k ng aking puso.
Agad nag-init ang aking pisngi nang higpitan niya ang paghawak sa aking beywang nang simulan kong patakbuhin si Silo.
"Hmm... I like the smell of your shampoo and your perfume," bulong niya sa aking tainga.
"Sir naman, bigla-bigla nanggugulat!"
"I'm sorry, I can't help it!" Inayos niya ang tali ng aking buhok at hinimas-himas iyon na ikinataas ng balahibo ko sa batok, habang ang isang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa aking tiyan.
Binilisan ko ang takbo sa kabang aking nararamdaman, inihinto ko lamang iyon nang makarating kami sa batis. Huminto kami sa tabi ng tubig, at naramdaman ko ang malamig na hangin na humahampas sa aking mukha.
Habang sakay ng kabayo ay pinagmasdan namin ang ganda ng paligid at ang kalmadong batis na nagpakalma sa aking nararamdaman, lalo na nang humampas ang malamig na hangin.
"Ang ganda 'no!" Hindi ko naiwasang sabihin, habang manghang nakatitig sa bumabagsak na tubig ng talon, na tila ba nag-aanyayang maligo.
"Yes, it's really beautiful," sagot niya, ngunit naramdaman ko ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin, hindi sa paligid. "But you're even more beautiful... just kidding!" Sabay halakhak niya, na ikinangiwi ko. "But seriously, this place is stunning, just like you."
"Sir naman, e!"
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Adelina, seryoso ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito, pero simula nang makilala kita, parang nag-iba ang lahat."
Napatitig ako sa kanya, naramdaman ko ang t***k ng aking puso na tila tumitigil. "Sir Magnus..."
"Just kidding! Ikaw talaga, hindi ka mabiro. Ang seryoso mo lagi," sabi niya, na parang kay sarap batukan. Kung iwanan ko kaya siya rito?
"Alam mo, Sir Magnus, minsan iniisip ko kung paano ka makakaligtas sa kagubatan na 'to nang mag-isa," sabi ko, habang lumilinga sa paligid.
"Ah, ganun ba? Subukan mo kaya," sagot niya, na may pilyong ngiti sa kanyang mukha. "Pero sigurado akong babalikan mo rin ako."
"Talaga? At bakit naman?" tanong ko, kunwari'y nagtataka.
"Dahil alam kong hindi mo ako kayang iwanan," sabi niya, habang tumatawa.
Ah, gano'n ha! Mabilis akong naglakad patungo kay Silo, saka umangbang sasakay. Ngunit bago pa man ako makaupo ay mabilis niya akong hinablot at hinarap sa kanya.
Sobrang lakas ng t***k ng puso ko, habang karga niya ako. Lalo na nang magtama ang aming mga mata. Ang kanyang mga mata na tila nang-aakit at nangungusap, na tila punong-puno ng emosyon at mga salitang hindi nasasabi.
Pagkatapos ay tumitig siya sa aking labi, na lalong ikinabilis ng t***k ng aking puso. Sa isang iglap, nagtagpo ang aming mga labi, dahilan upang lumaki ang aking mga mata sa gulat.. Ang mundo ay tila huminto habang ang init ng kanyang halik ay kumalat sa akin, leaving me breathless and wanting more.
Saglit niyang iniwan ang aking labi, tapos ay nagsalita ng mahina.
"En la estructura de mi vida, eres la piedra angular." (In the structure of my life, you are the cornerstone.)